Chapter 15 Mataas na ang araw ngunit tila wala pa ring balak na gumising sina Mami at Leon na kasalukuyang magkayakap ngayon sa kama. Himbing na himbing pa rin ang tulog ng dalawa at magkayakap pa ang mga ito habang nasa ilalim ng kumot dahil sa lamig na dulot ng aircon ni Mami sa kwarto. Biglang tumunog ang cellphone ni Mami. Naka-ilang ring muna 'yon bago siya maalimpungatan. Inakala pa niyang alarm ang tawag kaya in-swipe lamang niya ang screen para matapos na ang ingay. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa kama at nagtilakbong muli ng kumot at yumakap sa unan niya. Ngunit nagtaka siya nang maramdamang parang mainit yata ang unan niya ngayon? Mas niyakap niya pa ito dahil masarap sa pakiramdam ang init na dulot nito. Ngunit bigla niya itong naramdaman na gumalaw at tila may luminggis