Matututunan nga ba ng isang ruthless mafia lord ang magmahal?
Zandae Pach, isang matapang na babae at hindi umuurong sa kahit na anong laban. Siya ay isang makapangyarihan at mayaman na Mafia Boss.
Ang nais niya ay lalo pang yumaman at maghasik ng kasamaan. Ngunit sa isang iglap ay siya'y naging mahirap dahil sa isang anonymous na tao. At siya ay rejected by her Mafia group organization.
Ang gusto niya ay maghiganti ngunit siya ay wala ng pera at kapangyarihan kaya siya ay naghanap ng posibleng trabaho.
Ngunit sa paghahanap niya ng trabaho ay walang tumatanggap sa kanya dahil sa masama niyang ugali.
Hanggang sa mayroong tumanggap sa kanya na isang company bilang isang Secretary. Siya ay nagulat dahil ang CEO ay si Elrid Rila Saxilon, ang lalaking nagawan niya ng kasalanan. Gustuhin man niyang mag-back out sa trabaho ay nakasalalay na roon ang kanyang kinabukasan.