"Hey , Aurora.. " Lumingon si Aurora sa pinagmulan ng boses na tumawag sa kaniya. Si Diane , klasmeyt Niya sa Isang subject sa kursong political science.
"Anong ganap mo sa buhay ngayon?" Nagkita Silang dalawa sa City Mall of Asia. " Ito , katatapos lang mag shopping." Itinaas nito ang bitbit na mga shopping bags sa kaklasi.
"Gala naman tayo, ang boring naman kasi ng buhay natin after graduation. " Tumawa si Aurora. "Ano ka ba katatapos nga lang nating bugbog sa pag-aaral na bored ka na? "
Hinila siya ni Diane sa Isang coffee shop. "Doon tayo o, mag kape tayo .." Pumasok sila sa loob ng coffee shop na nasa ground floor ng mall. Umupo sila at umorder .
"Black coffee please with grilled chicken cheese." Sabi ni Diane sa waitress na lumapit sa kanilang table. " I'll have a cup of Cappuccino please and donuts ." ang order naman ni Aurora.
"Mahilig ka talaga sa Italian food and drinks no . " Obserba ni Diane sa kaniya. "Mamaya niyan , baka mag asawa ka na ng Italiano. " Tukso Niya sa Kay Aurora. Tumawa ng malakas si Aurora. " Oh my God , kaka graduate lang natin ng college , ano ka ba , ni wala nga akong boyfriend . Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa no ." Umismid ito sa kaniyang kaibigan at kaklasi . Tumawa namn ng malakas si Diane.
Dumating ang kanilang order , they thank the waiter . Nagpatuloy sila sa Pag uusap in between sa kanilang pagkain at pag inom ng coffee.
"So , anong balak mo ? Balak mo bang pasukin ang mundo ng showbusiness? "
Muntik ng mabilaukan si Aurora sa kinain nitong donut. Dali -daling ininom ang kaniyang kape ., na muntik din namang nasamid ang kaniyang dila. Nakalimutan Niyang mainit pa pala ito.
"My gawd Diane..muntik na akong mabilaukan sa sinabi mo , napaso pa ang dila ko.." Nanlaki ang mga mata nito na nakatingin sa kaibigan.
"Ito naman , masyadong exaggerated..ano ba ang masama sa tanong ko? " nakangiting tanong ni Diane sa kaniya.
"Kunwari ka pa diyan , alam mo naman ang totoo di ba ? Hindi ko talaga gusto ang pag-aartista . "
"Yeah, but that was before . Don't tell me na hindi ka talaga na impluwensyahan ng Mommy mo?"
"Nope, It's not my cup of tea . Ayokong matulad Kay Mom, walang privacy ang buhay . Hindi makalakad mag Isa kagaya ng ginawa ko , malayang makagala . Walang camera na susunod sa iyo . "
"You have a point. It's just that I thought eventually , susundan mo ang yapak ng Ina mo . Hindi ka mahihirapan kasi sikat siyang artista. Kaya mas madali mong pasukin ang showbiz. Isa pa , maganda ka , maganda ang hubog ng katawan mo at.."
" Hay naku, that's enough babe.. " putol Niya sa paliwanag ni Diane sa kaniya. " Ayokong mag artista and that's final. " She said with finality.
" Okay .." Diane shrugged her shoulders. " Disco tayo mamayang gabi? Anyaya ni Diane Kay Aurora. " I'm not sure lang ha , uuwi kasi si Mommy from her one week taping from Palawan. Baka hindi ako papayagan noon , alam mo na , bonding time ." She wink at her friend.
" Boring.." Nagtawawan sila. Maya-maya pa any nag paalam na nila sa isa't -isa. Dumiretso na ng uwi SI Aurora sa kanilang bahay.
Si Aurora Gomez ay Isang bagong graduate sa kursong political science. Nag iisang anak anakan sa Isang sikat na artista na si Athena Gomez. Tinawag siyang anak anakan , kasi ampon siya ng beteranang actress na si Zenaida Alonzo.
Zenaida Alonzo ang screen name ng kaniyang ina . Hindi kailanman itinanong ni Aurora kung bakit hindi nag asawa ang kaniyang tinaguriang ina.
Ni minsan , hindi rin nagtanong si Aurora ukol sa Kaniyang tunay na pamilya. Totoo ang pagmamahal na natanggap Niya sa kaniyang kinikilalang ina .
