Pagdating namin sa bahay ay tinulungan ako ni Kuya Marlon sa pagbubuhat ng mga pinamili para sa akin ni Tita Marina. "Ang dami nito, swerte mo talaga," saad nito habang kinukuha niya isa-isa ang mga paper bag sa likod ng kotse. "Hindi ko naman po alam na ako pala ang bibilihan niya. Akala ko isasama lang niya ako," paliwanag ko. "Iba talaga ang mayayaman, hindi nanghihinayang gumastos kahit gaano kalaki. Mayaman ka rin hindi ba? Parte kana ng pamilya niya kahit hindi ka nila ka-apilyedo," saad nito na medyo ipinagpanting ng tainga ko. "Hindi ako mayaman," may diin na saad ko. "Akina na ho lahat, ako na lang ang magdadala." Kinuha ko ang mga paperbag mula sa kaniya. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga gaya niya na ang hilig gumawa ng deductions base sa simpleng nakikita nila. Ibinigay na