Tahimik lang kami ni Rohan sa byahe. Simula noong makapasok kami ng kotse niya hindi siya umimik. Hindi rin siya nagtanong. Kinakabahan ako sa posibleng sasabihin niya kung kaya hindi ko maiwasang manginig ngayon lalo na sa bawat segundong lumilipas na katabi ko siya sa loob ng kanyang sports car. I hate this feeling, iyong tipong natatakot akong magkamali sa sasabihin ko kaya mas pinili kong manahimik na lamang. Alam kong sasabog na ang puso niya sa galit mula pa kanina habang kausap niya si Vernon. Mabuti na lang magaling siyang magdala ng emosyon kaya nakayanan niyang makipagsagutan. Naka-ilang hingang malalim yata ako sa tabi niya. Tiningnan ko na lang ang labasan nang sa ganoon makalma ko ang sarili. Naririnig ko ang lagapak ng kanyang labi sa tuwing pinaglalaruan niya ito ng k