Oceane Pagkatapos kumain ng tinapay na binigay ni Zaiden, inihatid niya ulit ako sa aking silid pagkatapos ay nagpaalam na siya. Ako naman ay huminga ng malalim habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Ibang klase talaga ang naramdaman ko kanina, sobrang lakas na kapangyarihan ang bumalot sa buo kong katawan. Nahimatay ako dahil nabigla ang katawan ko sa intensity nun. Naupo ako sa study table habang hawak ko ang isang pahina ng libro na pinunit ko. "Hey! Saan ka nagpunta kanina?" Nagulat pa ako ng magsalita si Castor mula sa likod ko. Hindi namalayan ang pagpasok niya sa silid ko. Nakita ko sa mukha niya ang sobrang pag aalala, kagaya ng nakita ko sa mukha ni Zaiden kanina. "Nasa library lang ako.." sabi ko Palihim kong itinago sa bulsa ko ang pahina ng libro. Nakatitig sa aki