Episode 2

975 Words
Isabella's POV Kinausap ako ng doctor ng kapatid ko. Sinabi niya sa akin na kailangan ng operahan ang aking kapatid dahil kung hindi baka lumala pa lalo ang sakit ng kapatid ko sa kanyang puso. May tendency na mamatay ang kapatid ko. May Congenital heart disease ang aking kapatid. Baby pa lang siya noon mayroon na siyang sakit. Nagpapasalamat nga ako dahil naka-survive pa siya. Pero this time kailangan na talagang maoperahan. Madalas na kasi siyang sinusumpong ng atake niya sa puso. Bawal na bawal sa kanya ang mapagod at nagagalit. Kaya kung maaari hindi ko siya pinagtratrabaho sa bahay. Gusto kong umiyak dahil sa laki ng sinabi ng doktor na magagastos sa operasyon ng kapatid ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha nang ganoong kalaking halaga. It's a million pesos. Napakalaki ng problemang kinakaharap ko. Sapat lang ang suweldo ko sa aming magkakapatid. Hindi ko na nga magawang bumili ng bagong damit ko dahil mas inuuna ko ang pangangailangan ng mga kapatid ko. Ako na lang kasi ang inaasahan nila wala ng iba pa. Nag-aaral pa silang dalawa. Naupo ako sa upuan habang may magulong isip. Diyos ko naman hindi na matapos tapos ang problema ko sa buhay. Pinahid ko bigla ang aking mga luha ng makita kong paparating si Sir Chris. Napayuko ako para hindi niya makitang galing ako sa pg-iyak. "Isabella make me a coffee," utos nito. "Yes, Sir." Buti na lang hindi tumingin. Tumayo na ako upang magtimpla ng kape. Bago ako pumasok sa loob inayos ko muna ang sarili ko. Ayokong makita niya ang pamumugto ng mga mata ko. "Ito na po ang kape niyo, Sir, " inilapag ko ang tasa ng kape. Paalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Isabella ayos ka lang ba? Parang umiyak ka?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Titig na titig siya sa akin. Nakakaasiwa pa naman tumitig si Sir Chris dahil sa kakaibang kulay ng mga mata niya. Parang mangangain ng buhay. "Hindi po. Okay, lang po ako," pagsisinungaling ko sa kanya. Tiningnan niya ako. Mapanuri ang kanyang mga tingin sa akin. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Tumalikod na ako. NANDITO kami ng ka-officemate ko sa pantry room. "Ang laki naman ng pera na kailangan mo sa operasyon sa kapatid mo. Imagine mo 1 milyon. Diyos ko saan ka naman kukuha ng ganoong kalaking halaga. Kahit siguro pagsama-samahin ang suweldo mo at suweldo ko sa isang taon or higit pa hindi aabot ng isang milyon." Pinahid ko ang mga luha ko sa mga mata. Saan ko nga ba kukunin ang isang milyon? Sino naman kayang tao na may magandang puso ang magbibigay kaagad ng isang milyon. "Gagawin ko ang lahat para lang maoperahan ang kapatid ko. Napakabata pa niya para mawala sa mundo. Marami pang pangarap ang kapatid kong 'yon," ginagap ng kaibigan ang kamay ko. "Kahit magbenta ako ng sarili ko gagawin ko, para lang madugtungan ang buhay niya," naiiyak na sabi ko. "Bakit hindi ka lumapit kay Sir baka matulungan ka niyang kumuha ng sponsor para sa operasyon ng kapatid mo. Madaming kakilalang mayayamag tao 'yon." naisip ko na din ito pero napangungunahan ako ng hiya. Baka sabihin niya umaabuso ako. "Nahihiya naman akong magsabi. Siguro maghahanap na lamang ako ng taong tutulong sa kapatid ko." sabi ko. "Malalagpasan mo din iyan. Hayaan mo magtatanong tanong din ako kung may mga Non Government Organization na tumutulong sa mga hindi kayang gumastos sa hospital. Malay mo di ba?" sabi ng kaibigan ko. Hindi ko mapigilang mapaluha sa sobrang bigat ng dibdib ko. Bumalik na kami sa kanya kanya naming table. Halos hindi ko na magawa ng maayos ang trabaho ko. Lutang ang utak ko sa kakaisip sa problema ko. "Isabella, please come to my office." napaangat ako ng tingin. Nakatayo sa harapan ko si Sir Chris. My god hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko. Ang layo na kasi ng iniisip ko. Pumasok na sa opisina ang boss niya. Tumayo ako upang sundan si Sir Chris. Pagkapasok ko sa loob nakita kong nakatayo si Sir paharap sa malaking salamin na bintana. Habang nakapamulsa ang dalawang kamay. "Sir," tawag ko sa kanya. Napalingon ito sa akin. Sumenyas siyang umupo ako. Napatikhim ito bago magsalita. Mataman lang siya nakatitig sa akin. Kaya naasiwa ako dahil sa kulay ng mata niya. Para kasing hinihigop ang kaluluwa ko everytime nakatitig ito sa akin. "I'd like to make a suggestion to you. I overheard you and your coworker discussing your problem. I can assist you in covering all of your sister's medical expenses. But." napahinto ito sa pagsasalita. "Kahit ano po gagawin ko. Basta matulungan niyo lang po ako." tumaas ang sulok ng labi nito. "Really? Kahit ano?" tanong nito. "Yes, Sir kahit ano doon man lang makabayad ako sa naitulong niyo sa akin." sabi ko. Tumayo ito at lumapit sa akin. Napalunok ako ng yumukod ito mula sa likuran ko. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang init ng kanyang hininga na tumatama sa aking pisngi. Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng silya na kinauupuan ko. "I want you to be my bedwarmer." bulong nito sa akin. Gusto ko sana mapalingon kaso baka maghalikan na kami. "Kung iyon po ang kabayaran sa ibibigay niyong tulong sa akin para sa operasyon ng kapatid ko. T-tanggapin ko po," nauutal na sabi ko. Pikit mata kong tinanggap ang kagustuhan niya. Siya na lang ang last resort ko. Ito na ang kasagutan sa problema ko. Sabi ko nga kahit ibenta ko ang katawan ko para lang mabuhay ang kapatid ko. "I have the contract ready by tomorrow morning." Lumayo na siya at bumalik sa pagkakaupo. "You are now free to leave." Sabi nito. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi pa ako kumilos. Tumayo ako at nagmadaling lumabas ng opisina niya. Pagkalabas ko hindi ko napagilang maluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD