BUMALIKWAS ako ng bangon. Habang habol ang sariling hininga. Hayan na naman ang panaginip na palaging nagbabalik sa aking sistema. At naniniwala akong may kahulugan iyon. Ano bang meron doon? Hinilot ko ang sariling sentido. Bigla kasi iyong kumirot. Saka ko lang napansin ang kwartong kinaroroonan ko. "Where am I?" "Mabuti naman at gising ka na?" Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon ni Damon. "A—ano'ng ginagawa ko rito?" takang-tanong ko rito. "Dito kita dinala. Lasing ka kagabi, hindi mo na tanda?" "Am I?" takang-tanong ko rito. "At ako pa talaga ang tatanungin mo niya'n, Ms. Montenegro?" sarkastikong tanong nito sa akin. Biglang nag-ilaw ang aking utak sa naisip. Kunway pinukol ko ito nang may pagdududa. "M—may nangyari ba sa'tin?" "Paanong may mangyari sa'tin gayon