Oceane Ilang sandali pa dumating na ang mga kaklase ko at nagising din ang babae dahil sa ingay ng mga estudyante. Kitang kita ko sa kilos niya na wala siyang maalala sa nangyari. Bahagya akong napangiti. "Hi!" Kilala ko ang boses, hindi ako lumingon. Naalala nyo ba na magkatabi kami ni Zaiden Alfiro sa lahat ng klase namin. "May nangyari ba dito?" tanong ni Prof. Magulo kasi ang loob ng room. Wala naman sumagot sa lahat ng estudyanteng naroon. Napansin ni Zaiden Alfiro na wala akong kinakausap o pinapansin buong maghapon. Kahit palagi siyang nakabuntot sa akin hindi ko siya pinapansin. Marahil ay hindi na niya natagalan ang aking pananahimik. Kaya siya na rin ang nagtanong sa akin. "May problema ba?" tanong niya "Ha? Wala naman..." simpleng sagot ko "Masyado ka kasing tahimik, as