(Chris POV) Nakatingin lang ako kay Isabella habang nag-aayos ito ng kakainin ng mga anak namin. Ni hindi niya ako kinakausap. Para lang akong hangin na nasa paligid niya. Kung magsalita man siya kapag may tinatanong ako. Tumalikod na ako upang pumunta ng library. Hindi ako pumasok ngayon nagpasya akong dito na lang muna sa bahay magtrabaho. Baka kasi umalis na lang si Isabella. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok ang asawa ko na may seryosong mukha. Kumabog ng mabilis ang puso ko ng matitigan ko siya. Ganito ang epekto niya kapag tinititigan ko siya at malapit sa akin. "Chris hinahanap ka ng mga anak mo. Akala nila umalis ka na. Nag-iiyak na si Belle doon."sabi nito. Inayos ko ang mga papeles bago ako tumayo. Sinundan ko si Isabella ng tumalikod ito. Gustong gusto ko na ito