"ANO?!" bulalas ng pinsan kong si Lavinia. Naka-pameywang ito sa aking harapan. Manang-mana talaga ito kay Tita Celina Montenegro. Pero ugaling Montenegro nga lang. Mabilis lang din itong mairita at mainis. "Hindi ko na alam ang gagawin ko ate. Si Duke ang nakikita ko, hindi si Damon." "You must accept Duke's death, Noraisa. Kung iisipin mong si Damon ay si Duke, I am sure na pansamantalahan ka lang ng Damon na 'yon. Don't you get it? Hindi ba't ikaw na mismo ang may sabing he take advantage on you!" "Oh, c'mon Lavinia. That's not true, mabait ang Kuya Damon ko," singit ni Kuya Drei Rutherford. Ang best friend ni Ate Lavinia. "You, shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" asik ni Ate Lavinia. "Well, I guess I have to go," ani na lamang ni Kuya Drei. Itinaas pa nito ang dalawang kamay