Kabanata 6 (Part 1)

2256 Words
ELLY [Two Years Earlier] Isang malakas na sampal ang agad kong naramdaman nang makalapit sa akin si Mama. Hindi ko magawang maingat ang tingin ko sa kaniya sapagkat natatakot ako na mas lalo siyang magalit dahil sa kamaliang nagawa ko ngayon lang. "S-sorry po, M-mama..." mahina kong paumanhin nang maramdaman ko ang mahigpit niya pang paghablot sa aking braso. Nakayuko man at hindi nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Mama ay ramdam na ramdam ko ang matindi niyang galit sa akin. Dahil sa katangahan ko kanina ay nabasag ko ang mamahaling alak na iniabot niya sa akin kahapon, isa kasi iyon sa pinakamahal na alak na binibenta namin sa negosyo naming pag-iimport ng mga kakaiba at mamahaling alak. Kaya nang malaman niyang nabagsak ko ito at nabasag ay agad siyang nag-apoy sa kaniyang galit. H-hindi ko naman sinasadya, ngunit wala na rin akong magagawa para sabihin iyon kay Mama dahil wala na rin namang paraan para maibalik ko ang nasayang na alak sa mga oras na ito. "PUNYETA KA TALAGA, BATA KA! ORDER ‘YON NI SIR LAWRENCE! T*NGINA!" galit na sigaw ni Mama habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa aking braso. Hindi pa siya nakuntento at marahas namang hinablot ang buhok ko para mahila ako sa kung saan mang lugar sa tindahan namin. Nasasaktan man ako dahil sa paraan na ginagawa ni Mama sa buhok ko ngayon ay hindi ko magawang pigilan o lumaban sa ginagawa niya, alam ko naman kasing kasalanan ko talaga ito kaya dapat lang na pag-bayaran ko ang katangahan kong ito. Bakit naman kasi sa lahat ng pwede kong mabagsak na bote rito ay ‘yung pinaka-importante pa? Parang sinasadya naman ng panahon na pahirapan ako at saktan. "P-pasensya na po talaga, M-ma... Hindi ko po s-sinasadya…" hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pag-agos dala ng nararamdaman kong takot at maging sakit na nararamdaman ko. Nang makabalik kami sa mismong shop ay itinulak ako ni Mama sa may lamesa kung saan namin inaayos ang mga orders kanina. Dahil doon ay muntik na akong masubsob sa iba pang bote ng alak na nasa ibabaw nito. Dala ng takot ko na baka madagdagan pa ang mabasag ko ay mabilis kong sinalo ang ibang boteng natumba sa lamesa dahil sa nangyaring pagbunggo ko roon. "May magagawa pa ba ang sorry mo, huh?? Mabubuo ba ng paghingi mo sa akin ng paumanhin ang boteng nabasag mo? Hindi diba? P*tang*na, Elly! Wala na! Siya na nga lang ang suki ko sa walang kwentang negosyong ito, pumalpak ka pa!" muli ay sumbat niya sa akin. Doon ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dala ng konsensya sa aking nagawa. Si Sir Lawrence lang ang pinaka-mayamang suki ni Mama sa negosyo naming ito, ito lang din kasi ang pinagkakakitaan namin ng pamilya ko. Ako ang taga benta’t bantay sa tindahan namin at taga ayos na rin ng mga stocks namin. Si Papa naman ang taga-deliver ng mga orders ng customers. At si Mama naman ang kumakausap sa mga online buyers and callers namin. Kaya kahit nasasaktan ako ngayon ay ayoko na makipagtalo pa dahil totoo naman kasing malaking kawalan ito sa amin. Ang alak na aksidente kong nabasag ay nagkakahalaga ng sampung libong piso, nag-iisa na lamang ito sa stock namin kaya nang bilhin ito ni Sir Lawrence ay masaya si Mama. Next week pa kasi ang ibang parating na alak kaya nang mabasag ko ito kanina ay alam ko na agad ang kahihinatnan ng pangyayaring iyon. "Wala ka talagang utang na loob kahit kailan! Alam mo namang ito na lamang ang bumubuhay sa atin ay patanga-tanga ka pa sa trabaho! Saan ka kukuha ng sampung libo na pang-abuno rito? Saan ka makahahanap ng katulad ni Sir Lawrence kapag nawala siya bilang suki natin? Diyos ko, Elly! Isa ka na ngang pabigat sa pamilya namin, pinapatunayan mo pa!" naiyuko ko na lamang muli ang ulo ko dahil sa mga narinig mula kay Mama. Dahil sa masasakit na sinabi niya ay lalong nanikip ang dibdib ko na para bang pinipiga ito hanggang sa maubusan ng hangin. Mula pagkabata ay ito na ang naririnig ko sa kanila, na isa akong palamunin, pabigat, at walang utang na loob. Hindi ko maintindihan kung ano bang nagagawa kong sobrang sama para masabi nila sa akin ang masasakit na mga bagay na iyon. Nagkamali lang naman ako, subalit hindi naman ibig sabihin niyon na wala na akong utang na loob sa kanila. Sa katunayan nga niyan ay alam ko ang tungkulin ko sa kanilang tatlo dahil utang ko kay Mama Mary at Papa Anthony ang buhay ko. Kung hindi nila ako nahanap sa basurahan noon ay malamang matagal na akong wala sa mundo. Malamang ay hindi ko na kalian man nasilayan pa ang magandang pagsikat ng araw at maging ang paglubog nito kung hindi nila ako kinupkop. Sila ang taong panghabang buhay kong pasasalamatan dahil sila ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon sa buha ko, kaya tuwing nagagalit sila sa akin at sinasabihan akong walang utang na loob ay labis akong nasasaktan dahil mahal na mahal ko sila. Hindi man sila ang tunay kong mga magulang ay sila ang magulang na kinikilala ko, sila na lamang ang mayroon ako. Kaya kahit pagalitan nila ako ay pipilitin ko pa ring ayusin ang sarili ko para mas lalong matuto sa buhay. Ayoko nang magkamali sa harapan nila, gusto kong maging proud sila sa akin. Gusto ko iparamdam sa kanila na hindi sila nagkamali na inampon nila ako noon. Kaso nga lang… Paano ko naman magagawa 'yon kung lagi akong palpak sa mga mata nila? Kung kasing galing at talino lang sana ako ng totoong anak nilang si Ashley ay malamang matutuwa sila sa akin at hindi ako makagagawa ng ikagagalit nila sa araw-araw. "Hindi pa tayo tapos, naiintindihan mo?" salita muli ni Mama kaya napaangat na ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang pagsagot niya sa telepono na tumutunog na pala at hindi ko man lang namalayan dahil sa pagluha ko. "S-sir Lawrence!" bakas sa mukha ni Mama an kaba nang mabanggit niya ang pangalan ng tao sa kabilang linya. Dahil sa kaba ko ay huminga ako ng malalim para mapakalma ang nararamdaman kong niyerbios. Pinunasan ko na lamang ang mga luhang kumalat sa aking mukha para mawala kila Mama at Sir Lawrence ang atensyon ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ng suki namin kapag nalaman niyang nabasag ko ang bagay na binili’t bayad niya na. Nang mapakalma ang sarili ay napag-desisyunan ko na lamang na ayusin ang mga listahang nakakalat sa lamesa. Nakita ko ang record ni Sir Lawrence sa tindahan namin kaya lalo akong nakaramdam ng lungkot. Tama nga si Mama. Si Sir Lawrence ang halos bumibili ng mamahaling alak sa shop namin, ayon din kay Papa ay siya lang din ang nagdadala ng iba pang customers sa negosyo namin para bumili sa amin. Kaya itong nagawa kong kapalpakan ay maaaring magtanggal ng suporta niya sa pangkabuhayan namin. Ang tanging mahihiling ko na lang sa ngayon ay sana hindi siya magalit sa nagawa ko sa alak na binili niya. Sana hindi mawala ang tiwala niya sa amin dahil kung hindi ay mawawalan kami ng ibang customer na siya ang nagdala. At siyempre, ayokong mas magalit sa akin si Mama, kaya sana hindi siya mawala bilang suki sa negosyo naming ito. "S-sige ho, S-sir. Maraming salamat po! Magpapadala po agad ako ng ibang alak sa inyo para may mapagpilian po kayo. Hulog po talaga kayo ng langit sa amin, Sir Lawrence..." agad kong naibaba ang mga listahan na hawak ko nang bumalik na si Mama sa loob ng shop na may ngiti na sa kanyang labi. Dahil sa nakikitang saya sa mukha ni Mama ay malakas ang hula ko na may magandang sinabi si Sir Lawrence patungkol sa nagawa kong kasalanan. Nang maibaba ni Mama ang telepono niya ay agad siyang pumasok sa stock room at may kung anong ginawa roon. Siguro ay inabot di siya ng halos dalawang minuto bago muling lumabas at nagtungo sa lamesa kung nasaan ako kasalukuyang nag-aayos ng mga bagay-bagay. Inilapag niya roon ang basket na naglalaman ng limang iba’t-ibang klase ng alak na mayroon kami, base sa mga brand nito ay alam kong may magandag kalidad at mahal din ang mga iyon. Tumingin sa akin si Mama na blangko na ang ekspresyon ng mukha, may isinulat siya sa isang papel at inabot sa akin ito kaya kinuha ko iyon. Wala na ang ngiting mayroon siya kanina at napalitan na naman ng pagka-blangko. Gawa ng nakikitang galit pa rin kay mama ay malungkot akong ngumiti sa kanya at sinuri kaagad ang papel na ibinigay niya. May cellphone number ito at address na nakasulat doon kaya napakunot ang noo ko at muling binalik kay Mama ang tingin. "Para saan po ito, M-mama?" magalang ngunit nagtataka kong tanong kay Mama kaya agad kong nakita ang inis sa kanyang mukha dahil marahil sa tangag tanong ko. "Ikaw ang may kasalanan ng problemang ito kaya ikaw din ang umayos. Address ‘yan ni Sir Lawrence, dalhin mo ang lahat ng ito sa condo unit ni Sir Lawrence. Pinakiusapan kong pansamantalang palitan ang alak na nabasag mo kaya siguraduhin mong may mapili siya sa limang ito. Dahil kapag pumalpak ka pa rito ay babasagin ko na ito sa bungo mo. Naiintindihan mo ba?" galit na banta ni Mama kaya mabilis akong napatango. Kinuha ko na ang basket na naglalaman ng mga bote ng alak at agad nang kumilos. Nang maayos ko na ang aking itsura at mga dadalhin kagaya ng maliit na walet ay nagpaalam na ako kay Mama para umalis, wala man siyang naging sagot ay hindi ko na ito pinansin at lumabas na lamang ng shop namin. Alas kwatro na ng hapon ngayon, base sa address ng condo unit ni Sir Lawrence ay malapit lamang ito sa street namin pero dahil ayokong matagalan ay magta-tricycle na lang siguro ako. Sakto at may tip akong nakuha kaninang umaga sa isang customer kaya may singkwenta pesos ako ngayon, sapat na ito sa pamasahe papunta roon at pauwi. "Elly ko? Aalis ka? Saan ka naman pupunta sa oras na 'to?" agad akong napalingon nang marinig ang boses ng best friend kong si Liam na tumatakbo papunta sa kinaruruunan ko. Makita ko pa lamang siya ay sumisilay na kaagad ang mga ngiti ko. Sa magulo kong araw ko ay siya lang ata ang nakapagpagaan sa dibdib ko ngayon. "Okay ka lang?" tanong niya pa kaya mabilis akong napatango at bahagyang inangat ang dala-dala kog basket. "May delivery lang ako ngayon. Dadalhin ko ang mga 'to kay Sir Lawrence." sagot ko at inabot sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang address nito. Gulat ang agad rumehistro sa kanya at binigyan ako ng tingin. "Si Lawrence ito, ah. Isa siya sa mga bagong kaibigan ko na ipinakilala ko sa’yo last month. Remember?" banggit ni Liam kaya napakunot ang noo ko. Doon lang bumalik sa memorya ko ang sinabi niya. Oo nga pala! May mga bagong kaibigan siyang pinakilala noong birthday party niya, ang kwento niya ay nakilala niya ang mga kaibigan sa isang school event at sa isang night club nung mga nakaraang buwan. Pero hindi ko alam na isa pala si Sir Lawrence ro’on. Isa pa, nakalimutan ko na ang mga pangalan nila dahil noon ko lang naman sila nakilala at hindi na nadagdagan pa, kung kaibigan niya pala si Sir Lawrence ay pwede akong magpatulong sa kaniya. "Sakto! Pwede mo ba akong samahan sa condo unit niya para dalhin ang mga ito? Hindi ko kasi alam ang patungo sa condo unit niya mismo, ‘di ko alam kung saan magtatanong kung sakaling nasa building na ako." matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya nang mabanggit ko ang aking pakikisuyo. Ngunit agad din ito napalitan ng malungkot na ngiti nang makita ko itong mapakamot sa kaniyang ulo at alanganin na napailing sa aking sinabi. "Wrong timing, Elly ko! I'm really sorry, papunta kasi ako kila Mommy ngayon dahil sa pinapagawa nila sa akin. Pasensya ka na, pero kung gusto mo ituturo ko na--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at nakangiting kinuha sa kanya ang papel na inabot ko kanina. "Ano ka ba naman, Liam. Okay lang, pwede naman siguro akong magtanong sa mga sekyu ro’n. Nagbakasakali lang ako na free ka, kaya h’wag ka nang mag-alala. Si Elly ata ako, maparaan." malungkot man dahil hindi ko siya makakasama ngayon ay naiintindihan ko naman. Magtatampo ako sa kanya kung iba ang dahilan niya sa hindi pagsama sa akin, pero dahil si Tita Kendall naman ay okay lang. "Pasensya ka na talaga, Elly ko." muli niyang paumanhin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Okay nga lang e! Sige na, mauuna na ako. Magkita na lang tayo kapag may free time na ulit ako, ingat ka." paalam ko na agad niyang kinangiti. Lumapit siya sa akin at agad kinulong ang dalawa kong pisngi gamit ang mga kamay niya, inilapit niya ang ulo ko sa kanya at maingat itong hinalikan. Sa ginawa niyang iyon ay parang naibsan niya ang lahat ng mga nararamdaman kong kalungkutan sa araw na ito. Sa lahat talaga ng masasamang bagay na pumapalibot sa akin ay siya ang kaligtasan ko. Kaya kahit magulo ang naging buhay ko at magiging buhay ko pa ay nagpapasalamat ako na may best friend akong kagaya niya… hindi ko na talaga alam ang mangyayari sa akin kapag isang araw ay mawala na lamang siya sa buhay ko na huwag naman sana. "Ingat ka rin." Ngiti niyang sagot na kinangiti ko rin. Salamat, Liam…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD