Fedora's POV This past few days , nasaksihan ko na may pagbabago sa kilos nina André at Aurora, halata at makikita sa kanilang mga mata at galaw na may namamagitan sa Kanila. Bagama't hindi nila. tahasang ipinahayag sa amin ang kanilang relasyon , but it's quite obvious. Sa wari ko , hindi nila masabi sa amin dahil nagkahiyaan pa sila . Maaaring inisip ng dalawa na masyadong mabilis ang pangyayari, o maaaring naisip nila ang kanilang sitwasyon , si Georgi ay pareho nilang kapatid. Well, hindi naman magkapatid sa laman si Georgi at André but ang turing nila sa isat-isa ay para na ring tunay na magkapatid . Alam ko ang respeto ni Georgi Kay André, at alam ko din kung gaano ang concern ni André Kay Georgi. Si Aurora naman ay tunay na kapatid ni Georgi , ang nawawalang kambal na baba