(Chris POV) " Ayos na ba ang lahat? Siguraduhin mong maganda ang kinalabasan. Mananagot ka sa akin!" pagbabanta ko kay Marko. " Ayos na nga! Asshole! Excited ka naman masyado. Hindi mo pa nga tinatanong kung gusto niya. May paganito ganito ka pang nalalaman! Baka uuwi kang luhaan!" natawa si Marko sa sarili nitong biro. Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko kasing maging espeyal ang darating na kaarawan ni Isabella. Tsaka gusto kong magpropose na din. Bahala na si batman. Tinapik ni Marko ang balikat ko ng matulala na ako. Napangiti ako, excited na ako sa darating na linggo. " So tuloy na tuloy na ang proposal mo? Huwag ka masyadong umasa Chris. Baka hindi niya tanggapin." pagpapaalala sa akin ni Henry. " Yes kahit ano pa ang magiging sagot niya. Tatanggapin ko ng maluwag sa puso ko. Ka