Chapter 7

1563 Words

Chapter 7 Naging abala si Manang sa kusina. Nakapagsaing na ito at ulam na lamang ang tinatapos na lutuin. Ayaw na ayaw kasi ni Axel na kung saan-saan lamang kumakain. Strikto rin ito pagdating sa mga kinakain. Sa halos lahat naman ng bagay ay strikto ito.  Kakarating lamang nito ng mga pasado alas quatro galing sa kabilang building para mag-asikaso sa resort. Dumiretso kaagad ito sa kusina para kumuha ng kape. Maghapon na nakasaksak ang coffee maker para sa brewed coffee ng amo nila. Madalas kasi itong magkape. Hindi lamang tatlo o apat na beses.  "Bakit mag-isa kayo rito, Manang?" Tanong ni Axel habang humihigop sa mainit na kape. "Naglalaba po si Ara sa likod. Siya po ang nagpresinta na maglaba no'ng mga inalis namin sa kwarto kanina," tugon naman kaagad ni Manang Sabel sa amo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD