Chapter 36

2130 Words

HINDI KO ALAM KUNG GAANO KATAGAL NA NANATILI SI LEON SA BAHAY KAGABI. Ni hindi nga ako makapaniwala na parang nakuha agad niya ang loob ng buong pamilya ko. Masaya silang nagkuwentuhan lahat habang ako ay nakasimangot lang silang hinihintay na matapos para makapagpahinga na rin ako. Tuwang tuwa ang pamilya ko sa kanya, lalo na si Tatay, ang hindi nila alam ay halos sumabog na ang ulo ko sa asar kay Leon araw araw. Napaka-plastic ng isang iyon. Pagka-alis niya ay agad akong kinausap nina Tatay kasi alam nilang siya rin ang lalaking nakasama ko sa maynila noon. Tinanong din nila kung alam ni Leon ang ginawa ko. Hindi naman na ako nagsinungaling. Sinabi ko ang totoo, pero sinabi ko rin na maayos naman ang pakikitungo niya sa akin sa trabaho at gusto lang din akong makilala ng tao. Kung tut

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD