Arietta's POV MABILIS na lumipas ang araw at lunes na naman. Panibagong araw na naman ng pagpasok sa eskwelahan. Katulad ko ay hindi rin sanay ang mga classmates ko na makita akong naka-uniform. Alam kong iniisip nila na may basurang nagsusuot ng uniform na katulad ng suot nila. Hindi pa rin ako mapakali kahit na half inch above the knee ang palda na suot ko. Hindi ko nga alam kung paano nakakayanan ng mga estudyante na magsuot ng one and half inch above the knee na palda. Siguro iniisip nila na mas maikli ay mas maganda. Napailing ako sa aking naisip. Papasok na ako ng room nang may humila sa akin. Nagulat ako nang makita si Jaypee hawak ang kamay ko. Mabuti na lang at walang masyadong estudyanteng napapadaan sa dinaanan namin kanina. Napatigil kami sa isang vacant room. Halatang hind