Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napatingin ako sa binagsakan ko at nakita ko si Fred na nakangiwi habang nasa ilalim ko. Sinalo niya ako mula sa pagkakahulog ko pero dahil sa lakas ng impact ay natumba pa rin kami. Agad akong napatayo nang magtaas ako ng tingin at nakita ko si Six na nakasakay sa kabayo habang nakatingin sa amin ni Fred. Pero napangiwi ako nang ituon ko ang kamay ko. May gasgas ang mga palad ko na itinuon ko nang bumagsak ako. Napatingin ako kay Fred. Mukhang nasasaktan ito pero agad na bumangon. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Hinawakan nito ang likuran at nag-inat. "Ayos lang ako," saad nito at napatingin sa binti ko kaya napatingin din ako doon. May mahabang galos ako sa binti dahil sa tumama iyon sa mga sangang nabali. Mdaming dug