Pagka-upo ko pa lang sa upuan, binuksan niya agad ang nakatakip na mga pagkain. May tatlong putahe ang nandoon. Hindi ako familiar sa dalawa pero 'yung isa alam ko agad na adobo iyon pero may boiled egg kaya mas lalong sumarap tingnan. Bigla akong natakam. Napalunok agad ako ng laway. May puting plato na sa lamesa ko kaya kumuha na ako ng kanin para tikman ang niluto niya. Umupo na rin siya kaharap ko. Napapangiti ako nang maisip kong may kasama na rin akong kumain. Nakakalungkot kayang kumain na mag-isa ka lang sa hapag. Simula kasi noong nakatira na ako dito, wala akong ganang kumain, tinatamad rin ako magluto sa pagkat wala namang kakain sa niluluto ko. Ako lang talaga. Ang una kong kinuhang ulam ay adobo. I mix it on my rice. Napatingin ako kay Rohan na tinutupi pa ang kanyang