CHAPTER 3
"What happened to my princess?"
"She's fine, Edwardo. Buti nalang at tumawag si Tyrone, kahit busy siya naalagaan niya parin ang asawa niya."
"Kumain na ba siya?"
"No, she's still asleep, kanina pa simula no'ng dumating ako."
Nagising ako nang marinig kong nag-uusap sina mommy at daddy. Kahit na inaantok pa ang diwa ko ay nagawa ko pa ring imulat ang mga mata ko dahil sa gulat.
"M-Mom, D-Dad. Bakit p-po kayo nandito?" I asked them while rubbing my eyes.
Instead of answering my question, Mom hugged me.
"Thank, God, your alright, my baby."
"I'm okay mom, m-may trabaho pa po kayo pero inuna niyo parin ako." I tried to hide my emotions infront of them. Ayokong mag-alala sila.
"Mahal ka namin, baby. So bakit hindi ka namin uunahin? Anak ka namin, and we can't afford to lose you, honey." Mom said while caressing my cheek. She flashed me a sweet smile. Para itong sakit na nakakahawa at bigla nalang akong napangiti tulad ng ginagawa niya. My mom is the sweetest woman I have ever known in my entire life. I love them.
Mayamaya ay tumayo na si mommy upang sana ay makita ko si daddy sa gilid nito, ngunit ganoon na lamang ang aking nararamdamang kaba nang mahuli ko itong nakatitig sa mukha ko na para bang may inoobserbahan.
"Wait, anong nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka, Sam?" tanong ni daddy habang nakakatitig sa mukha ko, I stopped. What should I do?!
Think, Samantha. Think!
"A-Ah, andami po kasing lamok dito, dad. Yeah! So don't worry, gagamutin ko po 'to." palusot ko pa, napalunok nalang ako nang biglang lumapit si daddy at tiningnan ang mukha ko.
"I don't think this is just a mosquito bite." he said, lumayo naman ito saakin ng bahagya.
"Who did this, Samantha?" daddy questioned as he continue stare at me. He is looking at me, intently. Nanigas naman ako at takot na napatingin sa kanya.
"Hahay, D-Dad. I swear, kagat lang to ng lamok—" I tried to act but then he suddenly cut my words.
"I don't believe in you." madiin nitong wika. Napalunok ako ng sariling laway. It feels like, my fever suddenly vanished away.
"Kung hindi ito galing sa kagat ng lamok. E, di saan po ito nanggaling?" I forced myself to joke and laugh. No! Ayokong malaman niya ang patungkol dito at baka kung ano pa ang magawa niya.
"Is it him?" napalunok na lamang ako sa naging tanong nito. Goodness! How can my father be this smart?
"S-Sinong siya, dad?" gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Masyado na akong halata!
"Your husband." he said firmly.
"Dad, di ko hahayaang pagbuhatan ako ng kamay ni Tyrone, sasabihin ko naman sainyo in case na mangyari yun eh."
Liar, Samantha! Kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko. My goodness, thankfully he did not see my other bruise here in my left arm.
Ilang segundo pa ako nitong tinitigan. Kaya tinitigan ko siya pabalik. I completely know his ways.
Mayamaya ay tuluyan nang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at nagpakawala ng isang malalim na hininga, "Hmm, okay. Next time, mag lagay ka na ng repellent lotion. Not because sarado itong bahay niyo, doesn't mean na magiging pabaya ka na sa sarili mo. Understand?" Dad said. I sighed in victory.
I nodded after, "Yes, dad. I will." I smiled.
"Did you eat?"
"Yes, dad. Tyrone cooked some foods for me to eat kanina bago siya umalis. " I forced a smile. Liar! Liar!
"Just take some rest, baby. Babantayan ka namin ng daddy, okay? And I will treat these while you're sleeping." Mom kissed me on my forehead. Tumango ako sa sinabi nito.
Inihiga niya ako at kinumutan, how I miss my mother's care and touch.
"Mom, dad, can you stay here for atleast one night? I need you." I begged as I stared at them.
"Sure, honey. If that's what our baby's wish." mom smiled. She then started to caress my long and black hair. It made me somehow felt relaxed
"Thank you, mom." I smiled.
"Matulog kana at para gumaling kana agad." sinunod ko naman ang bilin ni mommy, I closed my eyes.
I want to tell them how I truly felt right now, but I can't, kasi sa oras na sasabihin ko sa kanina ang mga iyon, baka mawala ng tuluyan si Tyrone saakin.
Just sleep, Sam. Para bukas kaya mo na ulit handaan ng ulam at uniporme ang asawa mo na may ngiti sa mga labi.
Makaraan ang ilang mga segundo, ay tuluyan na akong nilamon ng antok.
I heard something outside our house.
Dinilat ko ang mga mata ko, hinanap agad ng mga mata ko sina mommy at daddy, pero wala na, umalis na sila.
Napatingin naman ako sa orasan 6:30 am na. I checked my temperature using my thermometer that mom and dad gave to me, yesterday.
Kahit papano nahimasmasan naman tong pakiramdam ko, thanks to mom and dad dahil sa alaga nila saakin kagabi unti-unti na akong gumagaling.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa sala.
Tyrone?
Mabilis akong bumaba sa kama at lumabas agad ng kuwarto, I almost forgot to prepare breakfast for him, baka magalit na naman siya. Masyado yatang napasarap ang tulog ko.
Mabilis akong tumungo sa kusina at naghugas agad ng kamay, bubuksan ko sana ang fridge nang may biglang nagsalita sa aking likuran.
"What are you doing?" a baritone voice made my heart pumped abnormally. Oh it's him, my Tyrone.
"S-Sorry, nakalimutan kong magluto ng makakain mo." nakayukong sabi ko.
Narinig ko lang ang inis nitong pagsinghal. Mayamaya, naramdaman ko ang paglapit niya saakin, kinabahan na naman ako. Humalukipkip ako upang sana ay ihanda ang sarili ko sa posibleng pananakit niya
But then, I felt his hands on my forehead. Kumunot ang noo nito, "You're still sick." nagulat naman ako sa sinabi niya.
"You have to rest." tipid nitong sabi. Nanatili parin akong nakayuko, trying to stop myself from smiling. He hates my smile more than anything else. And I know it.
"N-No, I can handle myself—"
"I said rest!" He shouted, napapitlag nalang ako sa sinabi niya. Para bang lalabas na ang buong kalamnan ko galing sa katawan ko lalo na ang puso ko.
"O—Okay."
"Turn off the aircon. Malamig." he commanded I don't know what to react, honestly. Matatakot ba ako o magiging masaya sa sinabi nito. But one thing's for sure. He's being concerned! And I love it, sana ganito nalang siya palagi.
Tumango nalang ako at dali-daling tumungo sa kwarto namin, sinunod ang mga bilin niya at humiga na sa kama.
Oh, God! Kahit tipid ang pagkasabi niya I can feel how concerned he is. Please Lord, kahit ngayong araw lang.
Nakahiga lang ako sa aming kama, di talaga ako makatulog. Di naman kasi talaga malala ang lagnat ko eh, I can handle myself. Pinatay ko na rin ang aircon. Hindi dahil nilalamig ako, kundi dahil sinabi niya siya.
Mayamaya, nakarinig ako ng katok galing sa labas ng aming kwarto. Bumukas ito. Mabilis agad akong napabangon nang makitang si Tyrone ito. Bitbit nito ay isang puti'ng mangkok, at halata sa mukha nito na naghihirap siya. Kaya tumayo ako, at akmang tutulungan siya.
"Tsk, go back to bed!" inis nitong sigaw. Palihim naman akong napasimangot dito. Tutulungan na nga, magagalit pa.
"O—Okay." Bumalik na lang ulit ako sa kama, he placed the bowl on the table beside our bed. Bahagya nitong inatras ang lampshade upang mas mabigyan ng malaking espasyo ang mangkok at isang baso ng tubig.
Nakatitig lang ako sa asawa ko'ng abala sa paglagay ng mga makakain, inihanda niya rin ang tubig at ang gamot.
"Staring is rude, Sam." nagulat naman ako sa sinabi nito. Kaya dali-dali akong nag-iwas ng tingin. Ayokong mainis siya. Baka mamaya, itigil niya itong ginagawa niya at magwo-walk out ulit.
Matapos nitong ilagay ang mga dala, maingat nitong hinawakan ang mangkok at umupo sa gilid ng kama paharap sa akin. Nakasandal naman ako sa headboard ng aming kama.
"Just open your mouth." he said plainly. Napalunok ako. Susubuan niya ako? Hindi ko yata kakayaning lunukin ang lugaw dahil sa pagkailang.
"T—Tyrone, I'm really fine. I can handle myself, I can eat. Sorry kung naisturbo man kita—"
"Just shut up and let me do what I want to do!" he shouted. Oh Jeez. Akala ko lalambingin niya ako at pipiliting subuan niya ako. I'm such an idiot!
Tumango nalang ako, at hinintay na lamang siyang subuan ako. Sobrang lapit ng mukha namin! And I can clearly see how his thick eyebrows met each others. His sweat that already covered his handsome face.
Ibinuka ko naman ang bibig ko nang nilapit niya na ang kutsara sa akin.
"Aw!"
Muntik ko nang mailuwa ang sopas buhat ng init na aking nararamdaman. Napahawak ako sa mga labi ko.
"O—Oh, sorry. Nakalimutan kong hipan." Natatawang sabi nito habang hawak-hawak ang likod ko, he handed me the cup of water.
Ininom ko agad ito. But realization made me stopped.
Did he just said sorry? Did he just laughed? Oh, my goodness! I'm the happiest woman alive!
"N—No, it's okay." nahihiya kong wika dito. Gusto ko mang sumigaw sa kilig ngunit di ko kaya. Nandyan siya sa tabi ko, baka mainis na naman ito
"I love it when you laugh, Ty. Pwede bang ganyan ka nalang p-palagi?" Muntik ko nang matampal ang aking bibig dahil sa sinabi ko.
He stared me, napalunok naman ako. Sasaktan niya ba ulit ako? Sisigawan?
"I don't know." he just said. Tila nawalan ng lakas ang mga balikat ko at kusang bumagsak.
I flashed him a bitter smile. He just stared at me. Pagkatapos ay sumandok na ulit siya gamit ang hawak na kutsara, this time hinipan niya na. I opened my mouth, and there di na siya ganun kainit. Nalasahan ko na ang sopas, and it taste good!
"It's good, Ty. Ang sarap" I smiled at him.
Ngumiti rin ito sa akin, isang tipid na ngiti lang, but still it made my heart beats fast. He's like an angel whenever he smiles.
Mayamaya ay naubos ko na ang sopas. Pagkatapos ay ipinainom niya saakin ang gamot na dala niya at ipinahiga niya na ako sa kama.
"T-Ty, thank you." naiilang kong sabi.
"Salamat kasi, sa kabila ng mga nagawa ko sayo, inalagaan mo parin ako ngayon." nakangiting sabi ko.
Tipid naman itong ngumiti saakin, "You're welcome." He simply replied, and continue what he's doing.
I really appreciate what he said, kahit na ang tipid lang ng mga ito.
Di ko namalayang nakalabas na pala ito ng kuwarto namin, napabuntong hininga na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata upang magpahinga.
"Samantha."
"Sam, wake up."
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang bahagyang pagyugyog nito sa aking magkabilang balikat. Isang ungol lamang ang isinagot ko dito at humarap sa bandang gilid.
"Sam." his voice became serious unlike earlier. I immediately opened my eyes to see if he is really there. And there! Confirmed. I'm not dreaming. He is really here.
"T-Tyrone! I'm so sorry—"
"It's okay, I just want to remind you that, we're going out." he stated, napabangon ka agad ako sa narinig.
"Really?!" natutuwa'ng wika ko. Totoo ba talaga lahat ng ito?!
He nodded with a smile on his lips, "If you're feeling well, but if it's not, it's fine."
"No, kakasabi ko nga lang kanina diba? Okay lang ako?" mabilis kong sambit dito.
He smirked, "So get yourself ready, I'll wait outside." he just said, and stormed out the room.
Ano bang nangyayari sa araw na ito? Kailangan naba akong magkasakit araw-araw, maging mabait lang siya? Kasi kung oo, gugustuhin ko ang ideya'ng iyan.
Mabilis akong naligo at nagbihis, I can't make him wait, baka uminit na naman ang ulo niya at 'di matuloy itong plano niya. Sayang naman. I want to make this day memorable. Lalo na dahil paniguradong babalik ulit siya sa dating siya bukas na bukas.
Lumabas na ako sa pintuan at agad kong nakita ang nakaupong si Tyrone sa malapad na silya habang binubuklat ang dyaryo.
Tumingin ito saakin at inilagay ang dyaryo pabalik sa mesa. Tumayo ito, ngumiti naman ako at mabilis na bumaba sa hagdan.
"You ready?" he asked, tumango naman ako dito at ngumiti.
"Let's go." he announced. Lumabas na kami ng tuluyan sa bahay namin. This is it!
Andito kami ngayon sa kotse niya, at hindi ako mapakali sa excitement na nararamdaman ko, para akong bata na minsan lang ipinasyal ng kanyang mga magulang.
Sinilip ko si Tyrone habang seryosong nagmamaneho.
"Ah, Ty. Saan tayo pupunta?" I asked.
"Just wait, makikita mo rin naman yun mamaya." he just said. Napatango nalang ako at umayos na ng upo. Inaaliw ko na lamang ang aking sarili sa bawat gusali na aming madadaanan. Namiss ko ang lumabas ng bahay.
Tahimik lang kami sa buong byahe, nakakabingi ang katahimikan. Hanggang sa tuluyan na naming natahak ang pupuntahan namin, na 'di naman ako sigurado kung ito na nga iyon.
"I-Ito na ba, Ty?" I asked. He just nodded at tipid na ngumiti.
Napatingin naman ako sa labas, tila nagningning ang mga mata ko sa nakita. I don't think beach tong pinuntahan namin, tahimik ang lugar at walang katao-tao, ang gandang tingnan ang kulay asul na dagat dahil sa malalakas na alon na humahampas sa maputing buhangin.
Lumabas naman ako ng kotse, at dinama ang masarap at preskong hangin. Napapikit ako.
Naramdaman ko naman ang presensiya ni Tyrone saaking likuran.
"We'll wait until the sun sets." he said.
"Let's spend this day together." he added. Napadilat naman ang mga mata ko at napatingin agad sa kanya.
"Can we?" I asked, he nodded while staring at me.
"Can we act as a real husband and wife who loves each other for the mean time, Tyrone?" I just asked while looking at him. Desperada? Oo kung iyon man ang itatawag sa akin. Pero, masama bang maghangad ng kaniyang pagmamahal kahit na imposibleng maiparamdam niya iyon sa akin?
Nakita ko naman ang pagngiti nito, at marahang tumango, "Sure." he answered.
Lumundag naman ang puso ko sa sayang naramdaman ko. Ito na yata ang pinakamasayang araw ko. Imposibleng magkatotoo, pero kahit ngayon lang. Gusto kong maramdaman iyon galing sa kaniya.
•ohmy_gwenny•