Chapter 17 Natataranta si Zara nang makita niyang bumaba na ang amo niya at patungo na ito sa kusina para kumain ng hapunan. Natisod pa siya sa sarili niyang paa dahil sa pagmamadali. "Sir, kakain na po kayo? Sandali lang po, magsasandok na ako ng kanin ninyo," hinihingal pa na sabi ni Zara nang makarating sa kusina. "Ano ang niluto na ulam ni Manang ngayon? I'm feeling a bit sleepy. Maybe it's because of the pain reliever and the antibiotic," saad pa nito. "Nagluto po si Manang ng sinigang na liempo," tugon naman kaagad ni Zara. "Nice. Maybe the soup could wake me up somehow," tumatangong sabi pa nito sa kanya. Matapos magsandok ni Zara ng kanin ay kaagad din naman niyang sinunod na sandukan ng ulam ang amo. Nang makapaghain siya ay kaagad naman na siyang nagpaalam sa amo. "Sa sala