bc

How I Got Rid Of My Husband's Mistress

book_age18+
107
FOLLOW
1K
READ
family
HE
drama
disappearance
polygamy
like
intro-logo
Blurb

How many times have you heard the wife knows when her husband is hiding something? 

Women are said to posses a superior intuition or what they call a "women's intuition". That's why they said that you should never ever messed up with a woman, specially to those married one.

Kaya naman nang kutuban si Michelle na parang nangangaliwa ang kaniyang asawa ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Lalo pa at alam niya na kahit kailan hindi naging mali ang kutob niya.

Totoo, may ibang babae ang kaniyang asawa. Pero hindi niya hahayaan na maging masaya ang dalawa. Sa kaniyang isipan, tutal sumawsaw naman na ang babaeng iyon sa relasyon nilang mag-asawa, hindi puwedeng siya lang ang masasaktan sa larong ginawa ng dalawa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Everyone has a dream to have a good life in the future. One example that can define the true meaning of good life is marriage. Ngunit hindi rin naman lahat ng tao sa mundo ay nakikita na ang pag-aasawa ay isang paraan upang mahanap ang kaligayahan na nais natin sa buhay. There's a lot of things to do to be happy. Getting a degree, having a stable job, to pursue something that you're passionate about. Having a business, being a millionaire, or just having a peaceful and simple life.  Ngunit si Michelle ang tanging pinangarap niya lang ay magkaroon ng kumpletong pamilya balang araw. She wants a family legacy to carry on and not end with her. When I was a child, I was wondering what is like to have my own family even though that level of thinking was far beyond from my age. Siguro dahil iyon ang wala ako, kaya naman iyon ang pinangarap ko. Umpisa pa lang inisip ko na ang mga bagay na kailangan kong gawin upang makuha ang pamilya na inaasam ko. At iyan ang nag-dala sa aking kung nasaan man ako ngayon.   Every person that walks on the surface of the Earth has that one moment of their life by spending more time than usual to come up a list what a perfect partner they dreamt of. I know that the main foundation of a family starts from finding a good partner. I have that dream husband in my mind for a long time. Inilagay ko na sa isipan ko ang klase ng lalaki na nais kong pakasalan. At iyon ang ginawa ko.  Lahat ng pinangarap ko noon, mayroon na ako ngayon. Lahat ng akala ko imposible ay naging posible. I got everything I wanted. The life, career and most of all, the family that I wanted. Ngunit hindi naman ibig sabihin na nasa akin na ang lahat ay magiging kampante na ako. Dahil alam ko na may mga tao na minsan naging ako. Na nangarap na makuha ang pamilyang mayroon ako. People na hindi lalaban ng patas para makuha ang nais nila. Mayroon at mayroong tao na kayang sumira ng isang pamilya kahit pa gaano ka-tibay ito.  But I will stand on my ground. Hindi ako paaapi, at lalong-lalong hindi ako ma-aagawan.  "Hi, Hon. Good morning !"  Napangiti si Michelle nang maramdaman niya ang halik sa kaniyang pisngi mula sa kaniyang asawa na si Aki. Pinihit niya papatay ang stove at nilingon ito upang hapitin. "Good morning to you too, Hon." malambing niyang sabi bago hinapit ito papalapit sa kaniya, at siniil ng halik ang labi nito. At nang tuluyan na maghiwalay ang mga labi nila mula sa halik na kanilang pinakawalan, ay kapwa na hindi nila napigilan ang ngiti sa isa't-isa. Kapwa na pinagmasdan ang isa't-isa.  They're a definition of a perfect and happy couple, a perfect family. They're both successful and can provide fully for their family, lalo na sa kanilang nag-iisang anak.  