Chapter 13

2332 Words

Nicole P. O. V Dahil sa pwersang pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang kilalang tao ay siya naman ang pagtilian ng mga babae sa classroom namin habang ang mga lalaki naman ay hindi ma-i-pinta ang mukha. Napaka-sakit ng aking tenga dahil sa kaingayan ng mga ito. Babae ba talaga sila? "Prince Terrence! Marry me!" Sigaw ng isa sa mga kaklase kong na kung maka-sigaw ay kung inaakala mo ay wala na yatang bukas, pero ano nga ulit ang sinigaw nito? Prince Terrence? As in Terrence na sumundo sa akin sa mundo ng mga tao o kapangalan lang niya? Napalingon naman ako sa may pinto at doon ko nga nakita si Terrence na nanatiling walang ekspreyon ang mukha at nakatayo roon. "Prince Lucas! Akin ka na lang please!" Seryoso ba ang babaeng 'to? Wala ba 'tong respeto sa sarili niya? Desperada masiyado.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD