KABANATA 1

574 Words
PROLOGUE "Hindi ako nangarap ng sobra. Pero nang makilala kita do'n ko natutunan kung paano mangarap o gustohin ang isang bagay, ngunit sa pag-aasam kong 'yon ay do'n ko rin naranasan kung paano ang masaktan. Mahal kita, eh. Mahal na mahal, pero umabot na ako sa puntong... sa puntong gusto na kitang i-give up." sabay tulo ng aking mga luha. "I... I want an A-Annulment, Clinton," —SARAH "Huh!?" humalakhak ito. "Annulment? Fine!!! I'll give it to you!!!" —CLINTON Kakapit ka pa ba sa isang kasal at pagmamahal na alam mong iyon ang nararapat, ngunit sa kabila no'n ay nararamdam mong nasa puntong nasasaktan ka na at hindi mo na alam kung dapat pa ba o nararapat ka pa ba sa sitwasyong 'yon, kung alam mo at nararamdaman mong ikaw na lang ang nagbibigay ng halaga. At hanggang saan ka maghihintay sa atensyong nararapat lamang para sa 'yo mula sa 'yong asawa kung ang bawat taong nasa paligid mo'y hinahadlangan ang atensyong dapat ay para sa 'yo lamang, at pilit may humaharang. Kahit ang pagmamahal na hinahangad mo'y pilit na ring inaagaw. "Love is full of sacrifices, and the best sacrifice you've made is to give up his freedom and just be happy for him." –SARAH 'The FIERCE wife'. Sarah I. Crisostomo, 30 y/o. Simpleng babae at hindi mapaghanap, kuntento sa kung ano'ng mayro'n, ngunit nagmahal, nagmahal sa isang lalaking napakatayog ng istado sa pamumuhay na mahirap abutin. Subalit sa kabila no'n ay sumubok pa ring sumugal. Hanggang sa ang pagmamahal na iyon din ang magtuturo sa kanya kung paano ang maging matatag at maging malakas. Isang simple, tahimik, at mahinang babae. Paano na nga ba s'ya hinila ng isang pagbabago, ang dating babaeng walang kakayahang ipagtanggol ang sarili noon, ngunit ngayon ay isa ng matatag at matapang na babae, na isa na rin sa mga kinatatakutan ng lahat. Si Sarah I. Crisostomo Oxford a. k. a Agent Sky. Tunghayan natin ang lihim ng katauhan ng isang Mrs. Oxford, lihim na pilit nitong itinatago sa kanyang asawang si Clinton Oxford, ngunit dahil sa isang minsyon na hindi nila inaasahan ay magtatagpo ang kanilang landas. Ano nga ba ang gagawin ni Mr. Oxford kung masaksisan n'ya ang kanyang asawa sa isang dilekadong misyon, na kahit ang minsan ay hindi niya iniisip na magiging isang malakas at matapang na babae ang kanyang asawa na walang ginagawa kundi ang tumungo at lihim na umiyak sa isang sulok at tanggapin ang pagkatalo, ngunit ngayon ay handang lumaban at magbuwis ng buhay para sa prinsipyo nitong pinanghahawakan. Si Clinton Y. Oxford. 32 y/o, isang sikat na chef na nagmamay-ari ng sariling mga restaurant. Sa kabila no'n ay isa rin itong magaling at matinik na detective at isang kaanib sa isang organization. Ang Shadow Organization bilang si Agent Dark. Almost perfect, 'yan ang madalas sabihin ng mga taong nakapalibot sa kanya, lalo na ng mga kababaehan, subalit sa lahat ng magaganda at sikat na mga babaeng nakapalibot sa kanya'y isang simple, tahimik at mahinhing babae lang ang bumihag sa pihikan n'yang puso. Si Sarah, na nakilala n'ya bilang isang kasambahay sa bahay ng kanyang kaibigan, aminado naman siyang unang kita pa lang n'ya sa dalaga'y ibang damdamin na agad ang ipinaramdam nito sa kanya, na hindi nito kayang balewalain o iwasan. Sundan ang kuwento ng dalawang taong minsan din sinubok ng tadhana ang kanilang katatagan. Sina Clinton Y. Oxford at Sarah I. Crisostomo sa 'The FIERCE Wife'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD