NARITO ako ngayon sa sarili kong opisina. Ilang araw na rin ang lumipas na hindi nag-krus ang mga landas namin ni Damon. "Ma'am, narito na po ang ilang mga dapat niyong pirmahan." "Ilapag mo lang sa table," sagot ko sa aking assistant. Napahilot ako sa sariling sentido. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Pagdakay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hinarap ko ang ilang mga dapat gawin. So far naging maganda ang takbo ng negosyong itinayo ko sa tulong na rin ng aking mga magulang. Tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko kung sino ang tumawag. Si Mama. Agad na sinagot ko ang tawag nito. "Ma," sagot ko. "How are you?" malumanay na tanong nito. "I'm fine, Ma." "About kahapon, sundin mo ang nais ko." "Yes, Mama." "Salamat. Out of town kami ng Papa mo. Hindi pa na