Episode 9

2334 Words

(Isabella POV) "Ate halika kain ka na. Pagod na pagod ka ah?" sabi ng kapatid kong si Rosabella. Hinawakan niya ang braso ko. Matapos ang nangyari sa amin ng boss ko. Sumakit ang tiyan ko. Siguro iyong pagkakahiga ko sa sofa. " Ate nahihirapan ka ba sa pagbubuntis mo? Para kang pagod na pagod eh. Hindi ba ate Rosabella?" sabi ng kapatid kong bunso. " Oo nga ate baka naman makasama sa baby mo ang pagtratrabaho mo. Tapos biyahe ka pa ng malayo. Hindi ka man lang ihatid ng boss mong demonyo." napangiti ako sa dalawang kapatid ko kahit nahihirapan ako. Sila ang lakas ko kaya kahit nahihirapan ako tinitiis ko dahil sa kanila. " Ano ba kayo okay lang ako. Tsaka wala naman sinabi ang doctor ko na hindi healthy ang baby ko. Alam niyo ba kung anong gender ni baby?" sabi ko para ibahin ang topic

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD