HANNA APRIL BRILLENTE Wala pa akong saplot. Hindi pa ako nakakapagbihis, pero ang luha ko ay walang tigil sa pag-agos habang nakatingin sa pagkaing ipina-deliver ni Gino na hindi naman namin nagalaw. Dahil nang matapos kami pareho ay mabilis niyang inayos ang sarili niya at nagpaalam na siyang aalis. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos namin ay bigla na lamang nagbago ang mood niya. Hindi niya ako magawang tingnan nang diretso sa mga mata. Ang sabi niya lang, “Kumain ka na. Aalis na ‘ko.” Paano ko magagawang kumain ngayon? Kanina lang okay pa kami, ‘di ba? Ano na namang nangyari? Kung tutuusin mood ko dapat ang magbago. Ako dapat ang maging cold sa kaniya dahil parang iba ang pangalang binanggit niya. Ngunit para hindi ako masaktan, I kept on convincing myself na baka hindi pangalan ‘