"Ma'am, may bisita raw po kayo," inporma sa akin ng isang malaking lalaking nagsisilbing guard ko sa labas ng kwartong kinaroroonan ko. "Sino raw po?" "Anikka at Meredith daw po ang pangalan." "Sige, kuya. Papasukin n'yo po." Tumango lang ito at muling lumabas. Mula kahapon ay nagulat na lang ako nang malaman kong may nagbabantay na pala sa akin sa labas. Hindi ko pa nga malalaman kung hindi madaldal si Vincent nang dalawin niya ako kanina. May camera na nga sa loob ng kwarto ko may bodyguard pa ako sa labas, daig ko pa ang anak ng presidente dahil sa mga security ko ngayon. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at iniluwa sina Anikka at Meredith. Nagmamadaling lumapit sa akin ang dalawa. "Okay ka na ba?" "Wala bang masakit sa iyon?" Magkasunod na tanong nila habang tsinetse