Hindi ito nagkulang sa Pag aruga sa kaniya kahit noong bata pa siya . Mayroon siyang yaya. Lahat ng pangangailangan Niya ay ibinigay naman sa kaniya.
Ayaw niyang masaktan lang kung malaman pa Niya ang totoo ukol sa Kaniyang pagkatao. Wala rin namang sinabi sa kaniya ang kaniyang ina kung paano siya nito inampon.
Pagdating Niya sa kanilang bahay sa isang subdivision sa Malate ay nadatnan Niya ang kaniyang ina., nakauwi na pala ito.
Nakaupo na ito sa sofa sa living room . Kasama ang boyfriend nitong taga showbiz dim , si Brandon Fernandez.
" Hi sweetie .. " bati nito sa kaniya habang inilagay Niya ang kaniyang bitbit na mga shopping bags sa sofa .
"Hello Mom, hi Tito , I thought mamayang gabi pa ang uwi mo .?" She hugged and kissed her Mom.
" Maaga kasing natapos ang taping namin . Oh , by the way , I have something here for you .." Everytime na galing ito sa taping o travel , may dala itong pasalubong sa kaniya.
" Oh Mom, you are so sweet .I feel guilty na lang na nag shopping pa ako. " Sabi ni Aurora sa kaniyang Ina.
" You don't have to .. bakit ka naman ma guilty . Para naman talaga sa iyo iyan , you know that I love you so much anak. " pinupog siya ng halik ni Zenaida.
"Mom , where are you going?" Alam na ni Aurora ang ibig sabihin ng ginawa ng kaniyang Ina . Kapag nilalambing siya nito ay parang may trip o travel na naman itong gagawin at hindi siya pwedeng isama.
" Ha , ha, ha ..nakuha mo na ang ugali ng Iyong mommy Au, alam mo na kapag nilalambing ka Niya ng mga pasalubong ay may lakad na naman ito.." nakatawa na sabi ng tito Brandon Niya.
" Hey, instead of helping me , tinutukso mo ako , remember pag hindi pumayag si Aurora , ikaw din hindi matutuloy ang bakasyon natin.."
Hinanpas ni Zenaida sa balikat si Brandon.
Aurora almost rolled her eyes. What the f*** wrong with these two, ang tanda tanda na eh .., dyahi kayang tingnan. Aurora thought to herself. But she smiled inwardly. Cute pa rin silang tingnan.
"Oh come on, spit it out you two.." Sabi Niya sa kanilang dalawa. Napalapit na ang loob ni Aurora sa boyfriend ng kaniyang ina na si Brandon. Nakikita naman Niya na mahal nito ang kaniyang ina-inahan .
Boto siya sa relasyon ng dalawa . Mabait at responsableng tao ito. Mahal nila ang isa't -isa Kay nagtataka si Aurora kung bakit hindi pa sila lumagay sa tahimik. Wlaa naman siyang makitang problema sa kanilang dalawa.
"Aurora baby , I'm going to a trip , I mean a cruise with Brandon. , It's only for 15 days cruise baby ..can you handle being alone?" Zenaida asked her daughter .
" I promise Au, this will be the last time na iiwan kita . Hindi na kami aalis . Dito ma lang kami sa iyong tabi pagkatapos ng cruise namin . " Zenaida assured her daughter.
"What do you mean ..'we'?" Tanong nito sa ina. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito , parang nanindig ang kaniyang balahibo.
" Because your mom and I are engaged ." Walang kiyeme na sinabi ni Brandon ang kanilang engagement . Itinaas pa nito ang kamay ni Zenaida na may singsing o engagement ring.
" Oh my gosh! You guys are engaged ?! Congratulations That's awesome ! " Tumayo si Aurora sa pagkaupo sa couch at niyakap ang kaniyang ina.
Niyakap din Niya si Brandon , I'm happy with you two , congratulations Mom , Uncle.."
" Thank you baby , so that means ..okay lang ba sa iyo na Iwan ka namin ,? It's only for half a month. " Zenaida said.
" Oh my gosh, stop being dramatic Mom , palagi mo naman akong iniiwan dahil sa shooting mo , what do you think is the difference if you go with the cruise with your fiance. ? It's part of your celebration naman pala eh ." Aurora explained.
"That's why we love you so much sweetheart , you are such a gem. Very understanding. "
"Of course Mom, it's your happiness. Who I am to stand the way, I'm okay here. Nandito nan si Aling Nena. No worries po." She assured her Mother.
"It's settle then.." Tumayo na ang magkasintahan .
"Kailan po alis ninyo Mommy? , Uncle?"
" Tomorrow after lunch, ." Brandon told her.
" Oh , alright ..I'll see you at dinner. " Aurora said . Pumasok na rin siya sa kaniyang kuwarto. She understands na mag iimpake pa ang dalawa. Masaya na rin si Aurora sa kinahinatnan ng pagmamahalan ng kaniyang Ina at boyfriend nito. Tama rin namn na lumagay na sila sa tahimik.
At the age of 40, bata pa tingnan ang kaniyang ina . Ang totoo mapagkamalan lamang Silang dalawa na magkapatid. Naisip ni Aurora, bakit kaya siya inampon nito, sa batang edad pa lang niya? Gayong pwede naman itong mag asawa ng sarilinan at magkaroon ng tunay na anak?
Kaya wala siyang dapat ireklamo ano man ang naisin ng Ina nito . Ang bait- bait nga nito kung tutuusin. Inilagay ni Aurora sa closet ang mga pasalubong ng kaniyang ina , kasama na ang kaniyang mga nabili sa kaniyang pag sa,- shopping.
Pagkatapos niyang ma arrange ang mga gamit ay humiga muna ito sa kama . She's killing the time , while waiting for dinner. Then she remembered her classmate about her invitation for going to the bar.
She telephoned Diane. " Hey , Diane I'm sorry I can't go with you tonight. Mom is here ..Yeah, She will go into a cruise with Brandon. Yep, I need to stay for dinner. Yeah, thanks. Some other time. Thanks, okay then , I'll see you soon. Bye." She ended the call.
Kinabukasan ay maaga pang nagising si Aurora. Hinihintay Niya ang pag alis ng kaniyang Ina at ni Brandon. After lunch ang alis nila . The cruise ship will start sailing at three in the afternoon. Kaya kahit malapit lang naman ang North Port Passenger Terminal, kailangan ng mag nobyo ang maging maaga, to prepare everything.
" " O Iha , aalis na kami ..baka pagbalil namin may ipakilala ka ng boyfriend sa aim ha? " Nagawa pang magbiro ng kaniyang ina sa kaniya . "Geez Mom , will you please shut up, its annoying! " She pouted. Tumawa ang kaniyang ina.
" Relax sweetie , I'm just kidding, Hmmn , actually pwede mo namang gawing totoo. Graduate ka naman ng college , okay lang sa akin kung mag boyfriend ka na ."
" Bakit minamadali mo na akong mag boyfriend Mom? Ayaw mo na bang makasama ako sa bahay ? " Napaismid na tanong nito Kay Zenaida.
" Hop in you sweetheart . " Ibinaba mi Brandon ang windshield ng sasakyan. Aurora decided na hindi na kailangan na ihataid pa sa dock o pyer ang dalawa baka maiyak lang siya .
Nasanay naman siyang umaalis ang Kaniyang ina for shooting. Lagi siyang naiiwan , kaya nasanay na siya. Zenaida hugged her once again . Isang mahigpit na yakap at painaliguan siya nito ng halik . "Aurora, please know that I love you so much . You are always my baby , I'll be missing you .my lovely daughter. " Niyakap siya nito muli.
Aurora didn't reply. She wanted to reply but she couldn't speak . Kinikilabutan kasi siya sa sinabi nito . At habang nagsasalita ito ay parang may kung anong malamig na hangin ang bumalot sa kaniyang pagyakap. Nanindig ang balahibo ni Aurora.
"Mommy,, I love you too.., I'm so thankful and grateful for your love , and please be careful . " She told her.
Parang gustong pigilan mi Aurora si Zenaida . Ayaw na nito na tumuloy ito sa pag- alis , Pero ayaw naman niyang maging kill joy. Para kasing ang weird ng Mom eh , she thought to herself.
Sinundan nito ang papalayong kotse ng dalawa hanggang sa ito ay mawala na sa kaniyang paningin , saka siya bumalik sa loob ng bahay . Isinara ni Aling Nena ang gate ng kanilang two storey bungalow.