"HI! I'M Morgan, and you are?" nakangiting inilahad ng binata ang palad nito sa kanya.
Zalheia instantly gazed at Morgan's hand. `Atubili siyang tanggapin iyon sapagkat biglang sumulak ang galit niya sa lalaking kaharap. Kung kanina ay halos mapanganga siya sa paghanga sa angking-kaguwapuhan nito, ngayon naman ay kulang na lang na sunugin niya ang kamay nitong tinititigan niya. `Buti na lang at bahagya siyang nakayuko kaya't hindi napapansin ni Lowell Morgan at Mrs. Cordova ang nakarehistrong poot sa mga mata niya.
Mayamaya'y narinig niya ang sabay na pagtikhim ng mag-ina, marahil ay para pukawin ang atensiyon niya.
Lihim na humugot nang hangin si Zalheia. She tried to plaster her sweetest but fake smile bago tuluyang iangat ang mukha at makipagkamay sa binatang Cordova. "I'm Zalheia Molina," she said curtly.
"Nice meeting you, Lheia," anito sa suwabeng boses, saka hinagkan ang kamay niya.
Wala sa sariling napasinghap siya sa pagkagitla sa ginawa nito. Nang sulyapan niya si Mrs. Cordova ay malapad ang pagkakangiti nito na tila ba'y nasisiyahan ito sa nakikita sa kanila ni Morgan.
Pasimple niyang binawi ang palad mula sa binata. Naisip niyang hindi nga kataka-taka kung bakit nahumaling kay Morgan ang kapatid niya. With that looks and oozing charisma, siguradong kahit na sinong lahi ni Eba ay magpapantasya.
"So, let's sit in?" mayamaya'y wika ni Mrs. Cordova.
Naging listo si Morgan para ipaghila sila ng upuan. It was indeed a gentleman's act, but she's not impressed dahil alam niyang sa likod niyon ay may halong kaplastikan at pagkukunwari.
"`Ma, Lheia, `maiwan ko muna kayo. I'll be going somewhere," anang binata sa simpatikong pagkakangiti. Ni hindi nga ito umupo, at waring nagmamadali pang umalis at iniwan sila sa mesang iyon.
Inihatid na lamang nila ito nang tanaw. Ilang sandali ang nagdaan at humina ang tugtog na kanina pa pumapailanlang sa paligid. Kasunod niyon ay ang pagsalita ng emcee na nasa maliit na stage. Doon natuon ang atensiyon ng mga bisitang naroon.
"Ladies and gentleman. Tonight, we are all gathered here to celebrate a very special occasion, to show our wholehearted support in welcoming the inheritor of the Cordova Group of Companies. Please welcome onstage, Mr. Lowell Morgan Cordova. A round of applause, please."
Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa ere matapos na ipakilala ng emcee ang binata, kasabay din niyon ay ang pag-akyat ni Morgan sa stage. He looked so incredibly handsome in his Armani suit. Mas lalo itong gumawapo nang matanglawan ng maraming ilaw.
Agad niyang ipinilig ang ulo. Hindi siya dapat mag-isip ng mga ganoong bagay. Hindi siya dapat mag-isip ng positive attributes nito.
"Good evening, everyone, and thank you for coming," paunang bati ni Morgan sa mga bisitang naroon. "Marahil ay nagtataka ang iba sa inyo kung bakit nagpa-Welcome Party pa ako gayong sobra isang taon lang naman akong nawala sa Pilipinas," he paused and smiled to the crowd na lumikha ng mahinang pagtawa. "Actually, this isn't just an occasion for a mere welcome party. We are all gathered here tonight for a special announcement I have to make."
Nagkaroon ng mahinang bulong-bulongan nang saglit na huminto ang binata sa pagsasalita.
"Ano'ng announcement iyon?"
"For sure, importante `yan."
"Excited ako!"
Narinig ni Zalheia ang iba't-ibang klaseng reaksiyon na iyon ng mga bisita.
"...we are all gathered here tonight to announce na ako na ang magiging bagong CEO ng Cordova Group of Companies as the sole beneficiary of my father's wealth."
