Chapter 1

2167 Words
Arietta's POV FIVE years ago. "Arietta, hindi ka pa tapos? Bilisan mo naman at baka ma-late na tayo!" sigaw ni Kuya Reed mula sa labas ng kuwarto ko. "Hindi pa!" sigaw ko naman pabalik. Tinitigan ko ang sarili sa harap ng salamin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Noon pa lang matagal ko nang pinapangarap na makasama si Kuya Reed pumasok sa isang paaralan. Pero noong nandito na ako parang gusto ko na lang ulit bumalik sa dati kong school. "Hays! Arietta, bilisan mo naman!" inis na sabi ni Kuya. Huminga ako nang malalim at sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin bago ko kinuha ang eyeglasses at 'saka ito isinuot. Pagkalabas ko ng kuwarto ay bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Kuya Reed. "Nasaan ba kasi si Dada? Akala ko ba siya ang maghahatid sa atin?" tanong ko sa kaniya. Dada ang nakasanayan kong tawag kay Daddy Francis simula bata pa lang kami. Nasanay na rin ang mga taong nasa paligid ko sa tuwing sinasambit ko ang tawag kay Dada. "Business," maikling sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagtanong pa. Nasanay na kami sa ginagawa ng parents namin. Hindi ko mapigilang tignan ang magkasalubong na kilay ng kambal ko. "What are you staring at?" inis na tanong niya na naman. Napamaang pa ako at doon ko lang napagtanto na late na nga pala kami. "Let's go." "Teka! 'Yong bag ko,” pagpigil ko sa kaniya. "Nasa kotse na. Ikaw na lang talaga ang hinihintay dahil napakabagal mo kumilos!" sagot niya at nauna nang naglakad pababa. Sumunod naman ako sa kaniya. "Mimi!" malakas na tawag ko kay Mommy Carolline na paniguradong abala na naman sa pag-expirement ng kaniyang mga lulutuin. Nakita ko naman siyang sumilip sa may pintuan ng kusina. "We're going!" singit naman ni Kuya Reed. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa at matagal na napatingin si Mimi sa akin at 'saka siya napasimangot. I know what she's thinking. "Mimi, ayoko po!" may diin kong sagot bago niya pa sabihin na magpalit ako ng damit at mag-ayos ng sarili ko. Okay naman ang suot ko ngayon. Nakapantalon ako at naka-shirt. Mabuti nga at hindi ako nagsuot ng mahabang palda at bulaklaking damit. Naalala kong itinapon nga pala ni Mimi ‘yon kahapon dahil ang baduy na raw ng mga sinusuot ko. "Arietta, let's go!" tawag naman ni Kuya na nakasilip na pala sa labas ng pintuan. Hindi ko man lang namalayan ang paglabas niya. "Reed, hintayin mo 'yong kambal mo. Magpapalit siya sa taas dahil hindi puwedeng ganiyan ang ayos niya," sagot ni Mimi kaya napayuko ako. Lagi talaga siyang ganiyan. Ayaw na ayaw niya 'yong mga ganitong ayos ko. "Mom, we don't have time. Kung magpapalit pa siya baka ma-late na talaga kami nang tuluyan. And I won't let that happen. Don't worry, I take care of her," sagot ni Kuya at 'saka hinila ako palabas ng bahay. Mabuti na lang talaga at nasagip kami dahil sa dahilan niya. "Reed, promise me na walang mangyayari kay Arietta habang nasa school." "Yes, Mom! Don't worry!" sagot ni Reed at pinapasok na ako sa loob ng kotse niya. Mayamaya ay pumasok na rin siya sa loob. "Wear your seatbelt, Arietta." Hindi ko naman siya pinansin sa sinabi niya at nakatingin lang sa labas. Napaaray ako nang pitikin niya ang noo ko. "Kanina ka pa tulala." Lumiyad naman siya sa harapan ko at isinuot sa akin ang seatbelt. "Are you okay?" tanong niya kaya tinignan ko siya sa mata. Nakita ko kung paano siya mag-alala sa akin. "Kuya Reed, mag-commute na lang kaya ako? Ayokong sumabay sa'yo." "Arietta, gusto mo bang pitikin ko 'yang noo mo?! This time lalakasan ko na." "Kuya, naman! Subukan mo at isusumbong kita kina Mimi!" pananakot ko sa kaniya. "Okay, hindi na. Aalis na tayo at walang magco-commute," sagot niya and he started to drive. Habang nasa byahe kami hindi ko mapigilang mapaisip. Tinignan ko si Kuya Reed bago ko binalik ang tingin ko sa dinaraanan namin. Ayokong malaman nila na kapatid ko si Reed. Maganda na ang buhay ni Reed sa school na 'yon at ayokong masira 'yon dahil sa akin. Everytime kasi na lilipat ako ng school mayroon talagang tao na mapanghusga. Buti sana kung ganoon lang, 'yong iba kasi ay nananakit pa. "Kuya, ihinto mo na lang sa may kanto malapit sa school. Doon na lang ako bababa," sabi ko kay Kuya Reed. Napatingin naman siya sa akin ng saglit. Para bang naghahanap siya ng sagot kung bakit ko iyon nasabi. "Ayokong malaman nila na magkapatid tayo." "Really, Arietta? Ano naman kung malaman nila?" "Ayokong masira ang magandang buhay mo sa school na 'yon. Kilala ka na roon kasama ng mga kaibigan mo. Mas maganda kung hindi nila malalaman. You already know kung bakit ako lumipat ng school. Not because gusto kitang makasama but because they bullied me in my past school." "Baka nakakalimutan mo na parehas tayo ng last name," sagot niya kaya napaiwas ako ng tingin para makaisip ng magandang dahilan. "Pero maraming magkakaparehong last name sa mundo. Hindi lang tayo, Kuya Reed," sagot ko at tumingin sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya at wala na siyang nagawa nang makarating kami sa kanto na tinutukoy ko. "Hindi ka ba talaga sasabay sa akin pagpasok?" tanong niya at umiling ako. "Late ka na, ‘di ba?" I know Reed. Hindi siya makakapayag hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya, but I'm determined with my decision. “Parehas tayong late kung hindi magmamatigas ka pa.” "Transferee ako at okay lang naman siguro ang ma-late sa first day of class, ‘di ba? Don't worry, I will call you kapag okay na ang lahat," sagot ko at 'saka bumaba na sa kotse niya. Napatingin ako sa relo na suot ko at tumingin sa kaniya. Kahit kailan ay napaka-OA niya talaga. Hindi pa naman kami late at may thirty minutes pa akong free time. Kung sabagay at baka nasanay lang talaga ito na maagang pumasok. "Huwag mong kalimutan na tawagan ako. Lagot ako kina Mommy kapag may nangyaring masama sa'yo." Tumango na lang ako sa kaniya at 'saka nagpaalam. Hinintay ko siyang makaalis bago ako nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ay napansin ko na wala akong kasabayang estudyante dahil lahat sila ay may sari-sariling kotseng dala nang makarating ako sa entrance. Kung meron man ay siguro bilang lang sa kamay ang mga naglalakad. Mapapansin din ang mga suot nilang mukhang mamahalin. Mukhang naghanda talaga sila sa unang araw na ito. Ayaw magpatalo ng bawat isa sa pagrampa ng kanilang mga damit. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng school. Hindi ko akalaing sobrang laki pala talaga ng Uranium University. Ilang minuto pa siguro ako makakarating sa main building sa sobrang lawak nito. Napakunot ako ng noo nang makarating ako sa may gitna. Sa sobrang curious ko sa mga taong nagkukumpulan doon ay patakbo akong lumapit papunta sa kinaroroonan nila. Ano bang meron? "OMG! Nandiyan na sila!" sigaw ng isang babae. Kasunod no'n ay ang malakas na tilian ng mga tao sa paligid ko. Bigla akong napatakip sa tenga ko. Sobrang tinis ng mga sigaw nila at feeling ko kapag hindi ko tinakpan iyon ay masisira yata ang eardrums ko. Napairap na lang ako nang makita sina Kuya Reed at ang tatlong kaibigan niya na naglalakad sa gawi namin. Natatawa pa ako sa itsura ng kambal ko na parang iritang-irita sa tilian ng mga babae. Nang mapadako siya sa puwesto ko ay nginitian niya ako kaya ngumiti ako sa kaniya pabalik. "Nginitian ako ni Reed! Mamamatay na yata ako!" malakas na sabi ng katabi ko at nagtatalon-talon siya roon. Sa sobrang likot niya ay nasagi niya ako kaya napatumba ako. Dahil nakatingin sa akin si Kuya Reed ay nakita niya ang pagtumba ko. Pupunta na sana siya sa kinaroroonan ko nang pigilan siya ng kasama niya. "I'm okay," I mouthed at him at nakita ko ang pagtango niya. Inilabas niya pa ang phone niya at pinakita sa akin. Senyales na tatawagan niya raw ako. Tumango na lang ako. Umalis na sila Kuya Reed papasok sa building kaya 'yong mga babae ay nagsipagsunuran sa kanila. Mabuti na lang dahil nagkaroon ako ng space para makatayo. Pinagpagan ko naman 'yong pantalon ko at kinuha 'yong bag na nahulog din at 'saka na ako umalis papunta sa office. Mabuti na nga lang at medyo alam ko na ang mga daan dito sa school. Kung hindi ay mahihirapan ako na hanapin ang mga pupuntahan ko. Noong nakaraan kasi ay sinama ako nila Mommy rito, kaya kahit papaano ay natatandaan ko pa rin ang way papunta sa office. Pagkarating ko roon ay kumatok muna ako ng tatlong beses sa pinto bago pumasok sa loob. Nadatnan kong nakaupo 'yong babaeng principal habang umiinom ng kape. "Good morning po," bati ko sa kaniya at 'saka yumuko. "Bakit nandito ka, iha? Wala rito 'yong lilinisan mo." Napaangat ako ng ulo sa sinabi ng principal at 'saka siya tinignan. "Ho? Ano pong sabi niyo?" tanong ko ulit. Mukhang nagkamali yata ako ng dinig sa principal na ito. "Kako ay wala rito iyong lilinisan mo. Pumunta ka na lang sa second floor ng building na ito dahil nandoon 'yong mga kasama mo," mahabang paliwanag nito. Ilang beses akong napakurap at pina-process 'yong sinabi niya. "Bakit nandito ka pa?" mataray na tanong niya. Mabilis akong napailing sa sinabi nito. "Transferee po ako," sagot ko. Nagulat naman siya at binaba ang tasa na hawak niya. "Pasensya na, iha. Akala ko taga-linis ka rito." Napangiti na lang ako at 'saka umiling sa sinabi niya. Hindi ko pinahalata na na-offend ako sa sinabi niya. Alam kong panget ako pero hindi naman ako mukhang taga-linis lang. Pero sige na nga, taga-linis na talaga ang ayos ko. May pinindot naman siyang button sa lamesa niya. "Miss Perez, please come here," utos nito sa kabilang linya na para bang may kinakausap. Mayamaya lang ay biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang early thirties na babae. "Sumunod ka sa kaniya. Siya ang magtuturo sa'yo ng room mo," sabi sa akin ng principal. Tumango naman ako at bago umalis ay nagpaalam na ako. Nakita ko pa siyang may kinuha sa desk niya at nag-spray sa kaniyang kuwarto. Pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy na iyon na nanggaling sa bottle. Mabilis ko namang inamoy ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho. Dahan-dahan namang isinara ng babae ang pinto ng office ng principal at sinabi niyang sumunod ako sa kaniya. Nakarating kami sa isang malawak na office at sa tingin ko ay nandito kami sa may faculty. "You are?" tanong niya sa akin. "A-Arietta po. Arietta Vielle," kinakabahang sagot ko. "Kaano-ano mo si Mr. Reed Vielle?" Biglang nanlaki ang mata ko sa naging tanong niya kasabay nito ay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Never mind. Imposible namang magkamag-anak kayo dahil ibang-iba ang itsura niya sa'yo," sunod na sagot nito. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya at nanahimik na lang. Umupo naman siya sa kaniyang desk at may pinindot sa computer. Nakita kong nag-print siya ng papel at ibinigay ito sa akin. "Para saan po ito?" "That's your class schedule. Based on your last grade in your past school ay matataas ang nakuha mong marka. Congratulations, pasok ka sa Star section," sagot nito sa akin. Parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Is that good news or bad news? "Halika, sumunod ka sa akin. Ihahatid na kita sa room mo." Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Namangha naman ako sa mga nakikita ko habang papunta kami sa room ko. Nakatutuwa dahil sa loob ng building ay mayroong mga paintings at may mahabang escalator. Napatigil kami sa isang maingay na room. Lahat ng estudyante roon ay magugulo. Nagulat pa ako nang biglang lumabas 'yong teacher doon na nagdadabog. "I hate this section!" naiinis na sabi nito. "Mr. Gonzales, where are you going?" malakas na tanong sa kaniya ni Miss Perez pero hindi ito pinansin ng teacher at patuloy na naglakad papalayo. "Hays. Ako na naman," mahinang sabi nito na hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy. "Stay here," utos niya sa akin at kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. Sa pagpasok niya sa loob ay biglang nagsitigil ang ingay na naririnig ko. Para bang naging maamo ang lahat ng estudyante. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob pero isa lang ang nasa isip ko. Kakaiba ang mga tao roon. "Miss Vielle, please come in!" tawag sa akin ni Miss Perez. Nakayukong pumasok ako sa loob. Narinig ko ang mga bulungan ng iba. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. "Introduce yourself." "P-Po?" pag-uulit ko. "I said introduce yourself. Bingi ka ba?" Bigla namang nagsipagtawanan ang mga estudyante sa kanilang narinig kay Miss Perez. Bingi agad? Hindi ba puwedeng kinakabahan lang? Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at malakas na bumuntong hininga, inayos ko pa ang nakatagilid kong eyeglasses bago ako magsalita. "G-Good morning, everyone. My name is Arietta Vielle. Nice to meet you all."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD