IT WAS AROUND SIX WHEN WE WENT BACK TO OUR COTTAGE. Basang basa ang mga damit ng mga kasama namin pero mukhang hindi man lang sila napagod kahit pa ang tagal nilang naligo at naglaro na parang bata sa dagat. Kami ni Leon ay nanatili lang sa lounger, umupo roon, nag-usap at pinanuod ang mga kasama namin na mag-enjoy, o kung hindi naman ay kumuha ng maraming mga pictures na magkasama kami. Kung hindi nga lang sinabi ni Ysa na kailangan na naming maghapunan ay hindi pa kami babalik lahat sa cottage. “Hindi ba kayo napapagod?” natatawang tanong ni Joy na ngayon ay halatang pagod na rin. “Naku, Joy, kapag ganito na madalang lang mangyari, dapat hindi mo iniisip ang pagod!” masiglang sagot naman ni Karla. “So paano, maligo pa tayo sa dagat o sa infinity pool mamaya pagkatapos kumain?” malawa