Chapter 1.
Nagising ako nang may nguma ngat-ngat na naman sa aking pisngi habang ang isang kamay naman nito ay nasa loob nang aking t-shirt at hinahanap ang aking dede, palaging ganito nalang ang eksina gabi gabi puro laway ang aking mukha pag gusto niyang dumide..maa..maa dee-dee.saad ng two year kung anak na si mia or kemia"habang patuloy parin nito ipinapasok ang kanyang maliit na kamay sa loob ng aking t-shirt para ilabas ang aking dede..kaya naman agad kuna itong inilabas sa suot kung t-shirt para padedein na ito..ganito palagi ang ginagawa ng anak ko pag nasa kasarapan ako ng aking tulog lalo na pag hindi nito mailabas ang aking dede sa suot kung t-shirt or bra ay agad na nitong ngangat ngatin ang aking pisngi hanggang sa magising ako para padedein lang siya,kaya naman paggising ko sa umaga ay puro laway na nito ang aking buong mukha dahil sa ginagawa niyang pag ngatngat..
Kaya naman pala nagugutom na ang baby ko dahil mag two twelve na pala ng madaling araw,maaga kasi ako nakatulog kanina dahil sa sobrang pagod sa mag hapon kong trabaho sa bakeshop namin ni nika ang dati kong kasamahan sa trabaho bilang sales lady sa sm department na ngayon ay kasama kuna dito sa itinayo kung small bakeshop"mag aanim na buwan palang simula ng itinayo namin ni nika ang Small Bakeshop ay marami na kaming mga customer na pumupunta para kumain at mag take out.
Dati sa online lang kami nag simula ni nika bilang sideline,hindi naman namin akalain na papatok ito online,dahil siguro sa ibat ibang mga ginagawa kong character design sa cupcakes kaya magugustuhan ng mga customer at gumagawa narin ako ng cake,na isang klaseng flavor lang ang blueberry cheesecake..kaya ito nakaipon kami ng malaki hanggang sa nakapag patayo narin kami ng sarili naming shop dito lang sa baba nitong nabili namin two story house one year ago dahil sa naipon namin noon sa pag oonline business"
naging mabenta kasi sa online ang mga ginagawa kong ibat ibang cupcakes na cartoon character ang design na karamihan mga bata ang may gusto,at ganon din ang blueberry cheesecake na ginawa ko noon"sabi nga ni nika parang swerte daw ang pag dating ng anak kong si mia sa buhay namin dahil naging sunod sunod ang swerte namin sa negosyo maliban kasi sa small business at kemia's coffee shop..ay marami narin ang gustong mag franchise nitong mga gawa naming cake at cupcake na halos madalas patok sa mga okasyon dahil sa mga bata na mahilig ng ibat ibang mga cartoon character..
Habang dumidede sa akin ang anak ko,ay tinatapik tapik ko ang kanyang maliit na pwetan para makatulog ulit siya, ganito lang ang ginagawa ko sa kanya para makatulog ulit..breast feeding ang baby ko simula ng ipinanganak ko ito dahil yon ang mahigpit na kabilin-bilinan ng doctor na nag paanak sa akin noon,para daw masustansya ang iinuming gatas ng anak ko,my baby is a miracle baby dahil muntikan nang mawala ang anak ko sa akin noon..mabuti nalang ay naagapan isalba ng doctor ang baby ko sa aking sinapupunan..
Dahil hindi ko naman alam na buntis na pala ako ng mga panahon na yon,kaya ng mahimatay ako sa trabaho ay agad nila akong isinugod sa pinaka malapit na hospital at doon kulang nalaman na mahigit dalawang buwan na pala akong nag dadalan-tao kaya simula nun ay nag resign na muna ako sa aking trabaho bilang sales lady dahil kailangan kung ingatan ang aking sarili at ang baby na nasa loob ng aking sinapupunan..laking pasasa-lamat ko noon sa lahat ng aking mga kasamahan sa trabaho,dahil kung hindi daw ako kaagad nadala sa hospital ng mga oras na yon malamang daw ay mawawala ang baby ko..kaya sobra sobrang pasasa-lamat ang ginawa ko sa lahat ng mga kasamahan ko dati sa trabaho"
Tiningnan ko ang oras sa orasang naka-sabit sa dingding kaya naman pala nagising ang baby ko dahil nagugutom na naman pala ito" ganitong oras madalas nagigising ang anak ko para dumide at agad naman nito ipinapasok ang kanyang maliit na kamay sa loob ng t-shirt ko para ilabas ang dede sa suot kong damit, medyo nahihirapan lang siya ngayon mailabas dahil nakalimutan kong hubarin ang suot kung bra kanina,bagsak kasi ako kaagad sa kama pag pasok ko ng kwarto dahil sa sobrang pagod dahil sa dami ng ginawa naming cupcakes at cake's ni nika maghapon kahapon,kaya mabilis ako nakatulog pagkatapos ng hapunan namin kagabi" kaya ito pinuno na naman ng anak ko ang aking mukha ng kanyang laway para padedehin siya"
Ganito ang anak ko pag nahirapan siyang ilabas sa suot kung t-shirt ang dede..hindi siya umiiyak,instead ngangat-ngatin niya ang mukha ko hanggang sa magising ako para padedehin siya,kaya naman pag gising ko sa umaga ang lagkit lagkit na ng buong mukha ko dahil sa ginagawa niyang pag ngatngat sa pisngi ko,masakit narin minsan ang pag ngatngat ng anak ko sa akin,dahil may tumutubong ngipin narin ito sa itaas at dalawa sa ibaba,tapos nanggigil pa ito kung mangatngat kaya masakit na dahil sa tumutubong ngipin"
Simula ng dumating sa buhay ko ang anak ko ay hindi kuna masyado naramdaman ang sobrang kalungkutan na nag iisa o may kulang sa akin pagkatao,simula kasi ng maulila ako sa aking mga magulang ay parang gusto ko narin sumunod sa kanila noon..dahil hindi ko alam kung paano ako mag sisimula ng panibagong buhay na wala sila sa aking tabi,dahil nasanay at lumaki akong naka depende sa parents ko tanging pag aaral at bahay lang ang naging buhay ko noon at hindi ko alam kong anong gagawin ko, dahil nga sa nag iisang anak lang ako nila kaya spoiled ang ginawang pag papalaki nila sa akin..i was grow up in a luxurious life when my parents a live, kaya ng mawala ang mga ito hindi kuna alam kung paano ako mag sisimula ulit,kaya naisipan kung lumuwas dito sa maynila at mag simula mamuhay ng simple i have my parents money but i don't want to move it because that's the only memory i have of them i have a huge mansion and farm in cebu..my beloved parents mansion and farm na minana ko sa kanila"
My parents dead in a car accident while they were on vacation in the u.s so when i found out what happened, i almost wanted to follow them my parents is my life,ngayon apat na taon na sila wala sa aking tabi at hindi ko pa sila nabibisita sa cebu,i miss them so much..mom dad my cute na po kayong apo..bulong ko habang nakapikit ang aking mga mata"nakatulog na ulit ang baby ko habang nasa bibig parin nito ang aking dede" hindi nga ako makapaniwala noon na sa edad kung twenty ay naging nanay na ako and now i am 22 years old and i have my little mia na..dahil nakatulog na ulit ang baby mia ko kailangan ko narin matulog,dahil mamaya magiging abala na naman kaming dalawa ni nika sa aming small shop i called our shop Small Bakeshop cute kasi pakinggan lalo na at nag sisimula ka palang kaya tinawag kung small it's mean nag sisimula sa bagong yugto ng buhay!
Maaga ako nagising para ihanda ang lahat ng kakailanganin kung ingredients sa pag gawa ng cupcakes at cake para mamaya after breakfast ay deretso nalang ang gawa..dahil naka handa na ang lahat,dalawa na kami ni nika ang gumagawa dito sa baker station..dati ako lang ang gumagawa at siya naman ang taga deliver pag may mga order samin noon"ngayon meron na kaming tatlong delivery boy na sina Diego, Rafael at Leonard na halos mag kakasing edad lang silang tatlo at mga high school students narin..they are my scholarships mga kapatid sila ng mga tumulong sa akin noon,na madala ako sa hospital na muntikan nang ikawala ng baby mia ko"kaya ibinabalik ko din sa kanila ang magandang kabutihang ginawa nila sa akin noon kung hindi nila agad ako nadala sa hospital..wala ang baby mia ko ngayo"
Walang nakaka alam sa mga kasamahan ko noon sa trabaho na isa akong anak mayaman,pero madalas nila sabihin sa akin noon na hindi raw ako mukhang galing sa mahirap na pamilya dahil sa kilos at pananalita ko raw ay halatang may mataas na pinag aralan at madalas din nila akong tingnan lalo na ang aking pananamit dahil halatang galing daw sa marangyang pamumuhay,kaya madalas din nila akong titigan dahil sa magandang kutis na meron ako,para nga daw akong ipinanganak na mayaman sabi ng mga kasamahan ko sa trabaho dati,kahit si nika ay wala parin alam sa dati kung buhay :)
Almost two years narin akong hindi nakaka uwi ng cebu..i have my own two yaya there umiyak pa nga yon ng umalis ako dahil natatakot sila na baka may mangyari daw sa akin dito sa maynila ng hindi maganda..and i have my auntie my dad sister she lives in the u.s gusto nga nun na doon narin ako tumira kasama nila ng pamilya niya para daw nakikita niya ako at na aalagaan, pero tumanggi ako dahil ayaw kong iwan ang parents ko dito sa pilipinas.. kaya she always contact me everyday before,pero ngayon wala na akong contact sa kanya kahit sa yaya melba ko at yaya ramena"
Pero uuwi din naman ako doon pag malapit na ang birthday ng mommy ko,at isasama ko sila nika at yaya jocelyn ang yaya ng anak ko..good morning po ate riana,good morning din sayo lyn tulog pa ho ba si baby mia ate..oo tulog pa siya"kaya pwede na muna tayo mag almusal para mamaya paggising ng anak ko siya naman ang pakainin mo nakangiti kong saad kay jocelyn or lyn for short, opo ate riana ako na pong bahala sa napaka cute kung alaga..kaya tumango na lang ako dito,maya maya lang magiging abala na naman ang buong araw namin ni nika sa pag be-bake dahil marami naman kaming order na gagawin ngayon..lalo na sa coffee shop namin,at sa iba pang mga coffee shop,restaurants at mga occasions kaya ang pahinga kulang minsan ang mag padede sa anak ko kapag hindi ako naka pag breast pump.
Masaya ako dahil lumalaki at nakikilala narin ang aming small bakeshop na hindi ko naman akalain noon,dahil ang gusto ko lang naman ay kumita ng kaunti para pandagdag ipon para sa baby kong lumalaki na..good morning my beautiful boss and good morning to you too celyn"ay good morning din po sayo ate nika.good morning too my co-boss balik na bati ko din dito,upo kana para makapag almusal na tayo bago maging abala na naman ang buong araw natin mamaya saad ko dito na halos kagigising lang palang..tulog pa ba ang cute kung inaanak..oo tulog pa..as usual pinaliguan na naman ang buong mukha ko ng kanyang laway na nginngiti kong saad kay nika,nakalimutan ko kasi tanggalin ang suot kong bra kagabi kaya nahirapan ito mailabas ang dede sa suot ko, kaya ayon nakatikim na naman ako ng ngatngat nito kaninang madaling araw hahaha..nakaka tuwa talaga iyan inaanak ko rian hindi man lang marunong umiyak sa gabi at parang nakakaintindi na,siguro alam nito na pagod sa trabaho ang kanyang mommy kaya behave lang ito..napaka cute ng anak mo rian siguro sobrang gwapo ng tatay ni baby mia dahil mukhang may lahi eh..
I'm so sorry rian kung hindi kalang namin pinilit isama noon at nilasing ng mga sira ulo nating mga kaibigan hindi dapat nangyari sayo ang maagang pagbubuntis,ano kaba nik ok lang yon, masaya nga ako dahil dumating sa buhay ko ang anak kung si mia,dahil siya ang nagbibigay sa akin ng lakas ngayon para lumaban sa kalungkutan at pangungulila sa mga mahal kong mga magulang nakangiti kong saad dito" dahil hanggang ngayon hindi parin nito napapatawad ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa akin na maagang nabuntis at naging nanay dahil sa sobrang kalasingan nakuha ng kung sino ang aking pinakakaingat ingatan yaman..
Lahat kaming mag kakaibigan ay nalasing ng gabing iyon sa isang bar at halos hindi ko narin naman matandaan kung ano ang mga nangyari dahil nagising nalang ako sa isang kwarto na pambabae at ako nalang mag-isa ang naiwan doon na walang kasama,ang sabi sa akin ni nika dinala daw ako ni wendy doon sa condo unit nito na palapit lang sa pinuntahan namin bar ng gabing iyon at nag tiwala naman daw siya kay wendy dahil kwarto naman daw iyon ng kaibigan namin,dahil nakatulog na nga daw ako sa mesa ng mga oras na yon dahil sa sobrang kalasingan,kaya nag pasya daw si wendy na dalhin nalang ako sa kanyang condo unit na malapit sa lugar na yon..
Si wendy ang isa naming kasamahan sa trabaho noon,na isa din sales lady at hindi narin namin ito nakita kinabukasan simula ng gabing mangyari ang birthday party nito sa bar na iyon,at di narin ito pumasok sa kanyang trabaho kinabukasan,tinanong nga namin ang manager kung bakit hindi na ito pumapasok sa trabaho ang sabi ng manager ay nag resign na daw ito..nakaka pagtaka nga dahil biglaan naman ang pag re-resign nito sa trabaho..alam mo rian impossibleng malasing ka agad sa dalawang basong beer na ininom mo..yon nga din ang iniisip ko nik,alam kong first time ko makatikim ng beer pero hindi naman siguro ako agad agad malalasing ng ganon kabilis,pero hayaan muna nik nangyari na ang nangyari at wala narin naman tayong magagawa pa,at isa pa nag papa-salamat narin ako kasi may baby mia na dumating sa buhay natin naka ngiti kong saad dito"
Habang abala kami ni nika sa pag be-bake bigla nalang ito nag tanong tungkol kay wendy kung nasaan na ito..nasaan na kaya si wendy ngayon anuh,bigla nalang kasi nawala na parang bula at hindi na nagpakita sa atin at sa kanyang trabaho after nung gabing birthday party nito sa bar..pero alam mo rian mukhang hindi sanay si wendy maging sales lady..dahil mukhang itong anak mayaman katulad mo.. mga hindi sanay mag trabaho saad nito,na muntik kunang ikapaso ng kamay sa oven habang kinukuha ang bagong luto na cupcakes..pero ngayon tingnan mo sanay na sanay kana gumawa ng mga trabaho at doon kulang na pagtanto siguro tingin ko lang na anak mayaman ka kasi rian diba pag mayaman dapat hindi na nag tatrabaho dahil may pera na ito ..mahabang saad ulit nito..kung alam mo lang nik pero sa ngayon secret muna sa inyo ang totoo pero sasabihin ko rin naman pagdating ng araw bulong ko sa aking isip"
My third story for Kendrick Baltazar and Mariana Valencia :) i try to update if my free time ❤️