Nagising ako dahil sa malakas na boses ng mga nag-uusap ang naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nagtataka ako kung bakit nakikita ko ko ang lahat na Buenaventura na nasa kwartong kinaroroonan ko. Sinubukan kong gumalaw pero napangiwi ako nang sumakit ang likod ko, napatingin ako sa may uluhan ko na may dextrose. Inilibot ang mata ko at puro puti ang nakikita ko hanggang sa madako ang paningin ko kina lolo na seryosong nag-uusap sa may gilid ko. May maliit na sala set kasi doon. "Hunt that man. He will pay for what he did to Victoria," saad ni Lolo na tila nangangalit ang bagang nito. "I will. I will make him experience hell for hurting her," wika ni Six na tila naman handang pumatay ano mang oras. "He hurt the wrong person, must be someone who wants to meet h