"WHAT?! You mean, Charlotte and I will spend the night here? Dito sa hacienda mo?" Zalheia blurted upon hearing what Morgan had just said. Pasado alas-singko na iyon ng hapon at ayon dito ay hindi sila makakauwi ng Maynila dahil na-flat-an di umano ang isang gulong ng Toyota Vios nito. Wala raw itong extra tire para ipangpalit doon.
Tumango ang binata. "Yup, you heard me right, Lheia," parang wala lang na wika nito.
"Baka mag-alala sa amin si Nanay Sai—"
"We will call her to notify. What's the use of this gadget, anyway," anitong kinuha sa bulsa ng pantalon ang mamahaling cellphone nito, saka iniabot sa kanya.
Tinitigan lamang niya iyon at hindi kinuha. "I-I don't have with me an extra dress. Ayokong matulog na ganito ang suot ko," she said, then peered at herself wearing plain denim jeans and pink shirt. Hindi siya sanay na matulog sa ganoong ayos, and besides ay amoy-araw na rin ang damit niyang iyon. "Kaya uuwi na lang kami ni Charlotte at maghahanap ng masasak—"
"Walang ibang means of transportation dito, Lheia," agaw nito, saka ibinalik sa bulsa nito ang cellphone. "This place is a private property for us Cordova clan. Kailangan mo munang magpunta sa bayan para makahanap ng bus pa-Manila. Malayo-layo pa ang bayan dito, hindi mo kakayaning lakarin iyon...and besides, it’s getting dark," litanya ng binata. Humalukipkip ito, at sumandig sa pader ng kinaroroonan nilang kuwarto. His eyes were fixed on her, kaya't hayun na naman ang kakaibang pakiramdam niya sa tuwing tititigan siya nito.
"Ahm... K-kasi—"
"Kung ang pino-problema mo ay ang damit mo. Don't worry, nandiyan naman si Aling Pacing, ihihiram kita ng duster sa kanya," anito na ang tinutukoy ay ang matandang katiwala ng naturang hacienda.
"D-duster?!" nanlaki ang mga matang bulalas niya.
"Oo, bakit?"
"Ah... W-wala naman," tugon niyang umiling. Honestly, she couldn't imagine herself wearing a duster. Oo, siya na ang maarte kung patungkol sa mga damit ang pag-uusapan. Hindi naman siya ganoon ka-fashionista na `tulad ng artistang si Anne Curtis, pero hindi naman siya old-fashion para magsuot ng duster na para sa kanya ay pang-matanda lang. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? Ayaw naman niyang matulog nang naka-jeans dahil hindi siya komportable sa ganoong ayos.
"So, what's your decision?" mayamaya'y untag ni Morgan sa pananahimik niya. Lumagpas ang paningin nito sa kanya at napatutok iyon sa kama.
Napalingon siya, only to find out na gising na pala si Charlotte. Kain-tulog-gising lang kasi ang ginawa nito buong maghapon. Oh, well, what more would she expect? That's the life of a baby ‘cause they have no problems to carry.
Agad niyang nilapitan ang anak at tinabihan ito sa pagkakahiga. Tumagilid siya rito, then she kissed Charlotte on the cheek. "Good morning again, baby," aniyang napangiti sa sariling sinabi. Palagi kasing "good morning" ang sinasabi niya every time na nagigising ito sa kahit na anong oras. Saka napatingin siya kay Morgan who was glaring at them. There was fondness on his stares. "Oo, dito na kami matutulog ni baby...at ihiram mo na rin ako ng duster kay Aling Pacing," natatawa niyang dugtong, saka binalingan na naman si Charlotte. Nilaro-laro niya ang sanggol na siyang ikinahagikhik nito.
"Siguro `paglaki ni Charlotte ay magiging Mama's girl `yan. Ngayon pa lang kasi ay ini-i-spoil mo na. Halatang close na close kayo," komento ni Morgan. Hindi niya namalayang nakaupo na pala ito sa gilid ng kama at waring aliw na aliw na pinagmamasdan sila.
She just simply smiled at him and continued playing with Charlotte.
"Can I ask you something, Lheia?" mayamaya'y tanong nito.
"What is it?" she asked back without giving him any look. She was still busy with her baby.
"Paano kapag bumalik ang ama ni Charlotte, tatanggapin mo pa ba siya?" deretsong tanong nito.
Napatigil siya bigla sa kakalaro sa anak. She, then, gazed at Morgan who was seriously staring at her. His eyes were obviously waiting for an answer—a true and honest answer.
Paano pa siya babalik? Eh, nandito na nga siya sa harapan ko at nakatitig sa akin, anang isip niya. Iyon sana ang gusto niyang sabihin ngunit nagpigil lamang siya.
"I-I don't know. Baka hindi na. Isinuka na niya kami ng anak niya, so I guess, there's no reason for me to accept him," she tried to put conviction on her voice para magmukha siyang kapani-paniwala. Though, at some point, she considered it as a statement in behalf of her little sister Rebecca.
"But he is still the father of your child," hirit nito.
"Marahil nga ay siya ang ama ng anak ko. But I guess, I deserve someone better, someone who will never leave and turn his back on me, someone who's responsible enough to accept Charlotte as his own and besides...I don't love him anymore," she stiffly said na tila ba nagsasalita siya sa ganang kanya.
Nakita niyang dahan-dahang nagliwanag ang mukha ng binata at tuluyan na itong ngumiti. "May pag-asa pa pala ako nito."
"Ano? What were you saying?" she asked. Hindi kasi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil pabulong lamang iyon.
Morgan widely smiled, at pabigla rin itong nahiga sa kama. Charlotte was in between them. Sa unang tingin ay mapagkakamalan talaga silang isang tunay at masayang pamilya. "Never mind what I've said. You will know it sooner," sagot nitong kinindatan pa siya.
Halos magsumirko naman ang puso niya sa hindi malamang dahilan. Kinikilig ba siya?
"If I were that man, I won't leave you. And if I were Charlotte's father, I promise not to leave her," Morgan seriously said habang nagpapalipat-lipat ang titig nito sa kanilang dalawa ng bata.
Wala sa oras na napawi ang nadarama na sana niyang kilig kanina `pagkarinig ng sinabi nito. Mukha nga yatang magaling magdrama itong si Cordova. Artistahin, ika nga. Iniwan na nga, may gana pang magsalita ng ganoon.
Tell that to the marines, Cordova! sigaw ng isip niya habang nakatitig sa binata.
---
NAGPALIPAT-LIPAT ang titig ni Zalheia sa dalawang imahe ng lalaki sa portrait na nakasabit sa malaking sala ng villa nina Morgan. Hindi niya iyon napagtuunan ng pansin kanina dahil abala sila sa pamamasyal sa lugar na sakop ng Hacienda de Cordova. Akala niya ay mga larawan lamang iyon ni Morgan. But as she was intently looking at it now ay doon lamang niya napagtantong dalawang tao pala iyon at hindi lamang iisa.
"Magkamukhang-magkamukha sila, `no?"
Muntik na siyang mapatalon sa kinatatayuan nang gambalain siya ng tinig na iyon ni Aling Pacing. "S-sino ho `yong isang lalaki diyan, Manang?"
"Siya si Michael. Ang kambal ni Morgan."
"Ho?!" gulat niyang bulalas na napabaling sa matanda. "May kambal po pala si Morgan?" Ang buong akala niya ay nag-iisang anak lamang ito nina Mister Regidor at Misis Lorena.
Tumango si Aling Pacing. "Oo, may kambal si Morgan. Pero magkaibang-makaiba sila ng ugali ng kakambal niya," anito.
"Ano ho'ng ibig niyong sabihin?"
Luminga-linga muna ang matandang katiwala. Marahil ay sinisiguro nitong walang ibang makakarinig sa sasabihin nito. Mayamaya ay tumingin ito sa kanya. "Si Morgan kasi ay napakabait na bata. Halos lahat ng mga ipinag-uutos at gusto ng mga magulang niya ay sinusunod niya. Iyon ang bagay na `pinagkaiba nila ni Michael. Masyado kasing suwail at sutil ang kambal niyang iyon," kuwento nito sa mahinang tinig.
"Ah..." aniyang napatango-tango. "Eh, nasaan na ho ang kambal niya? Nasaan na ho si Michael?"
"Si Michael ay—"
"Aling Pacing, nakahanda na ho ba ang hapunan natin?"
Sabay silang napalingon ng matandang katiwala nang marinig ang tinig na iyon ni Morgan. Pababa ito ng hagdan habang karga si Charlotte.
"O-oho, Sir. Nakahanda na po," tugon ni Aling Pacing, saka nagmamadaling naglakad patungong kumedor.
Nagkibit-balikat na lamang siya at sinundan nang tanaw ang papalayong matanda.
---
TAHIMIK na nagpapahangin si Zalheia sa terasa ng villa nina Morgan. It was fifteen minutes before eleven subalit dilat na dilat pa rin ang mga mata niya. She couldn't sleep dahil sa samu't-saring isipin—partikular na kay Morgan.
Hindi pa nga nag-iisang buwan ang pagkakakilala nila ng binata subalit nagdadalawang-isip na siya kung ipagpapatuloy ba niya ang plano niyang paibigin ito at paghigantihan sa masaklap na sinapit ng kapatid niya. For almost three weeks she had been with him and she had known him ay hindi niya ito nakitaan ng kasamaan at hindi kaaya-ayang pag-uugali. Taliwas sa akala niya noon.
Napabuntong-hininga siya. Naalala niya ang sinabi kanina ni Aling Pacing.
'Si Morgan kasi ay napakabait na bata.'
Tama nga yata ang sinabi nito dahil iyon din mismo ang nakikita at napapansin niya. Kung hindi lang sana ito ang lalaking nang-iwan sa kapatid niya ay tiyak na hindi na siya magdadalawang-isip sa ipinapakita nitong kabutihan.
"Can't sleep?"
Bahagya siyang napaigtad nang marinig ang baritonong boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin kung sino iyon—it was none other than Morgan.
Tumango siya. "U-huh, homesickness siguro," she said, then chuckled.
Bahagya ring tumawa ang binata. "Homesick agad? Hindi pa nga nag-iisang araw na wala ka sa bahay niyo, eh," anitong tinabihan siya sa railings ng kinaroroonang terasa.
Bahagya siyang napakislot nang magdaiti ang mga braso nila. She felt again that kind of weird sensation she couldn't give a name. "Hindi kasi ako sanay na sa ibang bahay natutulog," aniya na lang. "Eh, ikaw? Bakit gising ka pa?"
Morgan shrugged. "`Can't sleep, as well," he answered briefly. "Dapat mo na sigurong sanayin ang sarili mo sa bahay na ito. Maybe, time will come na magiging sa `yo na rin ito."
Kunot-noo at awtomatiko siyang napabaling sa binata. Nasa mga mata niya ang matinding katanungan sa narinig na ipinahayag nito.
Morgan drew a deep and harsh breath. Tila humuhugot ito ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nais nitong sabihin.
Naramdaman na lamang niya ang pagkilos nito. Morgan gently held her bare shoulders, at marahan siya nitong iniharap. She stared at him on that cold-dark night where only stars, moon and noisy-little beetles were testifying on that some-kind of dreamy-romantic scene.
"I-I don't know how to start, but I really need to tell you this," he paused and peered at her closer. His pair of dark brown eyes were full of affection while intently staring at her. "I've been liking you since the very first day we've met. You're different, Lheia. You're unique from any other woman I've known..."
Lihim siyang napaangat ng kilay. Unique and different? Paano siya magiging unique and different kung sa tuwing nakikita siya nito ay naaalala nito si Rebecca sa kanya?
There was a sudden punch she had felt inside her heart sa katotohanang iyon. Hindi niya mawari kung bakit may kaonti siyang nadamang panibugho para sa kanyang kapatid. Ngunit agad din niyang sinaway at kinastigo ang sarili. Hindi niya dapat na maramdaman iyon.
"Alam ko, baka isipin mong masyado akong mabilis," pagpapatuloy ng binata. "Pero hindi naman nasusukat ang nadarama ng puso sa tagal o iksi ng panahon na nagkasama at nagkakilala kayo, `di ba?"
Hindi siya tumugon, bagkus ay kumunot ang noo niya. Ano ang pinagsasasabi ni Morgan? Ano ang ibig nitong ipahiwatig sa mga binitawan nitong mga salita? Could it be he was already—
"Can I court you, Lheia?"
Kulang ang sabihing halos ma-heart attack siya sa sinabi nito. Yes, she was expecting that already, hindi naman siya ganoon ka-ignorante para hindi iyon mahalata. She was just acting awhile ago like she doesn't know. She was just acting like that of a naive person ‘cause she wanted confirmation. At heto na nga, kumpirmado na buhat sa bibig ng binata—gusto siya nitong ligawan!
"B-but why? I-I mean—"
"Because I like you. You're special here," tugon nitong itinuro ang kinaroroonan ng puso.
Like and special? Liligawan lang ba siya nito dahil gusto siya nito at espesyal siya? She couldn't understand, yet she was expecting for more.
"Lheia..." he whispered. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at masuyong pinisil iyon.
"M-may anak na ako, Mor—"
"I don't care," he firmly butted in. "I don't care about your past. All I care about, is your present. I can be the father of Charlotte. Tutal ay ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya, para na ring anak ang turing ko sa kanya," he said seriously. His voice were full of conviction. It seemed like he was really determined for all the words that came out his mouth.
Dahan-dahan niyang inalis ang mga palad nito sa mukha niya, saka muli siyang tumanaw sa malayo, sa kadiliman ng gabi.
Namayani ang saglit na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. It was as if they were drown into the abyss of their thoughts. Naririnig niya ang panaka-nakang pagbuntong-hininga ng binata.
"I-it's up to you, Morgan... It's up to you," later she whispery uttered. "Just prove to me how serious you really are."
Nagulat na lamang siya nang pabigla siya nitong kabigin at yakapin nang mahigpit. "I will, Lheia. I will! And thank you for giving me a chance." There was tremor in his voice. It seemed like he was really very happy with her given answer.
Nararamdaman ng dalaga ang masuyong paghalik-halik ni Morgan sa buhok niya. Napapikit na lamang siya at ninamnam ang mestiryoso at kakaibang damdaming nadarama niya nang mga sandaling iyon.
She was confused, really confused...for there was something in her na nagsasabing ginawa niya ang pagbibigay ng pagkakataon kay Morgan dahil iyon naman talaga ang gusto niya, at hindi dahil sa iyon ang naaayon sa mga plano niya...