“Prinsipe Adonis, bumaba na ho kayo riyan at baka maabutan ka ng mahal na hari.” Sabi ni Hyrim sa pilyong prinsipe na si Adonis, habang nasa itaas siya ng puno at pumipitas ng mga hinog na mangga.
“Kumalma ka lang diyan, Hyrim. Ang mahal na Hari ay hindi pumupunta sa ganitong klaseng lugar, at tsaka buksan mong maigi ang pangsalo na hawak mo at baka mabugbog pa ang mga manggang kinukuha ko.” Ang itinuro sa kaniya ng binatang prinsipe. Sumimangot ang mukha ni Hyrim at tumahimik na lang siya. Nakatitig pa rin siya sa prinsipe sa itaas ng puno, habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Sina Hyrim at Adonis ay matalik na magkaibigan. Limang taong gulang pa lamang sila nang italaga ng hari si Hyrim bilang personal na tagapag-alaga at katulong ng Prinsipe. Hindi naman tumanggi ang mga magulang ni Hyrim dahil natitiyak din nilang iyon ang nakatadhana para sa kanilang nag-iisang anak, ang pagsilbihan ang susunod na pinuno sa trono ng mahal na hari.
Kaya, inutusan siya ng mga ito na huwag iwanan si Prinsipe Adonis saan man siya magpunta o anuman ang mangyari. Sa murang edad na siyam, si Hyrim ay kaagad nang sumailalim sa isang malaking pagsubok at pagsasanay upang maisakatuparan ang kaligtasan at seguridad ni Adonis, bilang susunod na hari sa kaharian ng Drima.
Matapos magmungkahi ng matandang mangkukulam tungkol sa hulang itinakda para sa bunsong anak ng bathala, ang lahat ng mga diwata at imortal ay tila nag-aalala sa kaligtasan ni Adonis sa hinaharap. Kaya naman, mas pinagtuunan nila ito ng pansin at hinigpitan ang seguridad sa loob ng palasyo. Kung dati ang sinumang diwata o imortal ay malayang makakapunta at makakadalaw sa loob ng kaharian ng Drima, ngayon ay kailangan muna nilang humingi ng pahintulot sa Hari at Reyna at kung malalagpasan nila ang bawat pagsubok na ibibigay nito sa kanila. Saka lamang sila magiging malaya na makapasok sa kaharian.
Pagkatapos ng lahat, si Hyrim ay hindi lamang ang napiling tagapag-alaga ng mahal na Hari. Ngunit nagsagawa rin ito ng malaking patimpalak para sa mga magigiting na mandirigma at sa mga gustong pumasok sa palasyo. Halos lahat sila ay matatapang at magaling makipaglaban, ngunit ni isa sa kanila ay walang nakaantig sa puso ng mahal na Hari. Siya ay naghahanap ng hindi lamang kabutihan at katapangan para sa isang tagapag-alaga ng Prinsipe, kun'di isang tapat na katulong na hinding-hindi iiwan at hindi magdadalawang-isip na ialay ang kaniyang buhay para sa kaligtasan ng Prinsipe.
Sa pagkakataong iyon ay biglang naagaw ng kaniyang atensyon sina Adonis at Hyrim na kasalukuyang naglalaro sa hardin at masayang naghahabulan.
Napansin niyang binagalan ni Hyrim ang pagtakbo para maabutan siya ng Prinsipe at mataya siya nito. Sa kabilang banda, biglang naantig ang puso ng mahal na Hari sa ipinakitang kabaitan ng batang iyon at isang malapad na ngiti ang dulot ng kaniyang mga labi.
"Ano ang kaniyang pangalan?" tanong niya sa mahal na reyna na kasalukuyang nakaupo sa tabi niya.
"Sino ang tinutukoy mo, mahal ko?" sabi ni Nara sa kaniya, ang makapangyarihang Diyosa ng kagubatan at namumunong reyna ng kaharian ng Drima.
"Ang batang iyon," itinuro ng hari sa kaniya si Hyrim. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mapagtanto niyang si Hyrim pala ang tinutukoy ng mahal na hari.
“Ah, siya ba? anak siya ng mag-asawang Hyza at Lik. Ang ating masisipag at tapat na alalay.” Sagot ng mahal na reyna sa hari na may nakakabit na ngiti sa labi.
“Lik? ang tinutukoy mo ba ay ang aking tapat na tagapag-bantay?" muli nitong sinuri ang reyna nang siya ay lumingon. Ngumiti si Nara at tumango.
“Siya nga, mahal ko.” Nang sabihin niya iyon, muling nabaling ang atensyon ng hari kay Hyrim at tumawa siya ng malakas. Nagpakita sa kaniya ang mahal na reyna na may bakas ng pagtataka sa mukha.
"Mukhang mabuti na ang pakiramdam mo ngayon, mahal kong hari." Marahang isinambit ng reyna sa kaniya.
“Paano ko ba maipapaliwanag sa iyo ang saya na nararamdaman ko ngayon, mahal kong reyna.” Ang masayang ugong nito, na nagdulot din ng kasiyahan sa puso ng mahal na reyna.
“Ano iyon mahal ko? maaari mo bang ibahagi sa akin kung ano ang nagpapasaya sa iyo ngayon?" usisa nito.
“Hindi lang ako makapaniwala na anak siya ng matalik kong kaibigan, ang lawin. Hindi lang katulong o tagapag-alaga ko si Lik. Ngunit siya rin ang nagsisilbing anino ko sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob at tinatakot ako ng dilim. Malaki ang tiwala ko kay Lik at lubos din akong nagpapasalamat sa kaniya dahil hindi ako dapat nandito sa aking trono ngayon kung hindi dahil sa kaniyang katapatan at katapangan. Hindi maikakaila kung bakit magaan ang pakiramdam ko sa batang iyon at kung bakit din sila kaagad nagkasundo ng aking Prinsipe. Dahil siya ay anak ng isa sa mga pinagkakatiwalaang tagapag-alaga ko dito sa kaharian ng Drima at iyon ay walang iba kundi si Lik. “ Masaya niyang sabi, sabay tumayo ito. Tumingala sa kaniya ang mahal na reyna at sinundan siya ng tingin.
“Saan ka pupunta, mahal ko?” tanong ni reyna Nara sa kaniya. Tiningnan siya ni haring bathala na may ngiti pa rin sa labi.
"Gusto kong lapitan ang batang iyon at ano nga ulit ang pangalan niya?" tanong niya habang tumayo din ang mahal na reyna.
“Hyrim, Hyrim ang pangalan niya. Hayaan mo akong samahan ka sa kaniya, mahal ko." Sabi ni reyna Nara sa asawa niyang hari. Tumango ito sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.
Habang pababa sila ng hagdan, dali-dali silang nilapitan ni Lik, para tulungang maglakad pababa ang mag-asawa at protektahan sila. Sumunod din sa kaniya ang ilang bantay nila at pumwesto sa likuran nila.
Lumingon ang mahal na hari kay Lik na nasa tabi lang niya at muling ngumiti sa labi.
Saglit siyang huminto sa paglalakad nang bumaba sila sa hagdanan at saka humarap sa matapang at tapat na kawal nito.
"Ilang taon na ang lumipas, simula noong huli tayong nag-usap?" tanong ng mahal na hari sa kaniya. Naningkit ang mga mata ni Lik, para tingnan kung siya nga ba ang kausap nito ngunit madali niyang iniyuko ang ulo sa harap ng hari nang mapansin niyang nakatingin ito sa kaniya.
“Patawarin mo sana ang kalapastanganan ko-” kaagad din niyang naputol ang sinasabi nang ipinatong ng mahal na hari ang isang kamay sa balikat niya at tumawa ng malakas.
“Iangat mo ulit ang ulo mo, Lik. Gusto kong makita ang mukha mo." Ito ang utos niya kaya dahan-dahan niya itong inangat ng tingin at tumindig tayo si Lik sa harapan ng hari.
Sandaling natahimik ang kaniyang kamahalan at pagkatapos ay pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng kaniyang tapat na kawal.
“Bakit hindi ko kaagad napansin na magkamukha pala kayong dalawa?” aniya, sabay tingin ni Lik sa hari na bakas sa mukha ang pagtataka.
“Paumanhin, Kamahalan. Pero hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin sa akin." Sa sinabi niyang iyon, muling natawa ang mahal na hari at nakita niya ang dalawang bata na naglalaro. Sinundan siya ng tingin ni Lik, at laking gulat niya nang makitang nakikipaglaro ang kaniyang anak sa anak ng makapangyarihang Bathala.
Tatawagin na sana niya ito at lalapitan si Hyrim, ngunit mabilis siyang pinigilan ng hari at hinawakan ang braso nito. Natigilan si Lik at nagsalitan ng tingin sa mag-asawang hari at reyna.
“Pasensya na, Lik. Kung hindi ko 'agad nakilala ang anak mo.” Pagkasabi ni Bathala ay biglang lumuhod si Lik sa harapan niya.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin kamahalan at mangyaring huwag kang magpakababa para lamang sa isang hamak na kawal na katulad ko." Sabi ni Lik na may halong pangamba sa tono ng boses niya. Umupo ang makapangyarihang haro sa harapan niya at hinawakan siya sa magkabilang braso para tumayo. Umangat lang ng tingin ang ginoo at tinitigan ang hari.
“Marami akong utang na loob ko sa iyo, Lik. Kaya 'wag mo masyadong ibaba ang iyong sarili. Ako ang pinuno ng kahariang ito, ngunit ako pa rin ito. Ang matalik mong kaibigan,” mahinang sabi nito sa kaniya.
Si Lik ay gumuhit ng maikling ngiti sa kaniyang mga labi at pagkatapos ay tumingin siya sa reyna na tumango sa kaniyang ulo. Muli siyang lumingon sa hari at niyakap niya ito ng mahigpit. Tumulo ang luha sa mga mata ng ginoo at pinunasan niya ito gamit ang isang kamay.
"Ang buong akala ko ay nakalimutan mo na ako," sabi ni Lik sa kaibigan niyang si hari.
“Puwede ko ba namang makalimutan ang kaibigan kong lawin?” saad nito sa kaniya at sabay silang ngumiti. Pagkatapos nilang magyakapan ay nagkamayan ang dalawa bilang pagbati sa kanilang pagkakaibigan.
Pagkatapos nun ay muli nilang binalikan ang mga masasaya nilang ala-ala mula sa kanilang nakaraan. Maligaya silang nagkukuwentuhan habang pinapanuod ang masayang paglalaro ng kanilang mga anak.
Hindi makapaniwala ang hari na parang kinopya lamang ang mukha ni Hyrim kay Lik, dahil halos kamukhang-kamukha niya ito noong siya ay bata pa lamang.
Habang si prinsipe Adonis naman ay kawangis ng kaniyang ina, kung saan naman niya ang kagandahan ng reyna.