Dahil maraming trabaho sa office at may ibang mga importanteng bagay na ginawa si Zader ay ’di rin siya nagtagal sa Ospital. Kumuha na lamang siya ng mga private nurse upang alagaan si Erish at upang may magbigay sa kaniya ng constant report tungkol sa lagay nito. ‘Sweety . . . our baby, how is he? Ple-please . . . don't tell me, no! No! No . . .’ Hinilot ni Zader ang kaniyang noo bago muling tumingin sa screen ng kaniyang laptop. Alam niyang Erish was not in a good shape to be left alone yet. Saglit lamang itong nagising ngunit muling hinimatay nang malaman nitong nagkaroon ito ng miscarriage. Ngunit dahil natapat ang pangyayari sa new expansion ng company niya sa ibang bansa, ay wala siyang pagpipilian kundi ang magtrabaho muna. These matters cannot be handled by his secretary kaya ay w