ELLY
"Open this f*cking door, Elly!" naputol ang panaginip na nabuo sa utak ko nang magising sa malakas na kalampag sa may pinto ng aming bahay.
Antok man dahil sa bitin kong tulog ay napamulat agad ako at awtomatikong napatingin sa orasan sa sala kung saan ako nakatulog kahihintay kay Liam. Nang makita kong alas dose na ng gabi ay mabilis pa sa daga ang ginawa kong pagbangon at pagtakbo sa pinto para pagbuksan siya.
Si Liam nga ang kumakatok sa pintuan, bakit ba naman kasi nakatulog ako ng hindi pa siya dumadating?
"L-liam, p-pasensya ka na." nauutal kong paghingi ng paumanhin nang makita ko ang galit na ekspresyon sa kaniyang mukha. Madilim man dahil nakapatay ang ilaw sa labas ng bahay namin ay naaaninag ko pa rin ang namumula niyang mga pisngi.
Nakita ko ang bag niya na nakababa na sa may paahan nito kaya lalo akong nakaramdam ng takot na baka kanina pa siya kumakatok. Gawa ng takot ako sa magnanakaw ay hindi ko namalayan na nakalock pala sa loob ang pinto nami, kaya kahit gamitin niya ang susing mayroon siya ay hindi pa rin niya ito magagawang buksan.
"Wala ka na ngang ginagawang magpapagaan sa buhay ko, sinasaraduhan mo pa ako ng pintuan! I've been knocking for almost half an hour here, stupid." galit lamang ang nakikita ko sa mukha niya ngayon habang siya’y nagsasalita. Amoy na amoy ko sa kaniya ang pinaghalong amoy ng matapang na alak at ang mabango niyang pabango.
Base sa kaniyang itsura at pananalita ay alam kong lasing siya, ito siguro ang dahilan kaya ngayon lang siya nakauwi ng bahay. Nagpakalasing pala ito sa alak at dahil doon ay naguilty agad ako. Pakiramdam ko na ako ang dahilan ng pag-iinom niya ngayon ng sobra. Hindi ito ang unang beses na umuwi siyang lasing pero ito ang unang beses na umuwi siya ng lasing na walang kasamang babae.
Sa lahat na nangyari ngayong gabi ay ang bagay na 'yon lamang ang nagpagaan sa akin ng maluwag. Lasing lamang ito ngunit wala siyang kasamang babae pauwi, kaso nga lang ay muntik ko nang makalimutan na kaninang umaga pala ay may kasama na siyang babae— Ganoon pa rin pala kung tutuusin. Nang dahil sa akin ay ginagawa na ni Liam ang mga bagay na hindi naman niya gawain noon.
"N-nakatulog ako sa sofa. P-pasensya ka na talaga, L-liam." muli kong paumanhin ngunit hindi niya na ako sinagot pa at nagtungo na lamang sa kusina. Dahil sa pag-aalala sa kalagayan niya ay sinundan ko siya bago muling isara ang pinto ng aming tahanan.
Nakita kong pumunta siya sa refrigerator at kumuha ng maiinom na tubig. Dahil mukhang nagugutom din siya ay pumunta ako sa hapag para ayusin ang mga pagkain na iniluto ko para sa kaniya kanina. Nang matapos kong ayusin ang lamesa at natanggal ang takip ng mga pagkain ay bumalik ako sa kusina para tawagin na siya.
Subalit ang sumisilay pa lang na ngiti sa aking mga labi ay agad na ring nabura’t hindi natuloy nang maabutan ko siyang nakasandal sa sink ng lababo habang nakasara ang mga mata at nakahawak ang isang kamay sa kaniyang sintido.
Konsensya ang tangi kong nararamdaman ngayon, base sa nakikita kong itsura niya at maging ang ekspresyong ginagawa ng kaniyang mukha ay alam kung masama ang pakiramdam niya o ‘di naman kaya nahihilo siya dala ng kalasingan. Wala mang kasiguraduhan na ako ang may dahilan ng paglalasing niya ngayong araw ay wala na akong ibang maisip na dahilan kaya nakokonsensya na lamang ako.
Sobra kong sinisira ang buhay ng lalaking mahal ko, gusto ko man gawan ng paraan para hindi na siya masaktan ng dahil sa akin ay wala akong makitang solusyon dito.
Nakatatawa lang dahil mas mahal ko pa siya kaysa sa aking sarili. Nakatatawang gusto ko siyang ayusin ngunit hindi ko naman magawang ayusin ang sarili ko. Nakatatawa lang dahil mas importante sa akin ang ngiti niya kaysa sa mga ngiti ko. Kung mas naging mas matalino lang sana ako at hindi naging tanga sa buhay noon ay malamang hindi mangyayari ito.
Ayoko siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng perpekto niyang buhay, subalit dahil sa nangyaring pagkakamali ay nagawa ko na itong sirain noon pa man.
"Liam…" pigil ang emosyon ko nang mabanggit ko ang pangalan niya. Dahil sa pagtawag ko sa kanya ay agad siyang ngmulat ng matang nakapikit.
Nang mapunta sa akin ang tingin niya ay agad naging blangko ang ekspresyon ng kaniyang mga mata, lalo akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib dahil doon. Kahit masama na ang pakiramdam niya ay wala pa rin siyang balak magsabi sa akin, alam ko namang galit siya pero handa naman akong tulungan siya kung may kailangan siya.
Hindi pa rin talaga siya nagbabago— kung ano siya noon ay ganoon pa rin siya ngayon. Dahil kilala ko siya ay alam ko na kapag ayaw niya sa isang bagay, tao, at kung ano-ano pa man ay ayaw niya talaga roon. Ang masakit lang ngayon ay isa na ako sa mga taong ayaw niya.
"M-may hinanda akong pagkain sa lamesa, baka kasi g-gutom ka, kumain ka muna—" hindi ko na nagawang matapos ang sinasabi sa kaniya nang agad siyang nagsalita gamit ang malamig na tono ng kaniyang boses.
"I don't want it."
Hindi ko mabasa ang ekspresyong nakikita ko sa kaniya ngayon. Hindi ko matukoy kung galit ba siya? Naiinis? O sadyang wala lang talaga siyang pakialam sa akin ngayon. Hindi kasi blangko ang ekspresyon ng mga mata niya, parang may sinasabi ito ngunit hindi ko magawang mabasa. Kumpara noon ay tila ba wala nang kabuhay-buhay ang mga mata niya tuwing lalapag sa akin ang mga ito.
Sa malamig niyang pagtrato sa akin ngayon ay mas lalo ko lamang nararamdaman na wala na akong silbi sa buhay niya— mas lalong naninikip ang dibdib ko dala ng kakaibang kalungkutan na sa kaniya ko lamang nararamdaman.
"Sayang naman kung h-hindi mo man lang titikman—"
"I said, I don't want it, Elly." mariin niyang sagot kaya wala na akong nagawa. Mabilis nasaid ang natitirang porsyento ng lakas sa aking dibdib.
Gawa ng ramdam na ramdam ko ang inis sa boses niya ay kahit mahirap, tumango na lang ako. Pinipigilan ko ang mga luha kong nagbabadya na namang lumabas sa aking mga mata, pagdating talaga sa kaniya ay sobrang babaw lang ng aking mga luha.
"Kapag sinabi kong ayoko, sundin mo na lang. I don’t want you to force me again to something I don’t f*cking like. Nauunawaan mo ba ‘yon?" kumpara sa tono ng kaniyang boses kanina lang ay mas kalmado na siya nang sabihin iyon sa akin. Gayunpaman ay parehas na epekto lamang ang nagawa sa akin niyon.
Masakit pa rin tanggapin ang harapan niyang pagtataboy sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit ng mga salita kapag sa kaniya na nanggaling. Maging ang simple niyang sinasabi tungkol sa akin ay nagagawa pa rin akong masaktan ng mga iyon.
"Nag-aalala lang naman ako na baka nagugutom ka, wala naman akong balak na iba. Tapos na rin kasi ako kumain kanina kaya naisip ko na baka gusto mong kumain." iyon ang pinakamahaba kong nasabi sa kaniya na hindi ako nauutal. Ayaw ko man sumagot sa mga sinabi niya at mag dahilan sa kaniya ay nagkusa na lang ang bibig ko na magsalita ngayon.
Ayaw ko man tignan ang reaksiyon niya sa aking sinabi ay hindi ko mapigilan. Kita ko kung paano nag-igting ang kaniyang panga at mariin na napapikit upang pigilan ang wari ko ay inis niyang naramdaman sa sinabi ko. Halata sa kaniyang kilos na hindi niya nagustuhan ang mga iyon, dahil doon ay napayuko na lamang ako dala ng kahihiyan na nagawa.
"Who told you to worry about me?" mahina lang ang tanong niyang iyon ngunit parang naka mikropono sa loob ko ang naging epekto niyon.
Muli ay bumalik sa kaniya ang namamasa ko nang mga mata, habang pilit pinoproseso ang tanong niyang iyon. Ilang minuto ring nilamon ng katahimikan ang paligid naming dalawa. Habang tinitignan ko siya ay para bang nabasa ko na ang sinasabi ng kaniyang mga mata, tila ba nilamon siya ng kalungkutan kaya mas lalo lamang akong nasaktan para sa kaniya. Doon ko na hindi napigil ang mga luha ko na kumawala sa aking mga mata.
"Stop acting like you care, Elly. Sa lahat ng tao sa buhay mo, alam nating dalawa na ako ang pinaka may-alam na wala ka naman talagang pakialam sa nararamdamam ko…" ramdam ko ang lungkot sa boses niya kahit galit siya nang sabihin iyon. Sa nakikita kong lungkot kay Liam ay wala akong nagawa kundi manahimik sa harap niya at lumuha.
Gusto ko siyang lapitan— Gusto ko siyang yakapin at huwag nang bitawan pero hindi man lang magawa ng paa ko ang humakbang palapit sa kanya.
"I don't get it… I don't f*cking get it, Elly! I should be the one crying because you are the one who hurt me, pero bakit parang ikaw pa ang biktima sa ating dalawa? Stop do—" hindi ko na nagawang patapusin siya sa sinasabi nang natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaluhod na sa kaniyang harapan habang patuloy na umaagos sa akin ang mga luha.
Kita ko kung papaano siya nagulat sa ginawa ko, pero mabilis din ito pinalitan ng kalungkutan sa mga mata niya.
"P-please, Liam… H-hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang totoong nangyari noong gabing iyon dahil hindi mo kayang makinig sa lahat ng nais kong sabihin sa iyo. P-parang awa mo na, p-pakinggan mo ako kahit isang beses lang…" Sa unang pagkakataon ay nasabi ko rin ito sa kaniya– mga bagay na matagal ko nang ninanais malaman niya.
"What now, Elly? Uulitin mo na naman ba ang mga kasinungalingan mo noong araw na iyon?" mapait niyang salita na mas lalong dumagan sa dibdib ko. "How should I listen to you when I already saw enough evidence that you wanted that to happen? Are you telling me again that I'm stupid enough to believe all your lies?"
"L-liam…" hindi ko magawang maituloy ang sasabihin dahil unti-unting nawala sa akin ang pag-asa na pakikinggan pa niya ako. Sa antas ng kaniyang galit ngayon at kalasingan ay wala siyang balak makinig, muli ay nanumbalik sa akin ang masasakit na paratang na nakuha ko mula sa kanya dalawang taon na ang nakalilipas. Muling bumalik sa buo kong sistema ang araw kung saan nasira ang lahat sa buhay namin— sa buhay ko.
Sobrang sakit na hanggang ngayon ay parehong-pareho pa rin ang tingin niya sa akin. Pinatunayan ko naman sa kaniya na inosente ako— na hindi ako nagsisinungaling sa mga sinasabi ko. Lahat ng paliwanag na aking ginagawa ay pawang katotohanan lamang, ngunit mukhang kulang pa rin ang lahat ng iyon sa kaniya sa loob ng ilang taon. Isang mababang babae pa rin ang turing niya sa akin magpahanggang ngayon.
"P-patawarin mo na ako, Liam. A-alam ko ang pinupunto mo, p-pero lahat ng nakita mo ay isang pagkakamali lang… Nagsasabi ako ng totoo. W-wala akong ginusto sa lahat ng ‘yon kaya p-parang awa mo na, h-huwag mo naman iparamdam sa akin na madumi akong babae gaya ng iba." katulad ng mga kamay ko ay maging ang boses ko ay nanginginig na rin ngayon. Hindi ko magawang maiangat ang tingin ko sa kaniya dahil natatakot ako— natatakot na muli na naman niya akong tignan na para bang ako na ang pinakamababang babae na nakilala niya.
Sobrang sakit. Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman sa buong buhay ko ay hindi ko na alam kung bakit patindi nang patindi ang kirot na nararamdaman ng aking puso sa bawat araw. Hindi ako sigurado kung lumalala ba ang sakit o pahina lang ako nang pahina sa buhay na ito.
Ayoko na…
"I’m not the one who made you feel dirty about yourself, Elly… You are the one who makes yourself feel like one." mahina lamang ang boses nang sabihin niya iyon, gayunpaman ay damang-dama pa rin ng aking pagkatao ang lamat na naidulot nito. "All I see in you right now is a great liar. You know what? All I did was to protect you, but I am such an as*hole to not realize you don't need any protection at all."
Ang sakit… Pero hindi ko alam kung papaano pahintuin ang lahat ng sakit.
Wala akong naging sagot sa sinabi niyang iyon, ngunit naramdaman ko na lamang ang kamay niyang humawak sa akin para patayuin na sa pagkakaluhod ko. Nanginginig pa man ako sa panghihina ng aking katawan ay wala na akong nagawa pa kundi tumayo na lamang sa harapan niya.
"Ikaw ang may dahilan kung bakit ako naging ganito, Elly… You made me stupid for letting me fall in love with you even though you never cared. Minahal kita ng sobra at alam ko na alam mo ang bagay na 'yon, pero anong ginawa mo?" parang tinitibag ang dibdib sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.
"Sinira mo ako… Sinira mo ang tiwala na sa ’yo ko lang binigay buong buhay ko. Hindi ko na alam kung papaano ko pa makalilimutan ang lahat ng ito."
Mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko, pero tila ba wala itong dalang sakit kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Paikot-ikot lamang ang mga salita niya sa aking isipan sa mga sandaling ito. Maging ang sarili ko ay para bang hindi na rin mapapatawad pa ang pagkakamali na nagawa ko sa nakaraan. Ramdam na ramdam ko ang naidulot kay Liam ng nakaraan naming iyon, ngunit paano naman ako? Hindi lang naman siya ang nasaktan at nasira dahil sa bagay na iyon sa buhay naming dalawa.
"You're a liar, Elly. You said that I am the only one who makes your life happy. You said that I am the only person you have in your entire life— that I am the only one who gives you hope… That’s why I don't understand why you played me really well enough to make me feel like this. You played with my genuine feelings for you. You hurt me more than you think and for that I will never ever love you again, Elly."
Bumagal ang lahat sa paligid nang diretsa niya iyong sabihin sa akin. Kung kanina ay tinitibag lamang ang dibdib ko, ngayon ay para bang durog na durog na ito. Ang masasakit niyang mga salita ay nakadikit lamang sa bawat sulok ng aking isipan kasabay ng pagbitaw niya sa kamay kong hawak niya lamang kanina.
Dala ng sobrang paninikip ng dibdib gawa ng naramdaman ko ay wala nang pumasok na anumang salita na maaari kong maisagot sa kaniya sa mga oras na ito. Tila ba natalo ako ng lahat ng mga salitang ibinato niya sa akin. Hindi ko na maipaliwanag pa ng maayos ang kakaibang sakit na naidulot nito sa aking sistema. Hindi ko na kailangan magsalita pa dahil alam kong sapat na ang lahat ng mga luha ko para ipakita ang sakit na lumamon na sa akin ngayon.
"I will never consider you as my wife— even as my best friend, Elly. The best friend that I had before was a good person, loving, loyal to how she felt, and most of all she loved me with all her heart. But sadly, my best friend I used to know is no longer here… She's dead. You are no longer her, and you will never be like her."
Isang malamig na hangin ang dumaan sa akin nang marinig ko pa ang idinagdag niya. Iyon na ang huli kong narinig mula sa kaniya bago niya ako lagpasan at muling iniwang mag-isa. Kumpara kanina ay mas wala na akong nagawa pa sa nangyayari, patuloy na umaagos ang mga luha sa akin subalit para bang wala na akong karapatan pang umiyak.
Ramdam ang kakaibang pagtibok ng dibdib ko ay ininda ko ang mas mabigat na sakit na nadarama ng aking buong pagkatao. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin— Wala na akong nakikitang lagusan palabas sa masakit na pangyayaring ito sa amin ng asawa ko. Hindi ko alam kung paano talunin ang sakit na naidudulot sa akin ng mga masasakit niyang sinabi ngayon lang.
Ako pa rin naman ito…
Gusto kong isigaw sa lahat na ako pa rin naman si Elly. Gusto ko siyang habulin at muling pigilan gamit ang mga yakap ko. Gusto kong iparamdam kay Liam na ako pa rin naman ang best friend niya— na ako pa rin ang Elly na minahal niya. Nagkamali lamang ako dahil mas nagpadaig ako sa takot at kahinaan kaya hindi ko na ipaglaban ang sarili ko sa kasinungalingan na pinaniniwalaan niya…
Gusto kong magmakaawa pa sa kaniya. Gusto kong habulin siya para ipilit na inosente ako— na walang nagbago at siya pa rin ang lalaking mahal na mahal ko ng buong puso. Ang dami kong gustong gawin para sa relasyon naming ito ni Liam dahil mahal na mahal ko siya…
Muli ay wala na naman akong nagawa para pilitin siyang paniwalaan ako. Muli ay natagpuan ko na naman ang sarili kong nakatayo sa kawalan habang tinatanaw ang direksiyon na kaniyang tinahak palayo sa akin… Palagi na lamang ganito.
Palagi na lamang akong nag-iisa habang nakahawak ang kamay sa dibdib upang pigilan ang sakit na nararamdaman nito. Parehong mga luha na hinahayaan ko na lamang maglandas sa aking pisngi dahil ito lang naman ang kaya kong gawin kapag nasasaktan ako— ang umiyak.
Sobrang sakit kasi wala akong magawa kahit gusto kong may gawin. Hindi ko kayang ilaban ang sarili ko sa kahit kanino dahil sobrang hina kong tao. Ayoko na, pero ayaw pa rin sumuko ng puso ko…
Gusto ko lang naman magmahal, pero bakit ganito kasakit? Bakit palagi na lamang akong nasasaktan at nagtitiis sa bagay na sobrang hirap indahin? May nagawa ba akong mali para maranasan ko ang lahat ng ito?
Ni isang masaya na alaala sa buhay ko ay wala na akong matagpuan pang natitira sa akin dahil puro masasamang alaala na lamang ang nakatatak sa isipan ko. Hindi ko na nga magawang maisip kung sumaya ba talaga ako sa buhay kong ito, e. Tila ba tinanggalan nila ako ng karapatang mabuhay ng masaya sa mundong ito. Ang daming tanong na paulit-ulit lamang sa isipan ko pero hindi pa rin masagot-sagot… Bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito?
Ayoko na maalala ang bangungot na iyon sa buhay ko ngunit patuloy lamang itong bumabalik tuwing nasasaktan ako sa kasalukuyan kong buhay. Ayoko nang umiyak… Ayoko nang masaktan. Kung kaya ko lang walain ang lahat ng sakit sa dibdib ko ay matagal ko nang ginawa— Ayoko na, please…
Buong buhay ko ay bangungot na para sa akin. Mula nang pabayaan ako sa basurahan ng tunay kong mga magulang, noong ampunin ako nila Mama, at hanggang ngayon na hindi ko na matakasan pa ang multo ng nakaraan ko noong pagsamantalahan ako ng mga lalakeng pinagkatiwalaan ng kaibigan ko… Maging ang buhay namin ngayon ni Liam ay bangungot na rin na nais ko nang tapusin.
Dahil sa lahat ng kapalpakan sa buhay ko ay gusto ko na lamang mawala, pero maging iyon ay hindi ko kayang gawin. Ayokong makagawa ng bagay na ikalalayo ko sa Diyos na natitira kong pag-asa sa buhay. Kahit masakit, kahit mahirap, gusto kong tiisin dahil naniniwala ako sa kabutihan Niya.
Gusto ko nang lumaya sa lahat ng ito. Gusto ko nang magising sa bangungot na ito. Gustong-gusto ko nang sumaya… Kahit saglit lang sa buhay ko ay gusto ko nang sumaya. Mahirap ba talaga maging masaya?
"Nakakapagod…" mahina kong bulong sa aking sarili nang magawa ko nang makagalaw sa kung ano man ang nangyari sa aking katawan.
Nang matauhan na muli ay nagtungo na lamang ako sa lamesa upang ligpitin ang mga pagkain na inakala kong magpapasaya kay Liam kahit papaano. Pinaghirapan ko gawin ang lahat ng ito para sa asawa ko, pero katulad ko ay maging ang mga pagkain na ito ay hindi niya kayang tanggapin.
‘Di bale, pwede pa naman ang lahat ng ito bukas… Laban lang, Elly!
Ayokong dumating ang panahon na susuko na lamang ako ng walang ginagawa. Kaya kahit katangahan at mahirap ang gagawin ko ay pipilitin ko pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya…
Mahal ko si Liam.