Kabanata 4

2967 Words
ELLY Lumipas ang mahigit tatlong oras bago ako mag-desisyon na pumasok na sa loob ng bahay namin, kalahating oras na ata ang lumipas mula nang marinig ko ang pag-alis nila gamit ang sasakyan ni Liam. Pero dahil alam ko at ramdam ko na hindi pa rin maayos ang aking pakiramdam sa mga nangyari ay nanatili akong nasa labas ng bahay namin para makapag-pahinga at makahinga ng matiwasay pansamantala. Sa tagal ko nga rito ay nakatulog na si Lily kaya napag-desisyunan ko nang pumasok, sakto at naramdaman ko na rin ang pagkalam ng aking sikmura gawa ng gutom. Tahimik ang buong bahay nang makapasok na ako ng tuluyan sa loob, habang ang lababo naman ay malinis na rin. Hindi ko inaasahan na magliligpit sila ng mga pinagkainan nila, kahit papaano ay nabawasan ang iintindihin ko sa araw na ito. Gayunpaman ay nanatili ang paninikip ng dibdib ko sa lungkot na nadarama hanggang ngayon. Tila ba pinipiga ang puso ko habang pilit pumapasok sa isipan ko ang ideya ng bagay na kanilang ginagawa na sa mga oras na ito. Iniisip ko pa lang na baka pinagtatawanan na nila ako ay nalulusaw na kaagad ang buo kong pagkatao. Naiisip ko palang na baka masaya na silang nagkukwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay ngayon ay nawawasak na ang puso ko— Ang ideya na masaya sa ibang babae ang asawa ko ay labis na pumapatay sa pag-asang natitira sa puso ko. Kahit anong pilit kong huwag makaramdam ng pagseselos ay hindi ko magawa dahil nasasaktan ako ng sobra. Gayunpaman, kahit gaano kasakit ay hindi ko magawang mailabas ang tunay kong nararamdaman dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan para gawin iyon. Hindi ko alam kung papaano ko pagagaanin ang sarili kong damdamin sa sandaling ito. Si Liam lamang ang taong nagtatanggal ng kalungkutan ko noon, kaya sino na lamang ang magtatanggal ng kalungkutan ko ngayon kung siya na ang taong nagsasanhi nito sa buhay ko? Noon ay hindi niya ako tinuruan na hilumin ang sarili kong sugat dahil siya ang gumagawa niyon para sa akin. Hindi niya ako kailanman iniwan mag-isa, ni hindi niya hinahayaan na malungkot ako. Masyado niya akong sinanay sa pagmamahal na mayroon siya para sa akin, ngayon na hindi niya na ako mahal ay nahihirapan na akong mamuhay ng wala siya sa tabi ko. Ang laking parte ang nawala sa akin noong mawala na sa akin ang pag-ibig niya. Ang sakit… Paulit-ulit lamang ang sakit sa dibdib. Kailan pa ba ito hihinto? Kailan pa ba ako dapat masaktan ng paulit-ulit? Hindi ko na alam kung papaano lalabas sa buhay kong ‘to. Sa ginagawa kong pagtitiis sa lahat sa buhay ko ay mas pinapatunayan ko lang na ang tanga-tanga ko. Pero anong gagawin ko? Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. “A-ayaw ko na po, Panginoon ko…” natagpuan ko na lamang ang sarili kong taimtim na nagdarasal sa kusinang kinaroroonan ko ngayon. Pagod na po ako, Panginoon. Bakit po parang ang dami naman pong pagsubok ang kailangan kong pagdaanan sa buong buhay kong ‘to? Tulungan niyo po akong makayanan ang lahat ng sakit at pagtitiis ko bago po mahuli ang lahat sa buhay ko— sa buhay namin ng asawa ko. Panginoon ko, tulungan niyo po akong malampasan ang lahat ng sakit na aking nararamdaman sa bawat araw sa aking buhay. Hindi ko po makakaya ang lahat ng ito kung wala ang tulong niyo…. Huwag niyo po akong iwanan mag-isa. Ayoko na pong mag-isa, Panginoon ko… Hindi ko na po kayang mag-isa. Bigyan niyo po ako ng sapat na lakas ng loob para malampasan ang lahat ng pagsubok na ito sa aking buhay— mga kalungkutan na patuloy kong iniinda bawat segundo ng aking buhay. Nagawa ko na naman pong patunayan sa lahat ang kahalagahan ko bilang anak, kaibigan, babae… at asawa kay Liam. Pero bakit po ganoon pa rin? Wala pa rin po akong natanggap na pagmamahal mula sa kanila? Maging ang pagmamahal noon sa akin ni Liam ay nawala rin po. Mula pagkabata ay ginagawa ko naman po ang lahat para lang mapatunayan na hindi lang ako basta-bastang bata na napulot nila Mama sa basurahan noon— na may halaga rin ako at maidudulot na mabuti sa kanilang mga buhay. Pero kahit anong ipilit ko ay nanatili akong hindi mahalaga sa kanila, nagawa pa rin nilang abusuhin