"SWEETIE, dito ka lang muna. Rest room lang ako, okay?" nakangiting paalam ko kay Megan. Tumayo na ako at tinungo ang naturang lugar. Hindi pa man ako nakarating ay may biglang humila sa akin dahilan para mapaharap ako sa bastos na walang-galang. Pinukol ko ng matalim na tingin si Damon nang mag-tama ang aming paningin. "What do you want?" sarkastikong tanong ko rito. "Hindi mo alam ang mga walang-kwentang bagay na ikinalat ngayon ng mga press sa'kin? Hindi mo naalala?" iritado nitong turan sa akin. "Na ano?!" asik ko rito. "Pinaalam ko na sa'yo 'yon, Ms. Montenegro. Siguro, ginawa mo 'to para maibaling sa akin ang lintik na chismis na may bastarda kang anak, hin—" Hindi ko na ito pinatapos pa sa sasabihin at awtomatikong dumapo ang isang palad ko sa kabilang pisngi nito. "How dare y