MONDAY CAME. Excited ako na pumasok sa opisina kasi alam ko na makikita ko na ulit si Leon. Three days without him by my side wasn’t easy. Sobra ko na siyang nami-miss. Medyo nakakapagtaka nga lang na hindi siya nagparamdam sa akin buong araw kahapon. Pero inisip ko na lang na baka abala siya sa ibang bagay, o sa pakikipag-bonding sa pamilya niya lalo pa’t bihira na kung makauwi siya sa kanila, kaya hinayaan ko na lang. Habang nagbibihis ako ay hindi mawala sa akin ang ngiti. Susunduin kaya ako ni Leon ngayon? Hindi ba ang sabi niya ay ngayon siya babalik? Iyon nga lang ay hindi ko alam kung nandito na ba siya sa Tarlac. Sa huli ay nagkibit na lang ako ng balikat at nagpasyang bilisan na ang pag-aayos. I wore one of my favorite dresses, the mint green dress with a touch of black a