at ilagay sa ganitong klaseng buhay hanggang ngayon. Gayunpaman ay hindi ko sila kayang bitawan na lamang basta. Kahit ang sakit-sakit ng mga naidulot nila sa buhay ko ay nanatili silang mahalaga sa akin… Bakit hindi nila masuklian ang pagmamahal ko sa kanila? Ganoon na ba talaga ako kahirap mahalin? Kung hindi lang po sila mahalaga sa buhay ko ay noon pa lamang po ay umalis na ako sa puder nila at binuhay na lang mag-isa ang sarili ko. Kung nangyari po iyon ay hindi na sana ako nailagay ni Mama sa sitwasyong bumuo sa labis kong iniindang bangungot hanggang ngayon… Kung tumapang lang ako noon ay sana po hindi na ako naipagkalulu ni Mama noong gabing ‘yon. Wala po sana akong lihim na hindi ko mabanggit kay Liam ngayon… Wala po sanang naging lamat ang relasyon naming dalawa ng kaibigan ko kung naging mas matapang ako sa buhay kong ito. Panginoon ko, nakikiusap po ako sa inyo… Tulungan niyo po akong maayos ang lahat ng ito sa aking buhay. Gusto ko lang naman pong magmahal ng walang kinatatakutang sakit na kakambal niyon. Ayaw ko na pong masaktan ng paulit-ulit sa pareho lamang na dahilan… Malungkot kong pinunasan ang mga luhang muling nanumbalik sa aking mata’t pisngi nang matapos kong makausap ang Diyos tungkol sa mga bagay na dumadagan sa aking dibdib. Ang Panginoon na lang kasi talaga ang alam kong magpapagaan ng labis sa buhat-buhat kong bigat sa buhay kong ito. Sa lahat ng tao sa mundo ay walang ni isang nakinig sa akin, kaya alam ko na kapag ang Diyos na ang kauusapin ko ay maririnig na ako. Ang Diyos lang din ang nilapitan ko noon. Nang mangyari ang bangungot na gabing iyon sa buhay ko ay tila ba nawalan ng kulay ang buhay kong umpisa pa lang ay palyado na. Nang mangyari ang bangungot na iyon sa akin ay nawala ang lahat sa buhay ko— sa kasamaang palad ay kasama na ang kaibigan kong si Liam sa nawala sa akin. Akala ko ay katapusan ko na ang gabing ‘yon. Matinding takot, trauma, at maging pandidiri sa buo kong pagkatao ay pumupuno sa aking sistema. Pakiramdam ko noong gabing iyon ay tinanggalan na nila ako ng karapatan para mamuhay sa mundo ng matiwasay at masaya… Gawa ng bangungot na iyon ay nawalan na ako ng pag-asa na babalik pa ang dating pananaw ko para sa aking sarili. Hanggang ngayon ay si Liam na lang ang nakikita kong pag-asa para sa buhay kong lubog na lubog na sa kasamaan ng mundo. Si Liam na lamang ang natitirang pag-asa ko para sumaya pa ako sa aking buhay dito sa mundo, ngunit sa lahat na nangyayari sa aming dalawa sa dalawang taon ay unti-unti na rin iyong nawawala sa akin. Gusto ko pang maisalba ang pag-asa ko… Kailangan ko lang masabi kay Liam ang totoo sa mga nangyari sa amin noon. Subalit wala akong ibang alam na testigo para mapatunayan na inosente ako sa lahat ng mga nangyari… Ang pamilya ko lang at ang mga lalaking iyon na sumira sa buhay ko ay ang natatangging testigo na maaari kong magamit para maniwala sa akin ang asawa ko. Pero paano ko sila mahihingan ng tulong kung sila mismo ang may kasalanan ng lahat ng ito sa aking buhay? Paano ko mapapaniwala si Liam na totoong hindi ko ginusto ang nangyari sa amin ng mga kaibigan niya— na totoong pinagsamantalahan nila ako noong gabing iyon? Ang gulo… Wala akong ibang nakikitang solusyon sa problemang kinahaharap ko ngayon. Pakiramdam ko ay masyado nang huli ang lahat para sa akin na maayos ang lahat sa buhay ko kasama si Liam. Isa na lamang ang nakikita kong paraan para matigil na ang paghihirap kong ito sa buhay, kahit masakit ito ng sobra ay wala akong ibang magagawa— Kailangan ko na lamang sigurong hintayin na magsawa sa akin Liam at tuluyan na akong pakawalan sa relasyon naming ito. Kailangan ko na lang siguro tanggapin na kailanman ay hindi ko na mapapatunayan sa kanya na inosente ako— na wala akong ginusto sa mga nangyari. Wala na akong pag-asa na nakikita para sa relasyon namin ng asawa ko. Kailangan ko na lamang tanggapin na isa akong talunan, na isa akong mahinang babae… at higit sa lahat ay isa akong kahihiyan. Mas madaling gawin iyon kaysa ipagpilitan pa ang sarili ko sa buhay niya. Hindi naman kasi lahat ng tao ay mabibiyayaan ng swerte, siguro nga ay isa ako sa mga taong minalas sa buhay. Maging nga ang tunay kong mga magulang ay nagawa akong itapon na lamang sa basurahan, doon pa lang ay alam ko nang mahihirapan akong makahanap ng tao na tunay akong mamahalin. Akala ko talaga ay si Liam na ang magmamahal sa akin ng lubos… Hindi ba talaga pwedeng si Liam na lang ulit? *** Pabalik-balik ang ginawa kong pagtingin sa telebisyon at sa wall clock namin dito sa sala. Alas dies na nang gabi at hanggang ngayon ay wala pa rin ang asawa ko. Nakaligpit na rin ang lahat ng pagkain na hinanda ko sa mesa kanina, maging ang banana cake na naisipan kong gawin kaninang hapon ay nasa loob na rin ng refrigerator. Para man akong tanga na pinagsisilbihan pa rin siya ay hindi ko mapigil ang sarili kong gawin iyon para kay Liam. Kahit ano pa kasi ang ipilit ko sa aking sarili na itigil na ang pagbubuhos pagmamahal ko kay Liam ay nangyayari pa rin ito— Siya pa rin ang isinisigaw ng puso’t isipan ko. Natatagpuan ko pa rin talaga ang puso ko na pangalan niya ang tinitibok bawat minuto. Tila ba nagpapakabulag na ako masyado sa pagmamahal kong ito para kay Liam— kahit na sobrang sakit at hindi humihinto ang sakit ay pinipili pa rin ng sarili kong ibigin siya. Ano ba kasi ang dapat kong gawin para agarang mawala na itong pagmamahal ko sa kaniya rito sa puso ko? Siya ang kaligayahan at kalungkutan ko. Si Liam lamang ang taong nagpapasaya sa puso kong ito. Nasasaktan man niya ako sa pagbabalewala niya sa akin ay siya lang din ang alam kong dahilan na pilit bumubuhay sa akin bawat araw. Kaya kahit sobra ang sakit na para bang wala akong halaga sa buhay niya ay matatagpuan ko pa rin ang sarili kong pinagsisilbihan siya ng buong puso at kagustuhan ko. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit ko pa siya pinaghandaan ng hapunan kahit wala namang kasiguraduhan na ako ang uuwian niya sa gabing ito. Inubos ko na lang ang oras ko sa paghahanda ng pagkain kanina para hindi na masaktan at kalimutan na lang ang eksenang nangyari kaninang umaga. Gayunpaman ay hindi iyon umepekto dahil nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon na wala pa rin siya rito sa bahay— na wala pa rin siya rito sa tabi ko. Ilang beses na naman nangyari ang mga bagay na ito sa akin, kailangan ko lang talagang masanay ng lubos sa ganitong pakiramdam. Wala, e. Mahal ko talaga siya… kaya hanggang kaya ko pa ay gagawin ko ang lahat para patuloy na maparamdam kay Liam na siya pa rin ang mahal ko hanggang ngayon. *** LIAM Maingay at magulong paligid ang tanging nasaksiyahan ng mga mata ko habang lumilibot ang paningin sa kabuuan ng nightclub na kinaroroonan ko sa gabing ito. Maraming tao ang narito na pwede kong pag-ubusan ng oras ngunit nanatiling kay Elly nakatuon ang utak ko. Mula kaninang umaga ay hindi na mawala sa kaniya ang utak ko— Sabagay, kailangan ba siya nawala sa isip ko? Mula pa noong mga bata kami ay siya lang ang iniisip ko— Siya lamang ang babaeng laman ng puso't isip ko. Pero nagbago ang lahat two years ago… Matapos ko malaman kung ano ang nangyari sa kanya noong araw na iyon ay dalawa lang ang bagay na pumasok sa utak ko— Hindi na siya ang Elly na minahal ko at may kasalanan ako kung bakit nangyari 'yon sa kaniya. Kung hindi ko siya pinakilala sa mga kaibigan ko noon ay malamang hindi niya maiisip gawin ang bagay na ‘yon. Hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa akin ang malaswang video na natanggap at napanood ko noong araw na iyon. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako tuwing bumabalik sa akin ang alaalang ‘yon, mula noon ay hindi na kailanman nabalik ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Elly noon. May pagmamahal pa rin naman, ngunit hindi ko na kayang ilabas at iparamdam iyon sa kaniya ngayon. It hurts so much to see Elly, whom I have cared for and loved all my life, just let other people take advantage of her. I just couldn't believe that the girl I loved was the same girl in that s*x tape. Sa isang iglap ay sinira niya ang respeto at pagmamahal na kay tagal kong binuo para sa kaniya… At ngayon na asawa ko na ang babaeng minahal ko ng sobra noon ay hindi ko na magawang maging masaya sa buhay na mayroon ako