Hawak ni Churie nang mahigpit ang dala-dala niyang supot. Laman niyon ang damit na naging susi niya sa matiwasay na pagbiyahe. Sa gilid naman niya ang pinamiling mga ready-to-eat food at pasalubong kahit wala naman siyang ediya kung kanino niya iyon ibibigay. Bunga ng matinding pagod at stress ay ilang oras ding nakatulog si Churie sa panghuling bus—lalo’t ito ang may pinakamahabang travel time. Dahil sa tulog na iyon ay kahit paano gumaan nang konti ang kaniyang pakiramdam. But not to the point na maaari siyang mapanatag. Kung susumahin ay aabot sa limang sakayan ang gagawin upang makarating si Churie sa pupuntahan niya. Matapos ang panghuling bus ay nagpasya muna siyang tumigil muna. Sapagkat natatakot siyang baka maapektuhan ang dinadala niya sa sinapupunan. Churie was also scared la