Napaismid si Zalheia sa narinig na announcement nito. 'May pagkahambog pala talaga ang mokong na `to! Dapat pa ba talagang magpa-party para lang i-announce ang mga ganoong bagay? Tsk! Sabagay, ganoon marahil ang mga mayayaman,' anang isip niya habang nakatitig sa binata.
Subalit mayamaya'y bigla siyang natigilan. Morgan will be the new CEO of CGC? Kung gayon ay ito na ang papalit sa puwesto ni Mrs. Cordova. Ito na ang pagsisilbihan niya. Ang binata na ang magiging bagong Boss niya!
Nagtatanong na napatitig siya sa katabi niyang si Mrs. Cordova.
"He will be your new Boss starting on Monday," said Mrs. Cordova in an enthusiastic tone habang nakatitig ito sa anak na nagsasalita onstage.
Ibinalik niya ang paningin sa stage nang ipagpatuloy ni Morgan ang announcement.
"...I'm looking forward to build rapport and camaraderie with all my subordinates..." wika nito habang inililibot ang paningin sa mga bisitang naroon.
She could sense authority on his voice. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan dahil baka isa itong istriktong Boss.
"...specially those employees na palagi kong makakasama at makakatrabaho. You know who you are." Dumako ang tingin nito sa kanya.
Zalheia was shocked when their eyes met. It made her heart skips a beat. Tila ba siya ang pinatutungkulan nito ng mga katagang binitawan nito.
Well, anyway, there's nothing wrong about it. That would be, for sure, for her own good. Hindi siya dapat na mag-isip ng mga negatibong bagay. `Di ba, ito naman ang gusto niya? Ang mapalapit sa taong puntirya niya.
Lihim siyang nagdiwang. So this is it, umaayon ang tadhana sa mga plano niya.
'I'm looking forward to work with you, my devious Boss!'
---
"HEY! WAIT, Lheia!"
Napahinto si Zalheia sa akmang paglabas ng gate ng Villa Cordova nang marinig ang pagtawag na iyon ng isang lalaki. Napalingon siya, just to see Morgan running after her. Lakad-takbo ang ginagawa nito papunta sa kinaroroonan niya.
"Are you going home?" medyo hinihingal na tanong nito nang makalapit na sa kanya.
She gave him a curt nod.
"Let me fetch you," anito.
Bahagyang umarko ang kilay niya. Kapag sinisuwerte ka nga naman, hindi pa nga siya nag-uumpisa sa mga major plans at 'staring games' niya ay waring nagpapakita na ito ng interes sa kanya, and at the first day of their meeting pa! Imagine that! Blissful indeed!
"Don't worry, I don't bring any harm and I don't munch. Si Mama ang makakalaban ko kung gawan kita nang masama," pagbibirong saad nito. Akala marahil ng binata na nag-aatubili siyang sumama rito.
'Ha-ha, `corny ng joke mo. Natawa ako,' piping saad ng sarkastiko niyang isipan while glaring sweetly at the handsome face of Morgan. Ayaw niyang ipahalatang may kinikimkim siyang galit dito. Siguro kung hindi lang ito ang dahilan ng pagkawasak ng buhay at kinabukasan ng kanyang kapatid ay malamang na magustuhan niya ito.
"So, shall we?" untag ng binata.
Tumango siya, and before she could utter a word ay hinawakan na siya nito sa siko na naging sanhi para mapakislot siya.
Morgan softly chuckled. "Magugulatin ka pala," komento nito.
"A-ahm, not really. It's just that—"
"It's just that, you're still not at ease with me." There was seriousness on his voice.
"Ahm, sort of," kaswal niyang tugon bago siya nito pagbuksan ng pinto ng kotse.
"Saan pala kita ihahatid?" tanong ng binata kapagkuwan. In-i-start na nito ang silver Vios.
Agad niyang ibinigay ang lugar at eksaktong direksiyon kung saan siya nakatira. Hindi pa man sila nakakalayo ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. She took it out of her pouch and peered what the message was.