kasama siya. Even if I don't want to be with her every day, I can’t do anything about it— it seems impossible for me to just leave her. When the relationship that we had before was broken, I tried to stay away just to forget what happened between us. But when my parents reconciled us in a marriage, I did nothing— the hatred that my heart felt towards her only deepened. Araw-araw niya akong sinasaktan sa paraan na mas masakit pa sa pisikal na sugat— araw-araw lang namin sinasaktan ang isa't isa. Gusto ko man siyang bitawan na lang ay ayoko naman siyang talikuran, gusto ko na siya ang unang bumitaw sa kung ano mang mayroon sa aming dalawa ngayon. Iyon ang dahilan kaya lahat na lamang ng maisip kong ikasisira ng relasyon namin ay ginagawa ko na kahit labag ito sa kagustuhan ko bilang lalake. Ayoko na sa kaniya, ayoko nang makasama ang babaeng katulad niya. Nandidiri, nagagalit, at higit sa lahat ay nasasaktan ako tuwing nakikita ko siya. Gusto ko nang matapos ang lahat sa aming dalawa, ngunit makita ko lamang siyang mawala sa akin ng ilang oras ay tila ba mas lalong tinitibag ng husto ang dibdib ko— hindi ko na maintindihan ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya ngayon. "That’s enough, pare! Sabi ni Mike kanina ka pa raw dito, totoo ba? Lasing ka na naman.” sumilay ang isang ngisi sa akin nang marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Rick. “Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" Since I had no intention of talking to anyone today, I did not answer his question. Rick Montel has been my friend for a long time but he studied abroad so I met my new friends in college back then— the friends I thought they were and the reason why Elly and I’s relationship became miserable. Tangina! Tinuring kong prinsesa si Elly noon. Wala akong ibang babaeng natipuhan dahil ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal, atensyon, at kung ano-ano pa mang makakaya ko para mapasaya ko lang siya— para maiparamdam ko lang sa kaniya na hindi siya nag-iisa sa buhay. Pinagtanggol ko siya sa sarili niyang pamilya noon, tapos malalaman ko lang na ginamit niya lang ako. Ginawa niya akong tanga habang minamahal ko siya ng lubos. At ngayon na ako naman ang nagloloko sa aming dalawa ay nagpapaawa siya at umaakto na siya ang biktima sa aming dalawa. Ako na ang lumalayo pero kung ano-ano ang pinaggagawa niya sa buhay para lang muli niya akong mapaikot at mabiktima. Hindi ako makapaniwalang nagawa sa akin ni Elly ang lahat ng ito. Hindi ko kayang isipin na asawa ko siya, hindi ko kayang isipin na minahal ko ang babaeng kagaya niya. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat mula sa simula ay mas pipiliin kong hindi na lang siya nakilala upang wala ang lahat ng sakit na ito sa loob ko. She ruined me. She ruined everything in my life… and now, she is my wife. "Okay ka lang, Liam?" I heard my friend's voice again so I turned to him. I just nodded to his question as an answer. Again I sipped the last of the wine in my glass before standing up from my seat. Nakita kong alas onse na ng gabi kaya oras na para muling bumalik sa bahay kung saan makikita ko na naman ang babaeng dalawang taon ko na pilit iniiwasan. "Hatid na kita, Pare. Anong oras na rin at mukhang may tama ka na ng alak ngayon—" "I can handle myself, Rick.” Putol ko sa sinasabi niya at inilabas ang wallet para mag-iwan ng bayad para sa mga ininom ko. “Here's my p*****t for everything. See you tomorrow." "You sure?" tanong niya pa ngunit hindi na ako sumagot at tinalikuran na lang ito. Wala na akong inaksaya pang oras at tinahak na ang daan palabas sa nightclub na pagmamay-ari niya. Nang makalanghap ng sariwang hangin sa labas ay naramdaman ko na naman ang matinding pagkirot ng aking dibdib tuwing napapag-isa ako. Kahit anong gawin kong pag-iinom para makalimutan ang lahat ay patuloy pa rin ang pagpasok ni Elly sa utak ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin para mawala na ang sakit na araw-araw niya na idinudulot sa akin. I hate my f*cking life. I hate her— I hate her for hurting me every f*cking day of my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD