Chapter 20

1763 Words

Chapter 20 Sumapit ang gabi at nakahain na ang pagkain at pulutan sa mahabang lamesa nila sa labas ng mansyon. Nasa gitna ang lechon de leche na pinadeliver pa ni Dave kani-kanina lang. Nakahain na rin ang kare-kareng luto nila Zara at Manang. At ang isang banyerang kanin na akala mo ay ilan ang bisita nila, pero sila lang namang apat ang kakain. May ginawa ring ensaladang talong si Manang kanina. Naglabas din sila ng softdrinks at juice. Hindi naman kasi mahilig sa softdrinks ang amo nilang si Sir Axel. Nagbukas nga kaagad ito ng beer kahit na hindi pa sila nagsisimulang kumain. "Totoo ba talagang promoted ka? Baka palusot mo lang 'yan para magpainom ako ng alak?" Tanong pa ni Sir Axel sa pinsan niya. "Sobra ka naman? Oo, totoo siyempre. Wala ka bang tiwala sa pinsan mo?" Tanong pa ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD