Kita ni Churie ang pagkabigla sa mga mata ng Ginang, ngunit nagbago rin naman agad maging ang paraan ng pagngiti nito. Churie didn't know the reason. But whatever is it ay wala siyang pakialam, ’yon ang iniisip niya. Lalo pa at hindi feel ni Churie ang pagka-arogante ng dating nito kahit ’di pa man nagsasalita. Churie could feel the tension that was starting to build up, ngunit kita niyang pinipilit itong itago ng kaniyang Nanay Calista sa likod ng isang malapad na ngiti. “Ah, si Churie nga pala, Madame Marcela. Siya a—” “Siya ba ang nawawalang anak nina Chenie at Arnaldo?” Bahagyang tumaas ang kilay ni Churie sa paraan ng pagkakatawag nito sa pangalan ng mga magulang niya. Hindi niya maipagkakaila ang pangmamata na ’di man lang itinago. “O-opo, madame. Salamat sa Diyos at nakabalik na