(Chris POV)
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. I need to know kung buntis na si Isabella. I've been calling her but she never picks up the call.
Napatingin ako sa pinto ng pumasok ang kanina ko pa hinihintay. Nakita kong namamaga ang mata nito. Bigla akong naawa ako sa hitsura niya. Bakit naman ako maaaws sa babaeng bayaran kagaya lang siya ng ex ko pera lang ang katapat.
"I've been calling you many times bakit hindi mo sinasagot?!" galit na sigaw ko. Napapitlag pa ito dahil sa gulat sa pagsigaw ko.
"Sorry Sir naka silent po ang phone ko kaya hindi ko po narinig ang tawag niyo." may binigay itong papel. Padarag ko itong kinuha at tiningnan ito ng masama. Kung nakakasugat ang mga tingin ko kanina pa ito nasugatan. Binasa ko ang laman niyon. Napangiti ako ng makita kong positive ang result. Tiningnan ko si Isabella na nakayuko.
"Kailangan mong alagaan ang magiging anak ko. Bibigyan kita ng pera para may pangtustos ka habang pinagbubuntis mo ang anak ko. At huwag na huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan.
Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa inyo ng mga kapatid mo!" napaangat ito ng tingin. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Bago pa ako maapektuhan sa mga matang iyon. Umiwas ako ng tingin.
"Puwede ka ng lumabas! Ibibigay ko ang pera mamaya!" sabi ko. Napakunot ang noo ko ng hindi pa ito umalis.
" Leave!" utos ko. Wala na itong nagawa kung hindi lumabas ng opisina ko. Ayokong maapektuhan kung ano mang awa ang nararamdaman ko. Kapag nakikita ko ang kanyang malungkot na mata. Hindi ko dapat pinapairal ang awa sa mga katulad niyang babae.
Bayaran.
PAGKALABAS ko ng opisina ko unang hinanap ng mata ko ang Secretary ko. Wala ito sa table nito. May nasalubong akong isnag empleyado ko.
" Nakita mo ba si Ms. Barcellano?" tanong ko sa babaeng empleyado.
" Nasa pantry po kumakain ng tanghalian." Tumalikod na ako upang puntahan sa pantry si Isabella. Pagkapasok ko sa pantry nakita ko itong nag-iisang kumain. Napaangat ito ng ulo ng maramdaman niya ang presensya ko.
" Kayo po pala Sir. Kain po" paanyaya niya sa akin. Napatingin ako sa kinakain niya. It's fried egg and catchup? Anong klaseng tanghalian ang kinakain niya? Hindi dapat ganun ang pagkain nito dahil buntis siya.
" What kind of food is that?! Sa palagay mo ba magiging malusog ang anak ko sa ganyang klase ng pagkain?! Nag-iisip ka ba?!"
Pang-iinsulto ko. Napayuko ito sa sinabi ko. Ganito na lang ba siya palaging nakayuko. Hindi man lang niya ako kayang tingnan sa mata.
" Sorry po Sir. Okay lang naman po ganito ang ulam ko. Ito po kasi ang pagkain na hindi ako nagsusuka." paliwanag nito. Tumalikod ako hinugot ko ang phone ko sa bulsa. Tumawag ako sa restaurant na paborito kong puntahan. Umorder ako ng pagkain para sa amin ni Isabella.
" Stop eating that. I ordered food." Sabi ko. Huminto ito sa pagnguya.
" Sir huwag na po. Nakakain na po ako. Baka hindi ko makakain iyon." halos magbuhol ang kilay ko sa kanya. Bakit tatanggihan niya ang pagkain para sa anak ko. Ginagawa ko ito hindi para sa kanya.
" I'm doing this for my baby, not for you. Pilitin mong kumain kahit ayaw mo na. Dahil mas mahalaga ang anak ko kaysa sa iyo!." sabi ko.
"Hintayin mo na lang ang food na inorder ko. Here's my card." Sabi ko. Inilapag ko ang credit card sa lamesa. Tinalikuran ko na ito at hindi na nilingon pa.
(Isabella POV)
Pagkatalikod ni Sir Chris hindi ko maiwasan mapaluha. Alam ko naman mas concern siya sa baby. At ako ang tingin niya sa akin mababa.
Inayos ko na ang baunan ko. May sobra pa akong ulam. Sayang naman kung itatapon ko. Wala naman ang boss ko kaya kinain ko na lamang ang tira.
Ilang minuto pa dumating na ang delivery boy. Kinuha ko ang card na binigay ni Sir. Naamoy ko ang mabangong amoy ng ulam. Naatakam ako nagutom na naman ako. Kinuha ko ang isang supot upang dalhin sakanya kasama ng card. Baka sabihin magnanakaw ako kung hindi ko isoli ito.
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. Napaatras ako ng makita ko si Sir Chris at ang babaeng hindi pamilyar sa akin na naghahalikan.
" Sorry po Sir." hinging paumanhin ko.
"Ito na po yung inorder niyong food." nahihiya kong sabi sa boss kong nakahalf naked. Nakasalubong ang kilay nitong napatingin sa akin.
" Put it on my table" may inis sa salita nito. Naistorbo ko naman kasi ang lambingan nila ng nobya niya. Inilapag ko ang supot pati na ang card ni Sir. Tumalikod na ako upang lumabas na ng opisina nito.
Nawalan na akong ganang kumain dahil sa nakita ko. Tinabi ko na lang ang pagkain baka mamaya ko na lamang kainin sa meryenda or siguro iuuwi ko na lamang para may ulam ang mga kapatid ko.
Pagkapatak pa lang ng alas singko nag-ayos na ako ng gamit. Wala naman sinabi ang boss ko na mag OT ako. Nadaanan ko pa ang pinto ng boss ko. Dahil sa curiousity ko kung nandoon pa din sila ng babae. Dinikit ko ang teynga ko. Napatakip ako ng bibig ng may narinig akong umuungol at may babaeng nagsasalita. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Lumayo na ako baka may makakita na namboboso ako.
PAGKAUWI ko ng bahay naabutan ko pa na gising ang dalawa.
" Ate Bella buti maaga ka ngayon." lumapit ang bunso namin at yumakap sa akin.
" Hindi ako pinag OT ng boss ko eh. Kumain na ba kayo?" tanong ko.
" Bibili pa lang po kami ate ng ulam." napangiti ako. Buti hindi ko pa kinain ang pinadeliver ni Sir kanina.
" Huwag na kayong bumili. May sobra kasi akong ulam dito. Iinit niyo na lang." sabi ko sa kapatid ko. Binigay ko sa kanila ang supot.
" Wow mukhang masarap ito ah ate. Saan mo binili ito? Parang mamahalin na restaurant galing"
" Pinabili ng boss ko kanina. Hindi ko naman nakain dahil nga may baon ako." sabi ko. Umupo ako sa kahoy na upuan namin. Hinimas ko ang tiyan ko.
" Ate masakit ang tiyan mo?" tanong ni Rosabella. Umiling ako. Siguro kailangan din nilang malaman dahil mahahalata din nilang lalaki ang tiyan ko. Sana hindi nila ako husgahan dahil sa gagawin ko sa anak ko.
Pinaupo ko siya sa tabi ko.
" May sasabihin si ate. Sana hindi mo ako huhusgahan kung sakaling sabihin ko ito sa iyo." pinakatitigan ko ang mukha ng kapatid ko.
" Buntis ako." lumaki ang mata ng kapatid ko.
" Ate sino ang ama ng pinagbubuntis mo?" nangilid ang luha ko.
" Ang boss ko ang ama. B-binenta ko ang sarili ko. Kapalit ng pera para sa operasyon ni Anabella. May kasunduan kami na kapag nabuntis niya ako kukunin niya ang anak ko. Hindi ako ang makikilalang ina dahil iyon ang nakalagay sa contract na pinirmahan ko.
G-ginawa ko lamang iyon dahil kailangan natin ng pera. Hindi ko gustong magbenta ng katawan para lang sa pera. Labag din sa akin na ipamigay ang magiging anak ko. Kailangan ng maoperahan si Anabella. Sana mapatawad niyo ang ate dahil binenta ko ang anak ko." napaluha na akong tuluyan. Sa tuwing naiisip ko ang kaawa awa kong anak hindi ko mapigilang mapanikipan ng dibdib at tumulo ang luha. Napayakap ang kapatid ko sa akin.
" Ate sorry" napalingon kami kay Anabella . Nakatayo ito habang nakatingin sa amin ni Rosabella.
"Ate ng dahil sa akin nagawa mo iyon. Hindi kita huhusgahan kasi sinakripisyo ang sarili mo pati na ang magiging anak mo ng dahil sa akin. Kaya wala akong karapatan na magalit sa iyo" sabi ng kapatid kong si Anabella. Napaiyak na din ito. Lumapit ito at yumakap sa beywang ko.
" Mahal na mahal ko kayo. Kaya kong isakripisyo kahit sarili kong kaligayahan, para lamang sa inyo."nagyakapan kaming tatlong magkakapatid.(Copyright 2019 by coalchamber13)