Naglalakad ako papunta sa kwarto ni Six nang makita ko si Kuya Marlon na dumaan sa may kwarto ni Six. Bakit nandito pa siya sa loob ng bahay? Sa mga ganitong oras nasa quarters na nila sila maliban kung pinapatawag sila ni Lolo. Pero nasa kabilang side naman ang opisina ni Lolo. Nagkibit balikat na lang ako at nagtuloy sa kwarto ni Six. Hindi na ako kumatok sa pinto. Dire-diretso akong pumasok pero sinigurado kung hindi ako makakalikha ng ingay para hindi niya malaman na pumasok na ako. Kulang na lang ay hindi sumayad ang paa ko sa sahig. Dahan-dahan kong ipinatong ko ang dala ko malapit sa bedside table. Nasa loob pa siya ng shower dahil kaya nagmamadali akong binuksan ang drawer sa bedside table ni at muling sinubukang buksan ang safety box doon pero mali pa rin ang password. Ang tagal