"HERE, mom!" Lumapit sa akin si Megan at ibinigay ang white gold nitong kuwintas na ang pendant ay hugis circle. Pinakatitigan ko iyon saka dahan-dahang binuksan. Sumikdo bigla ang aking puso nang masilayan ang nasa larawan. Lihim akong nanghinayang. Bakit, blurred? "Bakit blurred, sweetie?" tanong ko rito. May dalawang larawan. Maybe, heto ang larawan ng mga magulang nito. Palaisipan sa akin ang kwintas, white gold. Meaning, may kaya ang mga magulang ng bata? I don't think so. "Nabasa po kasi 'yan, mommy." I let out a heavy sigh. "Isuot mo ito at 'wag mong tatanggalin sa leeg mo. Just in case, makita ka ng tunay mong mga magulang." "Pero, ang sabi po sa'kin ni Lola ay patay na po si Inay at iniwan na kami ni Tatay," tugon nito sa malungkot na boses. Nakaramdam ako ng habag para ri