Napakagandang tunay ni Michelle, looking fabulous with her pastel blue fitted signature dress na ilang libo ang halaga. Suot niya rin ang isang mamahalin na heels na hindi gaano kataas ngunit mas lalong nagpaganda rin ng kaniyang pustura. And aside sa kaniyang wedding ring ay suot niya rin ang paboritong set ng alahas na siya mismo ang nag-disenyo at gumawa. Her brown and curly hair is fixed with a pin on the side, na para bang walang nakatikwas ni isang buhok. She also has her make up on, manipis lang, just enough to enhance her beauty. Siya yung tipo ng babae na kahit ba may asawa at anak na ay hindi pa rin nakakalimutan na mag-ayos ng sarili. Alaga ang kaniyang balat at kagandahan. For her, beauty is essential. Kailangan niya na pangalagaan ang katawan at kagandahan, hindi lang para sa trabaho niya, kundi para rin sa kaniyang sarili. While Aki, he's effortly handsome with his signature black tuxedo. Nakaayos ang buhok at ang tanging alahas na suot ay ang mamahalin nitong watch at siyempre ang wedding ring nila. Pero para kay Michelle, kahit ano ang suotin nito ay napaka-gwapo at tikas ng kaniyang asawa. Kahit ano ang ibihis mo sa kaniya ay magmumukha pa rin itong mamahalin.  "Kung tititigan mo pa ako ng ganiyan ay baka hindi na tayo maka-alis ngayong araw," mapusok na bulong ni Aki habang nakayakap pa rin kay Michelle.  "Haha, ikaw talaga, you have a case today so hindi p'wede. I can't help lang talaga at napaka-gwapo mo lang as always." Napa-ngiti si Michelle at dinampian ulit ng halik ang labi ni Aki bago humiwalay.  Nakilala na ni Michelle si Aki ng ganito, laging maayos manamit, malinis sa katawan at maayos sa sarili.  "And you're beautiful as always." puri pa nito sa kaniya.  "Thanks, hon." aniya naman bago napatingin sa mga pagkain na inihanda niya, "Let's have our breakfast na. Sit down and kumain ka na, pinaghandaan kita ng paborito mo. Let me just get Mia in her room." aniya at akmang aalis na nang pigilan siya ni Aki at hawakan nito ang kamay niya.  "Let her sleep. It's saturday at wala naman siyang school today mamaya pa naman ang class nia kay Luiza, hindi ba? Let her rest. Besides, gusto ko lang na makasama ka for breakfast." malambing na sabi ni Aki sabay hinalikan ang palad ni Michelle.  Tumango si Michelle at naupo na lang sa harap ni Aki, inasikaso niya ito at sabay nga silang nag-agahan. Madalas ay sa umaga nga sila nag-uusap ni Aki lalo pa at dahil sa sobrang busy nito ay laging gabi na ito umuuwi.  "So what's your plans for today?" tanong ni Aki sa kaniya bago sumubo ng pagkain.  Napasimsim siya sa kaniyang kape na tila nagiisip. "Well, this morning I'll just work sa studio and I'm going to bring Mia with me. Then after I drop Mia sa Violin class niya this afternoon, I'll go the salon to have my nails done." sagot ni Michelle na ikinatango ni Aki. "How about you? anong oras ka u-uwi mamaya? I'm planning na magpa-reserve doon sa bagong restaurant sa-" "I'll be home late. May party kasi kami na dadaluhan mamaya kaya baka madaling araw na ulit ako umuwi." nakangiting sagot ni Aki sa kaniya.  Napatitig na lamang si Michelle kay Aki pagkatapos ay tumango. "Okay, sige pala, dito na lang pala kami ni Mia mag-dinner sa bahay. Surely we can schedule next time." masayang sabi pa ni Michelle pagkatapos ay siya naman ang sumubo ng pagkain.  --- "Michelle! here!"  Napalingon si Michelle sa gawi kung saan may tumawag sa kaniya. At tipid siyang ngumiti nang makita ang ilan sa mga kababaihan sa VIP lounge ng Salon na pagmamay-ari ng isa sa mga ito.  Lumapit siya sa mga ito at umupo sa bakanteng seat sa tabi nila. Tatlong babae ang naroon na halos ka-edaran niya rin. "Buti naman you decided to go here. Akala pa naman namin ay hindi ka makakapunta today." Si Gretchen iyon, ito ang tumawag sa kaniya kanina at ito rin ang may-ari ng salon na ito. Gretchen is a business woman. Nagmamay-ari ito ng ilang businesses dito sa Pilipinas. Ngunit sa lahat ng negosyo nito ay itong Salon ang paborito nitong tambayan. Hindi niya mga kaibigan ang mga ito. She's been going here for weeks now. Pero dahil nga sa ayos niya na kapansin-pansin lalo pa at mga branded ang suot niya ay bigla na lamang nakipag-kaibigan ang may-ari at hindi kalaunan ay ipinakilala siya sa mga kaibigan nito. At nang malaman din nila na isa siyang jewelry designer ng isang kilalang brand na minana niya sa kaniyang Mama, ay talagang hindi na nga siya tinantanan ng mga ito. She's part of this circle now. Isa sa mga alta, mga sosyal na asawa na hindi basta-basta. Mga asawa na kinaiinggitan halos lahat ng mga babae rito sa lugar nila. "I need to get my nails done. I've been busy this week. Ngayon lang nagkaroon ng oras." Sagot niya kay Gretchen. Ngumiti ito at napatango. "We'll, I'm glad that my salon is your new favorite. We have the best technicians here." "Where's your daughter, Mich?" Tanong naman ni Victoria sa kaniya. Ito ang asawa ng mayor sa City na ito. Isang dating artista si Victoria kaya naman ay kilalang-kilala rin ito. Tipid siyang ngumiti at sinagot ito. "May violin class siya. I took that opportunity to go here. And para rin makapag-focus siya. Ewan ko ba sa anak kong iyon. Pati sa akin nahihiya." Aniya pa habang pasimpleng tumawa. "Oh really? Nag-aaral siya mag-violin?" Tanong ni Victoria sa kaniya. Tumango si Michelle. Sa sandaling ito ay lumapit na rin ang nail technician na magaasikaso sa kaniya. "Yes, she just started her class few weeks ago. And I'm a proud mom lalo pa at ang bilis niyang natuto na mag-basa ng notes," aniya bago ipinakita ang isang video ng anak. "Oh! That's fantastic! Alam mo ba na my daughter too is learning violin? Anong school siya?" Tanong pa ni Victoria sa kaniya na tila ay namangha talaga lalo pa at pareho ang interes ng mga anak nila. "Not school actually. It's a private class with Maestra Luiza Valdez-" aniya at hindi natapos ang sasabihin dahil nagsalita si Victoria. "Oh my god! Maestra Luiza? As in Musica Italia Orchestra?" Hindi makapaniwalang tanong nito at tumango si Michelle na mas lalong ikinagimbal nito. Napasapo ito sa bibig na tila gulat talaga sa kaniyang sinabi. "Oh my god! Paano ka nakakuha ng slots for private class? I've been trying to reach her but she's too busy. So paano?" "Luiza is my good friend in highschool. Actually siya ang nag-offer sa akin. Kakauwi niya lang kasi from italy at nagkita kami. She's staying here for 6 months kaya pumayag na rin ako na paturuan sa kaniya si Mia." Paliwanag niya. Sa sandaling ito ay mas lalong nalaglag ang panga ni Victoria dahil hindi makapaniwala.  "Grabe! Ang isang Maestra Valdez ay kaibigan mo at siya pa ang nag-offer to give private classes to your daughter?" Dagdag pa ni Victoria. "Maliit na bagay. And mabait talaga si Luiza, Ninang din kasi siya ng anak ko." Lumapit si Victoria sa kaniya at tinapik ang balikat niya. "Baka naman pwedeng sumingit ang anak ko. I'll pay kahit magkano, basta isang Maestra Valdez lang ang mag-turo sa kaniya."  Tumango si Michelle at dinampot ang champagne na inabot ng isa sa mga staff ng salon."Sure, sasabihan ko si Luiza. And don't worry about the money. Ako na ang bahala. Maganda rin siguro iyon para may kasama ang anak ko sa class. Sa tingin ko ay makakapag-focus siya kapag may ka-edaran siya na kasama." Dahil sa kaniyang sinabi ay bumakas ang excitement sa mukha ni Victoria. Sobrang saya nito at napa-post pa sa social media. With matching picture nila and caption, "Look who's excited to meet Maestra Luiza Valdez for my Daughter's violin class. Thank you, Mich!" Nakatag siya sa nasabing post, kasama si Gretchen and Amanda na naroon din.  "Haay, grabe ang bait talaga ni Michelle. And I know happy na happy ka Victoria. Alam mo naman ang mga Mommies na kagaya natin. We want the best for our babies." Sabi nito at sumanggayon sila. Sunod na napatingin si Gretchen kay Amanda. "Amanda is very lucky at wala pa siyang anak. Masaya ang magka-anak but enjoyin mo ang pagiging single mo while it last. Dahil you'll never know kung magkakaroon ka pa ng time for yourself when you start to have kids. Believe me. Wala kang iisipin kundi ang kapakanan ng mga anak mo." Dagdag pa nito. Tumango si Amanda at uminom ng champagne. "I will." Simpleng sagot nito.  Amanda, hindi niya pa gaanong kilala si Amanda, aside sa isa rin itong business woman, alam niya ay may pagmamay-ari itong flower shop sa malapit. Madalas kasi na tahimik lang ito at hindi umiimik kaya naman kumpara sa dalawa ay hindi niya masyadong nakakausap ito.  Napangiti si Michelle at sumimsim sa champagne glass niya habang hindi inaalis ang tingin kay Amanda. Sunod ay napatingin siya sa paligid na tila may hinahanap. "Oh, before I forget. Where's Ellen?" Wala kasi si Ellen na madalas din nilang nakakasama rito. Kagaya niya ay isang house wife si Ellen. Ang pinagkaibahan lang ay full time wife ito dahil sobrang yaman na nito dulot ng bukod sa isang politician ang asawa nito ay anak rin siya ng dating politician.  "Bakit wala si Ellen?" Nagkatinginan ang mga kasama niya at nanahimik. Bumakas naman ang pagtataka sa kaniyang mukha kaya si Victoria na ang nagsalita. "Hindi mo alam ang nangyari kay Ellen?" Umiling siya dahil wala siyang balita sa nangyari dito. "Wait? Is she fine? What happened?" "You didn't know? Her husband is having an affair?" Mahinang tanong ni Victoria. Umiling siya at muling nagsalita ang dalawa. "Her husband is having an affair with her OB! Oh my gosh 'di ba? Kawawa nga siya eh. Hindi namin makausap ng maayos after na mahuli ang asawa niya at ang doctor niya mismo sa mismong clinic nito." Sabi din ni Gretchen. "We felt sorry sa pinag-dadaanan niya. Ngayon mukhang plano ata makipag-hiwalay ni Ellen sa asawa niya. And their kids doesn't know yet. Kawawa ang bunso ni Ellen, her baby just turned 2 last week." Napailing si Michelle bago sumimsim ulit ng champange. Napabuntong-hininga si Gretchen,"Haaay.. ang mga kabit talaga.. walang pinipili. They don't care kung kanino kakabit." "True! Sinabi mo pa." Segunda naman ni Victoria. "Ang mga gold digger na iyan kahit kailan walang pakialam. Basta kapag kinati sila go lang. Hindi iniisip kung may mga bata na maapektuhan." "Am.. excuse me. I need to go to the powder room." putol ni Amanda pagkatapos ay tumayo at umalis upang magtungo sa powder room. --- Pagkadating sa powder room ay agad na binuksan ni Amanda ang gripo at naghugas ng kamay. Sunod ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin. I hate her! The nerve of that Michelle! Masyadong pasikat! Bakit ba kasi siya nandito?! Sigaw niya sa kaniyang isipan. Inis na inis siya rito. Sa sobrang inis niya ay nais niyang sabunutan ito. Na tuklapin ang mga kuko nito at balatan ng buhay sa labis na pasikat nito. Makita lang ito ay kumukulo na ang dugo niya.  Napailing siya, kailangan niyang kumalma. Kaya naman matapos niyang maghugas ng kamay ay nag-retouch siya pagkatapos ay lumabas na, nang hindi inaasahan na nasa labas ng pinto si Michelle. Bumakas ang gulat sa mukha niya dahil hindi niya akalain na naroon ito. Tila napansin naman iyon ni Michelle kaya agad na nagtanong sa kaniya.  "Hey? Are you okay?" Tanong ni Michelle. Tipid siyang ngumiti at naupo. "Yes, I'm fine."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
136.7K
bc

His Obsession

read
86.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
178.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook