Kagaya nga ng sabi ko, hindi na talaga ako makapag-focus sa ginagawa ko. Laging laman ng isipan ko si Rohan. Habang nakikinig sa proffesor namin, pansin kong panay sulyap sa akin ang mga kaklase ko. Kakaiba ang tingin nila sa akin, kapag nagkakatinginan naman ang mga mata namin, mabilis solange umiiwas ng tingin. Animo'y takot na takot na baka mabasa ko ang iniisip nila. Hindi ko naman mapagtanto kung para saan ang mga titig nila sa akin. Ngunit nang binalikan ko ang kaganapan nitong umaga, agad akong namula. Oo nga pala, dahil nga pala sa nangyari kanina. Pagkababa ko kasi ng kotse ni Rohan, agad nagsitinginan ang mga studyanteng papasok ng University. Nagbulungan sila at halata ang pagkagulat sa pagkat may naghahatid sa aking magandang kotse. Tawag pansin din naman kasi ang kotse