Chapter 2

1886 Words
"We're late!" Hindi magkadaugaga si Dad habang pababa kami sa sasakyan. "Isa ako sa dapat mauna roon dahil ako ang Vice Governor. Ayokong agawan ng spotlight si Gov kapag nag-grand entrance tayo!" "Dad, konting hinahon. Maiintindihan naman niya dahil may maliliit pa tayong kasama." Binuhat na ni Mommy ang kapatid kong si Yujin habang nakaalalay naman ang Yaya ng mga kapatid ko sa 10 years old kong kapatid na si Belle. Ako naman ay ang regalo namin sa Governor ang dala. Mabilis na kaming naglakad papasok sa hotel na pagdarausan ng 55th birthday ng Gobernador nang mai-lock na ni Dad ang sasakyan. May point naman siya. Magiging center of attraction kami kapag kami ang huling papasok na bisita. Okay lang sana kung ordinaryong bisita lang kami. Kaso nga, Bise si Dad ng Gobernador. Dumiretso na kami sa mesa upang bumati. Hindi na muna namin pinansin ang mga nadaanan naming bisita. Mabuti na lang at noong pumasok kami ay hindi pa nagsimula ang programa. Narinig din namin na kararating din lang ng pamilya ng Gobernador. Nang makita nga ako ng bunso nitong anak na si Valentin ay kumaway pa ito sa akin at ngumiti nang matamis. At hindi pa ito nakontento. Tumayo pa ito sa mula sa presidential table at sumalubong sa amin. "Napakalaki naman ng regalo ninyo kay Papa. Halos matabunan ka na. Akin na. Ako na ang bubuhat at magdadala roon." Sabay kaming tumingin sa mesa kung saan nakapatong ang iba pang regalo na natanggap ng gobernador. "Okay lang naman, Valentin. Nakakaya ko namang buhatin," sagot ko sa kanya. Sinubukan kong iiwas ang dala ko sa kanya ngunit nasapo na ng mga kamay niya ang mga kamay ko. Napasimangot ako sa kanya nang makita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata lalo na noong imbes na kunin na agad ang dala ko ay hinaplos pa niya muna ang mga kamay ko. "Habang lumalaki ka lalo kang nagmumukhang prince charming, Patrick." Lalo akong napasimangot sa kanya. Ayan na naman siya sa mga pagbibiro niya. "At ano ka naman? Muse?" Napahalakhak siya nang pagkalakas-lakas kaya halos lahat ay napatingin sa kanya. Pati nga sina Dad at Gov na nagbabatian ay napatingin sa amin. Napapahiyang nag-iwas ako ng tingin at nagpatay-malisya. "That's one thing I like about you, Patrick. Naiintindihan mo kaagad ang sinasabi at kinikilos ko. Would you like to hear the other things I like about you?" Simpatiko pa siyang ngumiti na lalo kong ikinainis. "Are you hitting on me, Valentin?" Dumukwang siya sa akin para bumulong. "Oh, baby. You don't know what kind of hit I wanna do with you," malisyosong sabi niya. Nandidiring umatras ako palayo sa kanya. "I'm not gay!" gigil at iritado kong anas. Lalong nangislap ang mga mata niya at ngumisi pa siya. "I can make you one, Patrick." Bago ko pa siya masagot ay nakalapit na pala sa amin ang ama niya. "Valentin, ano na namang kalokohang ang sinasabi mo kay Patrick?" paninita nito sa nagbababalang tono. Kaagad na umayos ng tayo ni Valentin at sumeryoso. "Wala, Papa. Kinukumusta ko lang siya. Matagal na kasi noong huli kaming magkita," pormal nitong sagot sa ama. Malayong-malayo sa nakakaloko nitong boses kanina. "Happy birthday, Gov." Sumingit na ako sa usapan nila. Bumaling sa akin ang matandang lalaki at saka ngumiti nang matamis. Inilahad pa nito ang dalawang braso at walang alinlangan akong pumaloob sa yakap nito. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga nasa paligid namin ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. Ang importante sa akin ay mayakap ang Gobernador. "I'm glad na sumama ka sa mga magulang mo, Patrick," nagagalak niyang sambit. Alam kong marami ang napatingin sa kanya dahil hindi na siya gaanong kapormal makipag-usap hindi gaya ng pakikipag-usap niya sa iba pa niyang bisita pati na rin sa anak niya. Hindi ko tuloy maiwasang magkaroon ng pakiramdam na pagmamalaki dahil tila sa lahat ng naririto ngayon ay ako ang pinakaespesyal sa Gobernador. "I don't wanna miss your birthday po," magalang kong sabi nang humiwalay na ako sa kanya. Napatingin ako sa asawa niyang nakatitig sa akin. "Good evening po," kaagad kong bati rito sabay bigay rito ng tipid na ngiti. Tumango lang ito ngunit hindi ako sinagot o nginitian man lang. Hindi na ako nabigla pa. Dati naman ay aloof na ang misis ng governor. Besides, nandito lang naman siya dahil legal pa rin siyang asawa ng gobernador. Kung tama ang kuwento sa akin ni Gov. Miguel Simon, matagal nang hindi mag-asawa ang turingan nilang dalawa. At ang alam ko ay may kinakasama na rin itong iba na malaki ang takot sa gobernador kaya nito pinayagan ang kinakasama na umaktong misis pa rin ng pulitiko. Napasulyap ako kay Dad na lumapit na sa amin. "Halika na, Patrick. Pumunta na tayo sa table natin. Naroon na ang Mommy at ang mga kapatid mo. Gov," bumaling siya sa Gobernador at muling nagpaalam. Muli akong sumulyap sa Gobernador at magalang na nag-bow bago ako sumama kay Dad. Buong oras ng programa ay sa Gobernador lang nakatutok ang mga mata ko. At habang pinapanuod ko isa-isa ang mga nagbibigay ng mensahe sa kanya ay naalala ko ang huli naming naging pag-uusap. Dumalaw ako noon sa opisina niya imbes na pumasok sa school. Hindi ko na kasi kaya pang kimkimin ang damdamin kong sumasakal sa akin. Agad akong pinapasok ng secretary niya dahil kilala naman ako nito pati na rin ng nga bodyguards na nakabantay sa pintuan ng opisina niya. "Patrick, what brought you here? May problema ka ba?" Hindi nakaligtas sa akin ang concern sa boses niya kaya lalo akong naging determinado sa binabalak kong gawin. Sumalyap ako sa tatlong bodyguards na nasa loob mg opisina niya at nang makita niya iyon ay kaagad niyang nabasa ang nasa isipan ko. "Lumabas na muna kayo. Mukhang pribadong bagay ang pag-uusapan namin ng bisita ko ngayon," utos nito sa kanila. "Pero, Gob," angal ng isa. "Lumabas sabi kayo!" maigiting na nitong bitaw sa utos kaya naman wala ng ano pang mga salita ang namutawi sa kanila at sinunod na ang utos ng amo nila. Nang kami na lang dalawa ay tumayo na siya sa kinauupuan at naglakad papalapit sa akin. "Ngayon, ano ang problema? Bakit ka napasugod dito, Patrick?" Bumalik na sa pagiging maamo ang boses niya. Ngunit imbes na sagutin siya ay sinalubong ko na siya at yumakap na ako agad sa kanya. Naramdaman ko ang gulat niya dahil napapitlag siya sa ginawa ko. "Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Nahihirapan na akong itago pa ito. Mahal kita, Miguel." Ginamit ko na ang kanyang pangalan upang maipararing na seryoso ako sa sinasabi ko. Hinawakan niya ang mga braso ko at inilayo niya ako sa katawan niya. Mariin niya akong tinitigan. "Patrick, hindi magandang biro ito," seryoso niyang sabi. May babala sa kanyang mga mata. "Hindi ako nagbibiro! Matanda na ako. Alam ko na ang ginagawa ko. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko at hindi iyon biro!" pagpumilit ko. "You're just 17! Kung ano man iyang nararamdaman mo, I'm pretty sure na paghanga lang iyan!" Umiling ako nang ilang beses sa kanya. "I know that you feel the same way, too! Alam ko. Ramdam ko. Hindi lang anak ang tingin mo sa akin. Hindi ka lang basta mabait sa akin. You feel something special for me, too!" "I'm way too old for you!" Napasinghap ako nang sigawan niya ako. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan niya ako at sa ganon pang tono. Umatras ako. "Patrick..." habol niya sa akin. I can see the frustration in his face. "D-do you love me, too?" nagtatapang-tapangan kong tanong. Malakas siyang bumuntonghininga. "Hindi pwede, Patrick." Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Mabilis ko itong pinunasan. "Kahit hindi mo sagutin, alam kong Oo. Hindi mo gagawin ang mga ginagawa mo sa akin kung hindi. Kung ayaw mo sa akin kahit pareho tayo ng nararamdaman, then fine. I'll find someone who could reciprocate what I feel." "You wouldn't...!" nagbababala niyang sabi. Lihim akong nagbunyi. Dahil sa sinambit niyang iyon ay lalo kong napatunayan na malalim din ang nararamdaman niya para sa akin. Tinalikuran ko na siya. Halos patakbo akong lumabas sa opisina niya upang hindi niya ako mahabol. Kaagad na nakabuo ng plano ang isipan ko habang umaandar ang kotseng sinasakyan ko which is provided by my Dad sa pag-aaral ko. "Sir Patrick, saan tayo?" tanong sa akin ng personal driver ko. "Sa mall na lang po, Kuya. Please don't tell Dad na absent ako ngayon," nakikiusap ngunit may halong utos kong sabi. "Opo, Sir." Napangiti ako sa kabila ng rejection sa akin ng gobernador. Kailangan kong magpunta sa mall dahil doon ko plaplanuhin kung paano ko mapapaamin si Miguel Simon sa nararamdaman niya para sa akin. At ngayong birthday niya ay isasakatuparan ko na ang matagal ko nang plano. I looked at him smiling at his daughter who's the one giving a birthday message for him. Sa kabila ng edad ay napakaguwapo pa rin ni Miguel. He has such a very strong aura and charm lalo na kapag nakangiti siya. He's the most powerful man in our province at nakadagdag iyon sa aura ng pagkatao niya. He has a good body, too. Oo nga at may umbok ang tiyan niya dala ng kanyang edad but he can carry it well. Malaki ang katawan niya na bagay sa tangkad niya. He has a reddish skin dala ng pagka-mestiso niya. May lahi kasi silang Kastila at makikita iyon sa features ng mukha niya. He has a sharp nose and reddish lips. No wonder na sa kabila ng edad, kapangyarihan, at impluwensiya niya ay marami pa rin siyang kayang akitin at isa na ako roon. Marami akong naririnig na kinatatakutan siya Sa aming probinsiya. Ang sa akin naman, kung sumusunod ang lahat sa alituntunin niya ay wala silang dapat ikatakot. Napasulyap ako sa isang direksiyon dahil nararamdaman ko ang isang tingin na tila nanhuhubad sa akin. Ito ang namumukod tanging ganon tumingin sa lahat ang nararamdaman kong nakatingin sa akin. Bahagya akong napailing nang magkasalubong ang mga mata namin ni Valentin. Kaagad akong tumingin sa gobernador. Nagulat ako nang ang kanyang mga mata naman ang nasalubong ng mga mata ko. Malamlam ang tinging ibinabato niya sa akin. Siguro ay dahil nami-miss niya rin ako. Ilang araw kasi akong umiiwas sa kanya. Palagi kong tinatanggihan ang pagyayaya niya at hindi na ako kailanman bumalik sa opisina niya. Ipinaramdam ko talaga sa kanya ang pag-iwas ko. Nahihirapan man ang loob ko ngunit lihim akong nagbubunyi. I'm making him feel how frustrated I am. Muli akong napasulyap kay Valentin. This time, nakatutok na sa iniinom niyang alak ang atensiyon niya. I admit, among the Simon men, he's the most gorgeous. Kaya expected nang he's a player. Bukod kasi sa guwapo niyang ama, maganda rin ang lahi ng kanyang ina. But I'm not attracted to him. Not at all. Kinikilabutan nga ako kapag nagpaparamdam siya sa akin. Pero sa mga sandaling ito ay tila may bumubulong sa akin na may magiging gamit sa akin si Valentin. Kaya naman mabilis na umaandar ang isipan ko. Alam kong alam ni Gov na may nararamdaman sa akin ang bunso niyang anak. Alam kong ilang beses na rin siyang nagiging saksi kung paano magpahayag si Valentin ng paghanga nito sa akin. Bakit hindi ko pagselosin ang gobernador sa pamamagitan ng kanyang anak?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD