THEY SAY THAT TIME HAS ALWAYS BEEN THE STATE OF MIND. Which means, when we want it to go fast, it slows down and vice versa, especially if we are with the people we love. Siguro nga ay totoo iyon. Mabilis kasi na lumipas ang oras…oras na naging araw at araw na naging linggo. That night when something happened between me and Leon, I tried my best to not talk about it. Iniwasan ko ang usapin tungkol doon, at ginawa ko rin ang makakaya ko para hindi na mas mahulog pa sa kanya. Even when we finally got home, I tried to act normal. Kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko nang matapos ito dahil gustong gusto ko na ring makauwi. Sa tingin ko ay hindi na nakakabuti para sa akin ang manatili pa rito. Ginagawa kasi tayong tanga ng pagmamahal. At patunay iyon sa pagpayag ko na may mangyari sa amin