"mami, uwi na ho kau. Bebe charlot hir. Luv u! :)"
Bahagya siyang tumawa nang mabasa ang mensaheng iyon. It was actually nanay Saida who composed and sent that message. Ganoon talaga ito kapag late na siyang umuuwi ng bahay. Magmula kasi nang maipanganak si Charlotte ay ganoon na ito mag-text sa kanya. Nanay Saida no longer used her own identity when texting, instead it was of Charlotte, ang ginagamit na nito.
Hindi mapagkit ang ngiti sa mga labi niya sa mensaheng iyon. Bigla tuloy niyang na-miss ang 'anak' kahit na ilang oras pa lang niya itong hindi nakikita.
She smilingly gazed at the screen saver photo of Charlotte. Kuha iyon kanina bago siya umalis. Her baby was charmingly smiling at the camera kaya't kitang-kita ang dalawang cute na cute na biloy nito sa magkabilang-pisngi. Minsan nga ay binibiro siya ni nanay Saida na baka raw siya ang nagluwal kay Charlotte dahil namana nito ang dalawang dimples niya. Si Rebecca kasi ay wala n’on.
"Who's that cute little baby?"
Zalheia heard Morgan's voice asking. Hindi niya namalayang pasulyap-sulyap pala ito sa hawak niyang cellphone habang nagmamaneho.
Unti-unting napakli ang ngiti sa mga labi niya at napabaling sa katabing binata. She stared at him blankly. Walang emosyong kababakasan sa maganda niyang mukha. Ngali-ngaling ipagsigawan niya sa pagmumukha nito na ang sanggol na tinititigan nito ay ang mismong anak nito.
She drew a deep breath bago magsalita. "She's Charlotte. My daughter."
Kamuntikan na siyang mapasubsob sa dashboard ng Vios nang aksidenteng maapakan ni Morgan ang selenyador ng sasakyan. Awtomatiko rin itong napabaling sa kanya. She couldn't fathom kung ano ang nababanaag niyang ekspresyon sa kabuuan ng mukha nito. Pinaghalo-halo iyon. She could see shock on his face, Morgan even startled on disbelief, he looked horrified and there was...disappointments.
Subalit mayamaya'y pumormal ang ekspresiyon ng mukha nito. He looked at her with poker face. "M-may asawa at pamilya ka na pala." There was something on his voice. Was it frustrations?
Napabaling siya sa labas ng bintana. From there ay nakikita niya ang kadiliman at katahimikan ng gabi. "Wala pa akong asawa. I don't have a family of my own. I'm single with a kid with me," she paused and peered at him in the eye. "Naiintindihan mo siguro ang ibig kong sabihin."
Morgan gave a curt nod. "What happened?...if you don't mind." There was loneliness on his voice. Hindi niya lang mawari kung para iyon saan.
She shrugged, saka muling dumungaw sa labas. "As with famous love stories, I, too, have my own. `Yon nga lang ay malungkot iyon," sambit niya sa mahinang tinig. "I fell in love with a man who's not worthy to be loved. Iniwan niya ako matapos na makuha ang gusto niya. Hindi niya pinanagutan ang ipinagbubuntis ko. He's the worst man I have ever known!" Muli ay bumulusok ang poot niya para sa lalaking katabi. Hindi man sa kanya iyon nangyari, ngunit ramdam niya ang pait at sakit na dulot niyon para sa pinakamamahal niyang kapatid.
Sinadya niyang sabihin iyon sa binata para ipamukha rito ang kamaliang nagawa nito sa kapatid niya. She wanted to see remorse from him. Gusto niyang makonsensiya ito at matamaan sa mga salitang pinakawalan niya.
"I'm sorry to hear that," Morgan said sympathetically bago nito muling paandarin ang sasakyan.
Wala silang imikan matapos ang seryosong pag-uusap na iyon. Tila napakalalim ng iniisip ng binata. Panay din ang buntong-hininga nito. Naisip ng dalaga na marahil ay nakonsensiya ito at naalala ang ginawang pag-iwan sa kapatid niyang si Rebecca.
'Your own conscience will kill you, Cordova!'