This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Prologue
Amelia
LATE akong dumating kaya hindi ko alam ang buong kaganapan. Nasa entablado si Adrian, hawak ang mikropono at nakatingin sa harap, kung saan nakaupo ang mga magulang namin, nasa tabi nila ang mag–asawang Montecillo kasama ang anak nilang si Camilla, isang beauty queen. Tumitig siya sa mga magulang namin tila may nais siyang sabihin.
Nakikinig lang ako sa gilid, pilit na pinipigilan ang kaba na biglang umahon sa dibdib ko. I took a deep breath, para mawala ang kaba na nabuhay sa dibdib ko. After my brother Mikhail wedding, umalis na ako ng bansa.
"Dad, Ethan," panimula ni Adrian, ang tinig niya'y puno ng pasasalamat, "hindi ko po alam kung paano niyo ako napalaki nang ganito. You didn't just give me a home; you gave me a family, a life I never thought I'd have. Buong buhay ko, you made sure I was loved, supported, and accepted, kahit hindi niyo ako kadugo. Tita, Nathalie, thank you for accepting me to be part of your family." He smiled a little bit.
Ramdam ko ang bigat ng mga salita niya habang tumingin siya sa mga magulang tila ba may nais siyang sabihin pero hindi naman niya kayang sabihin. Umiling na lang siya. I know he suffered long enough, parehas lang kaming dalawa.
"To my Dad, Brad," pagpapatuloy niya, "I may not have known you as my father when I was very young, but I will always be grateful for the life you've given me. Thank you for giving me a chance to have the life I have now. I am forever indebted to you. To my, Mom Glecel, I love you so much—you know that. Thank you for the wonderful life you've given me."
Pinilit kong ngumiti kasabay ng mga palakpakan sa paligid, pero hindi ko maitago ang pagnginig ng labi ko. Tumigil siya ng ilang saglit, parang hinahanap ako sa mata ng mga tao, at nang magtama ang tingin namin, naramdaman ko ang mga hindi mabigkas na salitang parang kumakatok sa puso ko. Alam kong iyon na ang huling tingin niya sa akin—ang pamamaalam niya sa akin.
At bago ko pa mapigilan ang sarili, bumaba siya sa entablado at lumapit siya kay Camilla. At sa harap ng lahat, bigla siyang lumuhod at binuksan ang maliit na itim na kahon na dinukot niya mula sa kanyang bulsa.
"Cam," mahina ngunit puno ng senseridad ang boses niya, "ikaw ang naging katuwang ko sa mga pinakamatinding pagsubok. You've stood by me, believed in me... so, will you marry me?"
Parang tumigil ang pagikot ng mundo ko sa narinig mula sa mga labi niya. Proposal? A marriage proposal? Papakasal na siya? Oh? Ang sakit naman nito. Ito ba ang dahilan, kung bakit sinabi niyang umuwi ako dahil may surprisa siya sa akin. Ang bawat bulong ng mga tao, bawat palakpak, ay masakit na pumapasok sa pandinig ko. Ang sakit sa dibdib ko, walang kahit sino man ang makakapagbibigay ng porsyiento kung gaano ito kasakit.
"Ang swerte ni Ma'am Camilla... na kay Sir Adrian na ang lahat—mabait, gwapo, at higit sa lahat, mayaman."
"Naku, sinabi mo. Made in heaven talaga silang dalawa. Ang pagkaka–alam ko, buntis na raw si Ma'am Camilla kaya siguro magpapakasal na sila," sabi nito at biglang siniko ng kanyang katabi.
Buntis? Totoo ba? Sabi ko sa isip ko. Mas lalong dinagukan ang puso ko sa matinding sakit. Kung alam lang nila ang totoo. Kung alam lang nila na mahal na mahal ko si Adrian—at mahal din niya ako—pero pinilit kong bitiwan siya dahil sa mga mata ng batas, sa mata ng lipunan, kami'y magkapatid. Ang relasyon namin ay kasalanan sa mata ng mundo. Kaya't tinikis ko ang nararamdaman ko para kay Adrian, ipinaglaban ko ang respeto ng pamilya ko kahit pa ang kapalit nito’y ang pagkawala ng taong pinakamamahal ko.
Ngayon, narito ako, nanonood habang ang taong minamahal ko ay nagbibigay ng puso niya sa iba na dapat sa akin.
Napatitig ako kay Adrian, hindi ako makagalaw, habang pinapanood ko siyang nakaluhod sa harap ni Camilla. Parang bumigat ang dibdib ko, ramdam ang pagkirot na hindi ko mapigilan. Napahawak ako sa dibdib, pilit na hinahaplos iyon, parang tinutulungan ang sarili kong huminga. Ngunit kahit anong pilit, parang pinipiga ang puso ko, masakit, mahapdi—sobra.
Mahal na mahal kita Adrian, simula pa noong nagkaisip ako. Sa bawat taon na lumipas, sa bawat pangarap na tinatago ko, ikaw ang kasama ko lagi sa aking isip at puso. Ngunit ngayong nasa harapan ko siya, hawak ang kamay ng iba at ipinagkakaloob ang buhay na sana'y kami ang magkatuwang, ramdam ko ang pagkabasag ng lahat ng iyon.
Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko, nang marinig kong sinagot siya ni Camilla ng isang malinaw at matamis na "Yes!" Kasabay nito ang malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid. Lahat sila masaya, pumapalakpak, ngunit para sa akin, bawat tunog ng palakpak ay parang martilyong pinupukpok sa puso ko.
Pilit kong tinaas ang kamay ko, pasimpleng pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi, hinahaplos ang bawat patak na naglalaglag sa mata ko. Bawat punas ay tila pagpapaalam—pagbitaw sa isang pag–ibig na hindi kailanman maaaring maging akin.
Dahan–dahan akong tumalikod, hindi ko na kayang panoorin pa ang susunod na eksena. Narinig ko ang bulong–bulongan, ang mga pagbati ng mga tao, at nang lingunin ko ang huling tingin sa kanya, sakto kong nasilayan ang pagdampi ng mga labi ni Adrian kay Camilla. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko, pilit kong ihakbang ang mga paa kong lumayo. Hindi ko na kayang tingnan pa—hindi ko na kayang marinig pa.
Lalayo ako, kahit na ang bawat hakbang palayo sa kanya ay parang paghila ng mismong kaluluwa ko.